Entertainment

Aiko Melendez grateful sa support ng friends sa birthday event

GORGY RULA:

Na-enjoy ni Aiko Melendez ang pakikipagtrabaho kina Joaquin Domagoso at James Blanco sa “Bahay” episode ng horror trilogy na Huwag Kang Lalabas, isa sa walong official entries ng MMFF 2021.

Lahad ni Aiko sa virtual interview nitong Disyembre 11, 2021, Sabado, “Joaquin Domagoso, yung son ni Mayor Isko Moreno, plays my son there. Si James Blanco na kasama ko rin sa Prima Donnas ang medyo love interest ko dito sa istorya.

“Ok ang shooting namin, kasi masayang kasama si Joaquin Domagoso. Para akong naging young at heart again.

“Kasi, tinuruan niya akong mag-Tiktok on the set, ‘tapos we did a vlog together. So, ang saya, parang ang light lang!

“To think na yung location namin, sa tabi ng ilog and at the time it was drizzling. So medyo pahintu-hinto kami ng shooting, pero we made it to the point na nagka-chikahan kami.

“Masaya kami sa set kahit horror ang ginagawa namin. Tumatawa kami sa set. E kasi, alam ni Direk Adolf na matatakutin ako. Kahit alam kong shooting yun, siyempre pag gabi, yung ilog…ang kuwento ng episode namin, may lumalabas sa ilog.

Continue reading below ↓

“Itong si James Blanco, tinatakut-takot ako. Kunwari, itutulak ako. We end up laughing.”

First time ni Aiko na makatrabaho si Adolf Alix Jr., ang direktor ng Huwag Kang Lalabas.

“Napaka-cool ni Direk. Sobrang chill lang siya sa set. Kahit inuulan na kami, andun lang siya sa isang tabi, nagkukuwentuhan kami,” saad ni Aiko.

“Masarap siyang katrabaho. I hope I get to work with him again.”

Sa pagkakatanda ni Aiko, ang huling horror movie niya ay Multo in the City (1994).

JERRY OLEA:

Malabong maka-attend si Aiko sa press preview at presscon ng Huwag Kang Lalabas ngayong Disyembre 12, Linggo, sa isang mall.

“Hindi raw siya na-inform na today na pala iyon itutuloy, e, naka-commit na siyang dumalo sa Christmas parties ng sampung barangay sa District 5 ng Quezon City, kung saan kandidato siyang konsehal.

Today ipamimigay ni Aiko ang raffle stubs para sa online raffle kaugnay sa kanyang birthday at 35th anniversary sa showbiz.

Magpe-Facebook live siya sa kanyang kaarawan sa Disyembre 16, Huwebes.

Marami siyang inihandang papremyo, kabilang ang 42-inch TV at appliances.

Nagpasalamat si Aiko sa mga kaibigang artista na makikisaya sa kanyang pa-raffle, kabilang sina Ogie Diaz, Carmina Villarroel, Ruffa Gutierrez, at Gelli de Belen.

“Nag-pledge sila ng support sa akin, yung mga kasabayan ko. Na kahit hindi sila makababa, they’re willing to do the online thing with me. Nagpapasalamat ako sa kanila, kasi, hindi nila ako pinapabayaan talaga.”

Hopefully, maka-attend si Aiko sa MMFF 2021 Parada ng mga Bituin sa Disyembre 19, Linggo ng hapon.

Fluvial parade ito sa Pasig River.

Sa Disyembre 27 naman ang MMFF Gabi ng Parangal sa Samsung Hall ng SM Aura.

Nagwaging best supporting actress si Aiko sa MMFF 2018 para sa Rainbow’s Sunset. Hopia ba siya na mag-best actress naman this time?

Natawa si Aiko at ang sabi, “Parang ano kasi, sa movie na ito, horror… meron na bang nanalong best actress or best supporting sa horror?”

Continue reading below ↓

Meron! Nag-best actor si Herbert Bautista sa MMFF 1984 para sa “Manananggal” episode ng Shake, Rattle & Roll. Sa MMFF 1986, humakot ng awards ang Halimaw sa Banga, kabilang ang best actor (Mario O’Hara), best actress (Liza Lorena) at best supporting actress (Maritess Gutierrez).

Pakli ni Aiko, “Tapos, nanalo ako? Hindi ko alam! Hahahaha!”

Si Beauty Gonzalez ang bida sa “Kumbento” episode ng Huwag Kang Lalabas, samantalang si Kim Chiu ang bida sa “Hotel” episode.

Sa kanilang tatlo, siya ang beterana at multi-awarded, kaya siya ang panlaban ng produksiyon.

“Ayokong mag-expect! Hahaha! Natatawa ako! Hahaha” paghalakhak ng aktres.

At least, nandun na siya sa point na OK lang kung manalo man siya o matalo, at hindi na maku-question ang galing niya.

Tawa pa rin siya nang tawa nang sinabing, “Natatawa ako! Sana nga! Natatawa pa rin ako!

“‘Tapos, eto na… nagdilang-anghel si Kuya Jerry, nanalo ako. Hahaha. Natatawa ako! Hindi ako maka-get over!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

Natapos na ni Aiko ang taping niya para sa season 2 ng Kapuso series na Prima Donnas.

“Kaya lang, pag-showing niya sa January, in the middle of the story, mawawala ako,” pakli ni Aiko.

Ayaw i-reveal ni Aiko kung ano ang mangyayari sa kanya sa istorya.

Dagdag ng Kapuso actress, “Inayos ng Prima Donnas sa akin, nag-adjust sila. So, thankful ako sa GMA dahil talagang pati story, tailor-made talaga, in-adjust nila, na alam nilang I’m running.

“So, they cut short yung appearance ko.”

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

close