Entertainment

Basketball star Ricci Rivero takes a break from showbiz

Ang defunct Sunday noontime program na Sunday Noontime Live, na nagsara noong January 2021, ang huling regular television show sa TV5 ng basketball star na si Ricci Rivero.

Tiyak na ring ang Upstream original movie na Happy Times, na nag-umpisa ang streaming noong December 17, 2021, ang kanyang huling pelikula dahil sa desisyon niyang ituon ang panahon at atensiyon sa basketball.

Si Ricci ang lead actor ng Happy Times kaya ang suportahan at panoorin ng publiko ang kanyang pelikula ang hiling niya.

“I’m focusing on basketball, so ngayon, actually nasa training camp dapat ako, but then, I went out for this to watch the film sana,” sabi ni Ricci.

Kinumpirma ng basktball star ang pansamantalang pamamahinga niya sa showbiz.

“For now, sa basketball muna ako magpo-focus, kasi malaking achievement na naman na natapos na talaga namin ang Happy Times so matagal-tagal ko muna siyang e-enjoy-in.

“Sana, guys, suportahan niyo ito, kasi babalik muna ako sa basketball kung saan naman po ako talaga nanggaling.”

Continue reading below ↓

Ayaw isipin ni Ricci na matagumpay na ang kanyang basketball career kaya pumasok siya sa entertainment industry, pero sinubukan niya ang pag-arte dahil sa hilig niya sa panonood ng local movies.

Saad niya, “So far, I don’t see myself successful sa basketball at kahit saan. I am really into something new.

“Naa-attract ako palagi sa Tagalog films kaya I’m into Tagalog films talaga. Nae-enjoy ko talaga lalo na nung masabihan ako na magkakaroon ng chance to work with yung mga artista and all.

“I’m really into learning something new, so sobrang open ako kahit saang craft naman ako mapunta.

“Nakikinig lang naman din ako, tina-try ko na mag-improve din.”

Sina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, at Daniel Padilla ang mga acting idol ni Ricci.

Sa tatlong nabanggit, si Piolo ang nakatrabaho niya sa Sunday Noontime Live. Nagkasama sila ni Daniel bilang mga celebrity ambassador ng isang brand ng carbonated softdrink.

Dahil sa hilig ni Ricci sa Tagalog movies, pinaniniwalaang panandalian lamang ang showbiz hiatus niya dahil napakalaki ng posibilidad na balikan ng 23-year-old basketball player ang acting career na kanyang minahal at nakasanayan.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.