Entertainment

Andi Eigenmann on stealing allegation against Philmar Alipayo

Umalma si Andi Eigenmann sa akusasyong ang fiancé niyang si Philmar Alipayo ay nagkanakaw diumano ng donations para sa Typhoon Odette victims sa Siargao.

Ang pamilya nina Andi at Philmar ay nasa Metro Manila nang manalasa ang Bagyong Odette sa Siargao noong nakaraang linggo.

Sa kanyang Instagram Stories kahapon, December 20, ipinaliwanag ni Andi na may dala si Philmar na pag-aaring boxes ng pagkain at essential items na inuwi nito sa Siargao mula Metro Manila.

Nakauwi si Philmar sa Siargao nang mag-volunteer ito sa relief operation ng isang airline company.

Paliwanag ni Andi (published as is): “@chepox just got back to Siargao and left me and the kids behind with a heavy heart in order to go and see our family and see what more we could do to help.

“When he got a a seat on the @sunlight_air as a volunteer, we also asked beforehand if he was allowed to bring some boxes with him so he could readily bring food and other essentials to his family and our loved ones there. They said yes!

Continue reading below ↓

“It is very sad to know that he is being accused of stealing donations when he even specifically ignored his chance to use his platform to ask for them, since he’s more than willing to use his own money just to help our community out.”

Hindi binanggit ni Andi kung sino ang nag-akusa ng pagnanakaw laban kay Philmar.

Pero idiniin niyang hindi totoo ang bintang kay Philmar.

Bagamat likas na simpleng tao si Philmar, ipinunto ni Andi na mayroon itong financial means para makatulong sa mga kapamilya at pati na rin sa ibang biktima ng bagyo sa Siargao.

Patuloy ni Andi (published as is): “Just so hurtful that it always seems to be so hard to believe that my fiance has his own money to spend too because he works to earn it.

“Now with some, he is still the same simple man who doesnt really need much. Just for his kids to have a good life.

“Which is why it isnt hard for him to share his blessings to HIS HOME.”

Nag-aalala man para sa fiancé, sanay na raw si Philmar sa pagharap sa anumang problema.

“Before he left i kept telling him to take care. And he kept assuring me he will be ok by saying, ‘Mahal, I am used to having nothing. We are used to having no bed to sleep on, no aircon, no purified water, no proper food to eat. I WILL BE OK.'”

Sa isa pang Instagram Story ni Andi, nilinaw niyang hindi ang airline company ang nagbibintang ng pagnanakaw laban kay Philmar.

Binanggit lang daw niya ito para linawing pinayagan talaga ang fiancé na magdala ng sarili nitong boxes na may lamang food at essentials items.

Nasira ang bubong ng bahay na gawa sa nipa tatch, pero tila matibay na nakatirik pa rin ang concrete house nina Andi at Philmar sa Siargao.

Continue reading below ↓

Pero marami sa kanilang karatig-lugar ang lubhang napinsala ang bahay at kabuhayan.

Ang Siargao ang isa sa mga probinsiyang dumanas ng matinding dagok dala ng Bagyong Odette na kumitil ng 375 katao, ayon sa death count ng Philippine National Police kahapon.

Ilan pa sa showbiz personalities na naapektuhan o nasaksihan ang pananalasa ng Bagyong Odette sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ay sina Slater Young, Sunshine Guimary, at Tom Rodriguez.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *