Entertainment

Baron Geisler blessed with wife when he started fixing his life

Nakilala ni Baron Geisler ang misis niyang si Jamie Evangelista noong nagsisimula siyang magbagong-buhay.

March 2018 nang boluntaryong sumailalim si Baron sa isang five-month rehab program sa Cebu.

Pinili ng aktor ang Cebu dahil nais niyang ilayo ang sarili sa mga temptasyon sa kanyang mga bisyo.

Hindi raw akalain ni Baron na sa rehab center sila magkakakilala ni Jamie na isang psychologist.

I met her one week bago ako grumaduate sa rehabilitation center. I asked her out for tea. I got to know her.

“And then I just said, ‘Wow! She’s the one,'” masayang balik-tanaw ni Baron.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Baron sa online show na PEP Spotlight noong October 2021.

Pakiramdam ni Baron ay itinadhana sila ni Jamie, lalo pa’t nasa punto siya ng kanyang buhay na gusto niyang tuluyang magpakatino.

September 7, 2018 nang maging magkasintahan sila.

“Kasi nung time na ‘yan na nasa rehab ako, I would really read the Bible every day. I would go to Wednesday worship, I’ll go to Saturday worship, I’ll go to Sunday worship.

Continue reading below ↓

“Ang pinaka hindi ko pa matanggal is the cigarettes. I wanna be honest with that.

“Pero yung looking at porn or rating myself, tinanggal ko,” saad ni Baron.

Bahagya siyang natawa dahil “TMI” o too much information na raw yata ang nasabi niya, pero nais lang ng aktor tumbukin ang mindset niya nang makilala si Jamie.

Sabay sabi ni Baron patungkol sa asawa, “Kaya siguro binigay sa akin. Kaya binigyan ako ni God ng God’s best.”

September 21, 2019 nang ikasal sina Baron at Jamie sa isang simpleng civil wedding ceremony sa Quezon City.

Isinilang ni Jamie ang anak nila ni Baron na si Talitha Cumi noong January 20, 2020.

baron on wife jamie: “WE’RE EQUALS”

Kita sa kinang ng mga mata ni Baron ang pagmamahal niya kay Jamie habang inilalarawan ang mga katangian nito na pinakanagustuhan niya.

“Malambing siya, matapang. Hindi rin siya yung klase ng tao na naglalagay ng label.

Continue reading below ↓

“Mabait siya. As in, di rin siya naglalagay ng classes, different levels ng pagkatao.”

Noong nagkakilala sila, naisip ni Baron na kuntento na siya sakaling hindi na siya makabalik bilang artista at magnegosyo na lang siya ng simpleng barber shop.

Si Jamie raw ang nag-boost ng kanyang morale.

Pero kahit nagbalik si Baron sa pag-aartista, hindi raw nagbago ang pakikitungo sa kanya ng asawa.

“Hindi rin niya ako kilala as Baron Geisler na artista.

“Up until now, she just treats me as a regular human being. We’re equals. Yun ang masasabi ko,” aniya.

BARON ON SPENDING QUALITY TIME WITH HIS FAMILY

Masaya si Baron na sa Cebu sila bumuo ng pamilya ni Jamie dahil madali silang nakakapunta sa mga beach kung gusto nilang magbakasyon.

Kung hindi rin lang abala si Baron sa taping o shooting, makikita sa Instagram niya na madalas na nagpupunta sila sa mga beach resort.

Continue reading below ↓

Malalim ang hugot ni Baron kung bakit ganoon na lang ang pagnanais niyang magkaroon ng quality time sa pamilya.

Una nang naiulat ng PEP.ph ang kuwento ng pagtalikod niya sa bisyong alak at ilegal na droga sa tulong ng kanyang pagpasok sa rehab at pagbabalik-loob sa Diyos.

Paliwanag ni Baron, “I promised myself and, of course to my God, that I would start making fresh, new stories with my family—great memories.

“I think that’s what’s the most important thing na puwede kong ibigay sa kanila ng mga anak ko.

“Kasi memories are hard to escape. I had some bad childhood memories that turned me into a monster. I don’t want that to happen with my kids.

“As much as possible, bonding. But the bonding doesn’t end after the vacation.

“The bonding continues after the vacation. It should be consistent. Everything should be consistent in my life right now.”

PROUD DADDY

Proud daddy si Baron nang kumustahin namin ang three-year-old daughter niyang si Tali.

Continue reading below ↓

Hilig daw nito ang magpunta sa beach.

“Sobra! Kaya niya maghapon sa beach kasi nung buntis si Jamie, we would go to the beach almost all the time,” ani Baron.

Paano siya bilang ama?

Sagot ni Baron, “Malambing ako sa kanya. Lagi ko nilalaro. Ako nagtuturo ng clap and then mga ABC. Nagha-hum na siya ngayon…

“Pinapanood ko siya ng alphabets, nursery rhymes. Ang bilis ng pick-up niya.

“Kasi my two boys are very responsibile and smart kids. Hopefully, si Tali din.”

Ang tinutukoy niyang two boys ay anak ni Jamie sa dating karelasyon. Mga anak na ang turing ni Baron sa mga ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close