Entertainment

Bakit nga ba naging biktima ng death hoax si Mike Enriquez?

Nasanay na ang mga Pinoy sa pag-isip na may nawala, pumanaw o di kaya’y nagluluksa kapag pinalitan ng kulay itim ang profile picture ng Facebook users, kaya marami sa netizens ang kinabahan nang makita nila ngayong Linggo ng gabi, December 26, na itim ang updated profile picture ng verified Facebook page ng GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network Inc.

Naghatid ng pangamba ang ginawa ng GMA Artist Center dahil may mga nag-akalang may namaalam, kaya naging biktima ng fake news ang respected broadcast journalist na si Mike Enriquez na kasalukuyan na nagpagagaling mula sa isang matagumpay na operasyon.

Mike Enriquez death hoax comments

Continue reading below ↓

Comments on Mike Enriquez death hoax

Pinairal ng ilang mga netizen ang kamangmangan sa pamamagitan ng pagkakalat ng mga walang katotohanang balita tungkol kay Mike.

Itim ang profile picture ng official Facebook page ng GMA Artist Center na may caption na “Glimmer” dahil tulad ng report ng PEP noong December 23, papalitan ng Sparkle ang pangalan ng talent management arm ng Kapuso Network.

GMA Artist Center Facebook profile page

Comments on Mike Enriquez death hoax

Continue reading below ↓

Pero hindi pa man nagaganap ang “grand reveal” sa Sparkle sa December 31, 10:30 pm sa Kapuso New Year Countdown to 2022, nagkaroon agad ng kontrobersya dahil sa “brilliant idea” na gawing itim ang profile picture ng Facebook page ng GMA Artist Center.

Inaasahan ang pagdalo ng mga contract star ng magpapalit na pangalan na talent management arm ng GMA-7 na makikilala bilang Sparkle simula sa January 1, 2022, kaya walang dapat ikabahala at ikatakot ang mga nagbigay ng ibang kahulugan sa black profile picture ng official Facebook page ng GMA Artist Center.

At para sa mga nagkakalat ng mga walang katotohanan na balita tungkol sa mga inosenteng tao na nagpapagaling, tantanan niyo na siya dahil hindi kayo nakakatulong.

Tandaan, walang bait sa sarili ang mga naniniwala sa sabi-sabi at imbes na magkalat ng tsismis, ipagdasal niyo na lamang si Mike para sa kanyang tuluy-tuloy at mabilis na pagpapagaling.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *