Entertainment

Ai-Ai delas Alas, excited sa pagbibidahang Kapuso drama serye

Ang pagbibida sa isang drama series ng GMA-7 ang isa sa mga best Christmas gift na natanggap ni Ai-Ai delas Alas kaya mapipilitan siyang putulin ang plano niyang matagal na pagbabakasyon sa Amerika.

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa schedule, babalik ng Pilipina si Ai-Ai sa ikalawang linggo ng January 2022 para sa lock-in taping ng television series na pagbibidahan niya.

Excited pero kinakabahan si Ai-Ai sa bagong project nito sa Kapuso Network dahil tulad ng mga nakaraang indie movie na nagbigay sa kanya ng mga international acting award, serious drama at wala ni katiting na comedy scene na gagawin ang karakter na gagampanan niya.

“Kinakabahan ako,” ang pag-amin ni Ai-Ai nang makausap siya ng Cabinet Files mula sa tahanan nila sa Virginia, USA ng kanyang asawang si Gerald Sibayan ngayong Sabado ng hapon, December 25, 2021.

“First time ko na gaganap sa ganoong role. Nag-pray ako na sana maging magaling ako. Pag-aaralan ko na mabuti ang role ko at gagalingan ko.

Continue reading below ↓

“Magkahalo na excitement at nerbyos ang nararamdaman ko,” ang pahayag ni Ai-Ai na lubos ang pasasalamat sa GMA-7 dahil sa mapaghamong papel na ipinagkatiwala sa kanya na mahirap tanggihan.

Nagpapasalamat din si Ai-Ai sa Panginoong Diyos dahil sa mga biyaya na natanggap niya, sa kabila ng mga pagsubok na hatid ng coronavirus pandemic.

Sa awa at tulong ng Poong Maykapal, ramdam ni Ai-Ai na magiging maganda ang 2022 para sa kanyang showbiz career, pero taimtim pa rin ang pagdarasal niyang matapos na ang pandemya para bumalik na sa normal ang pamumuhay ng lahat ng tao sa buong mundo.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close