Entertainment

Andrea del Rosario flies to Argentina to watch BF’s polo match

Nasa Buenos Aires, Argentina ngayon si Andrea del Rosario.

Bumiyahe ang aktres noong October 25, 2021 para um-attend ng polo competition kunsaan kasali ang kanyang boyfriend na si Anthony Garcia.

Kuwento ni Andrea sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook Messenger noong November 7, ilang beses na siyang nakarating ng Argentina para sa polo competition ni Anthony.

Aniya, “I arrived October 25 and I will be staying until November 14.

“Every year nandito kami, siguro 3-4 times ko na dito. Anthony is a professional polo player [highest rated polo player in Southeast Asia] at may competition siya dito ngayon [2021 Presidente Cup] at nanood din kami ng Argentine Open.”

Ang Argentine Open or Abierto de la República or Abierto de Argentina ay isa sa oldest national golf open championships.

Heto ang pinost ni Andrea sa kanyang Instagram account (published as is):

“Wow, definitely aligned for @lanatividadpolo ! Congratulations men! Muchas Gracias por Un buen partido ! #hurlinghamoficial #hurlinghamopen #lanatividad hurlinghamopen #polomatch #argentina #poloallday #championship”

Continue reading below ↓

ON TRAVELLING DURING PANDEMIC

Kahit na ilang beses nang bumiyahe si Andrea patungong Argentina, marami raw nabago sa nakasanayan niyang pagbiyahe dahil sa COVID-19 pandemic.

Marami raw kailangang sundin na health protocols na minsan daw ay pasakit sa maraming biyahero.

Sabi niya sa PEP.ph, “Yes, may mga ‘turn off’ lang sa mga travelers. Pero I guess it’s part of the protocol. But siyempre, nakakalungkot para sa travel/tourism industry kasi if it’s like this, no one will want to travel and these industries (most especially laid off employees) will suffer for a long time.”

Continue reading below ↓

Post pa niya sa IG (published as is): “Times have really changed…. First time to experience people from a counter (no offense to the lady at the counter who was just doing her job) take a photo from my phone of me and my bf (personal photo) … ….. Wala Lang, nakakashock Lang how strict it has become ….. how things have changed…… you’ll see how the world have changed because of the pandemic…… Has anybody experience this? Anyway, hope to hear your thoughts about this….. Tnx!”

Continue reading below ↓

Inaabot daw ng 30 to 31 hours ang pagbiyahe mula Manila to Argentina at kasama na roon ang transfer flight.

Pero sulit naman daw ang pagod ng isang traveller dahil isang magandang bansa ang Argentina.

SUPPORTING ANTHONY IN ARGENTINA

Nang kumustahin namin kay Andrea ang sitwasyon sa Argentina, halos normal na raw ang takbo ng buhay doon.

Kuwento niya sa PEP.ph, “Sa Argentina, mostly normal na. But still required to wear mask when you go to any enclosed areas.

“We rented a house in La Cañada Polo Club which is the team Anthony is playing for. Since I also ride and play polo, wala masyadong traveling kasi everyday, polo lang!”

Ang La Cañada Polo Club or Club de Polo La Cañada ay isang sikat na sports club sa Luján, Provincia de Buenos Aires, Argentina.

Heto ang magkakasunod na post ni Andrea sa Instagram sa paghahanda niya sa polo tournament:

“Home is where your ???? is… #homeforthenextfewdays #argentina #poloseason2021 #poloargentino #zara #converseallstar #ootd”

Continue reading below ↓

“Getting my body ……and mind ready for tommorow…… will be riding again after months of hibernation!

“Ready na ang alaxan at tylenol ! Lol #poloseason2021 #argentina #polomecca #ootd #pradashirt #zara #mangopants”

Continue reading below ↓

“Yellowwww everyone!!!!….Because it’s the color of sunshine, hope and happiness! @bohomnl #yellow #earings #locallymade #filipinomade #lifeisshortliveitincolor”

FAMILY OVER POLITICS

Ilang beses na ring nagkasama sina Andrea at Anthony sa Argentina tuwing may polo tournament ang huli.

Nararamdaman ba ni Andrea na magpu-propose sa kanya si Anthony ngayong nasa Argentina siya?

Continue reading below ↓

Ang sagot lang ni Andrea ay “Secret!!”

Kinumusta rin ng PEP.ph ang naging IVF procedure ng aktres.

Ni-reveal ni Andrea noong nakaraang August na dumaan siya sa in vitro fertilization (IVF) dahil ito na raw ang last resort niya para magkaroon ng kapatid ang unica hija niyang si Bea, na ngayon ay 11 years old.

Sa edad na 43, mahihirapan na raw magbuntis nang normal si Andrea kaya sinubukan niya ang IVF.

Sabi niya, “I did the egg harvest, kaso hindi na naman natuloy, kasi nga sa trip na ito. So I’ll do another one pagbalik ko, hopefully this December.”

Priority ni Andrea ang kanyang pamilya at ang magkaroon ng second baby, kaya wala na raw siyang balak na muling pumasok sa pulitika kahit na may mga nag-uudyok sa kanya na tumakbo ulit sa Calatagan, Batangas.

Noong 2016, na-elect si Andrea bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas. Kahit na maganda ang naging record niya bilang public official, hindi na nag-seek for reelection or for a higher position si Andrea dahil mas pinili na niya ang kanyang pamilya.

Continue reading below ↓

Lahad niya, “Back then, may mga tanung-tanong. But I guess they see that I am focused sa family especially si Bea and hopefully getting pregnant again. So nag-stop yung mga nagtatanong sa akin.”



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *