Entertainment

Beatrice Luigi Gomez advised by pageant org to hide her sexuality

Inamin ni Beatrice Luigi Gomez na pinayuhan siya noon na itago ang kanyang tunay na sekswalidad nang imbitahang sumali sa isang national pageant.

Galing daw sa isang “organization” ang payo na ito sa kanya.

Si Beatrice, Top 5 finalist sa katatapos lang na Miss Universe 2021 pageant, ay proud member ng lesbian, gay, bisexual, transgender, queer (LGBTQ) community.

Isa siyang bisexual.

Sa interview sa kanya ni Karen Davila sa Headstart ng ANC noong December 17, 2021, inusisa ang beauty queen kung natakot ba siyang aminin ang kanyang sexuality.

“No,” mabilis na sagot ni Beatrice, na kilala rin sa kanyang palayaw na Bea.

“Actually, the first time po that I was invited to join a national pageant, that organization told me not to be open about my preferences, my sexuality.

“They told me to hide my photos on social media.”

Si Bea ay open sa kanyang previous same-sex relationship, at ipino-post niya ito sa social media.

Continue reading below ↓

Hindi pumayag si Bea sa nais ng organization dahil gusto niyang magpakatotoo sa sarili at sa publiko.

Pahayag niya, “And I felt that it was wrong. That it was not right to be in a competition not being myself.”

Hindi pinangalanan ni Bea ang pageant organization at kung anong national pageant dapat ang sasalihan niya.

Pero malinaw na hindi sinunod ni Bea ang payo ng organization.

“So, when I had that chance to be in Binibining Cebu, and I won the competition, I really used that platform to represent the LGBTQ community.

“It was something that I had to do, not only for myself, but for the rest of the community.”

Si Bea ay itinanghal na Binibining Cebu 2020 noong January 2020.

Sa question-and-answer portion, ibinunyag ni Bea na mayroon siyang same-sex relationship.

Kaya naman vocal din siya nang sumali at manalo sa national pageant na Miss Universe Philippines 2021 noong September 2021.

“Proud member of the LGBTQ community” rin ang pagpapakilala sa kanya sa Miss Universe 2021 pageant nitong December 2021.

HOW BEATRICE KNEW SHE WAS A LGBTQ MEMBER

Hindi raw nahirapan si Beatrice na isapubliko ang kanyang identity dahil tanggap siya ng kanyang ina.

“I believe I got this courage from my mom, who taught me to really be myself, to fight for the things that I believe in,” paliwanag ni Beatrice.

“She raised me and my sister single-handedly. She received a lot of discrimination because she’s a single mom, and I learned from her to be brave.

“As long as wala kaming inaapakan na tao; as long as you’re able to love other people and not hurt them.

“You have to really stand for what you believe in and I got that from my mom.”

Nagbalik-tanaw si Beatrice nang una niyang aminin sa ina ang kanyang sekswalidad.

Saad niya, “I was very fortunate na I didn’t have to come out to anyone.

Continue reading below ↓

“When I said to my mom na I have this preference to be with the same sex, she accepted me. So did everybody else.

“That was one of the biggest things that really helped me to perform the best in everything that I do, and I’m really grateful for the people who supported me.”

Ani Beatrice, nasa grade school o high school siya nang umamin sa ina tungkol sa kanyang sekswalidad.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close