Entertainment

Bea Luigi Gomez appeals for donations for Typhoon Odette victims

Imbes na magsaya ay pangamba ang naramdaman ng Cebuana beauty queen na si Beatrice Luigi Gomez sa pagdating niya sa bansa matapos nitong lumaban sa Miss Universe 2021 sa Eilat, Israel.

Ilang araw matapos makauwi ni Bea, sinalanta naman ng typhoon Odette ang Visayas at Mindanao, kabilang na ang hometown ng beauty queen sa Cebu.

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, December 17, 2021, sinabi ni Bea na nakahinga siya nang maluwag matapos malamang nasa maayos nang kalagayan ang kanyang pamilya.

Lahad niya, “I was on FaceTime with my sister and mama when the storm was just about to hit.

“It only took minutes from a happy conversation to shift into a ghastly phone call as I heard them struggle the entire night.

“My family is now safe thank you to Sir @jessiehperez for staying up with me to contact my family and making sure that they’re safe as the storm was passing.”

Continue reading below ↓

Labis namang ikinalungkot ni Bea nang makita ang sinapit ng mga kababayan niya sa Cebu kaya humingi siya ng tulong sa kanyang social media followers na mag-donate sa mga nasalanta ng bagyo lalo’t malapit na ang Pasko.

Mensahe niya: “It’s only a few days away until Christmas and yet my heart bleeds for Cebu.

“My family’s home is just one of many devastated by one of the strongest typhoons that hit Cebu and the surrounding provinces.

“I am now knocking on your hearts to help me in partnership with @simplysharefoundation and the Naval Reserve Center of Eastern Visayas to respond to this calamity and bring back hope and light to my fellow Sugboanons.

“Your simple act of kindness means a lot.”

Sa hiwalay na post sa Instagram, ibinahagi ni Bea kung paano makakapag-donate ang mga Pinoy na nasa abroad sa mga nasalanta ng bagyo.

Ang buong caption nito: “Para sa mga kababayan natin abroad, maari din kayong magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette gamit ang Sendwave.

“I-download lang ang app at gamitin ang promo-code na MUPH para makakuha ng libreng $10 sa unang transakyon. Maaring i-donate ng buo o parte nito sa GCash o BPI account ng SimplyShare.

“Magdo-donate ang Miss Universe Philippines para sa bawat indibidwal na transaksyon bukod pa sa iyong unang donasyon kapag ginamit ang code na BEAGOMEZ

“Magbayanihan tayo kababayan! Imbitahan na ang mga kaibigan and kapamilya na i-download ang Sendwave at gamitin ang MUPH promo code: https://try.sendwave.com/kjap/BEAGOMEZ

“Magagamit ang Sendwave sa mga bansang ito:
US, Canada, UK, Spain, Italy, Belgium, France and Ireland”

Continue reading below ↓

APPEAL FOR DONATIONS

Ginamit din ng iba pang Miss Universe Philippines 2021 winners na sina Miss Universe Philippines Tourism 2021 Katrina Dimaranan, Miss Universe Philippines Charity 2021 Victoria Velasquez Vincent, 1st runner-up Maureen Wroblewitz, at 2nd runner-up Steffi Aberasturi ang kanilang social media accounts para umapela ng donasyon para sa typhoon Odette victims.

Sabi ni Katrina sa isang Instagram post: “Mga kababayan, now more than ever our people need our help.

“It’s sad enough with the pandemic we’re still currently dealing with during our holiday season, but now Typhoon Odette has affected so many more of our friends and loved ones in various areas of the Philippines. [emoji]

“If you’d like to send money to the organizations to help with their necessities like food, water, shelter, etc. please click the link in my bio to do so. [emoji]

“Praying for the victims of Typhoon Odette [emoji] Now is the time we need to come together para magtulungan [emoji]

Continue reading below ↓

“Thank you @sendwaveapp and @themissuniverseph for being a part of lending a hand to our fellow Filipinos who are in dire need of our help. [emoji]”

Ikinalungkot din ni Victoria ang sinapit ng mga kababayan niya mula sa bagyo.

Bahagi ng post nito sa Instagram: “Every year our kababayans seem to keep rebuilding their homes only to have them destroyed once again by natural disasters.

“Please, if you have the means to help, click the link in my bio to download Sendwave and see below some donation channels (which can be used my local Filipinos also).”

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Maureen: “Mga kababayan, we need your help! Typhoon Odette has affected many of our fellow Filipinos who have lost or were forced to flee their homes just a week before Christmas. Let us lend a helping hand and reach out to those in dire need.”

Continue reading below ↓

Limitado man ang Internet access, nakapag-reshare naman si Steffi ng call for donations sa kanyang Facebook page.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close