Entertainment

Beatrice Luigi Gomez comes home after Miss Universe Top 5 finish

Navy reservist si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez kaya ang mga miyembro ng Philippine Navy ang sumalubong sa kanya nang dumating siya mula sa Israel ngayong Miyekules ng gabi, December 15.

Mahigit dalawang linggong nanatili sa Israel si Beatrice bilang kinatawan ng Pilipinas sa 70th Miss Universe.

Hindi man niya nakuha ang titulo, nagtagumpay ang 26-year-old beauty queen na makapasok sa Top 5 kaya ipinagmamalaki pa rin siya ng ating mga kababayan.

May plano ang Miss Universe Philippines Organization na magkaroon ng motorcade para kay Beatrice bilang parangal sa kanya.

Si Miss Universe 2021 Haznaar Shandu ng India ang isa sa mga kandidatang naging kaibigan ni Beatrice dahil roommates sila.

Inaasahan ng mga kababayan ni Haznaar sa India ang kanyang pagbabalik sa kanilang bansa para doon niya salubungin ang pagpasok ng 2022.

PRIYANKA CHOPRA ON HAZNAAR SANDHU

Ang Bollywood actress at former Miss World na si Priyanka Chopra ang aktres na iniidolo ni Haznaar. Lalong sumikat si Priyanka bilang international star nang mapangasawa niya ang American singer na si Nick Jonas ng popular Jonas Brothers.

Continue reading below ↓

Ikinatuwa ni Priyanka ang tagumpay ni Haznaar sa 70th Miss Universe. Pero natawa siya dahil isinilang ang newly-crowned beauty queen noong 2000, ang taong nanalo si Priyanka sa 50th Miss World na ginanap sa London noong November 30, 2000.

“I was very excited about it. The last time India had a Miss Universe was Lara Dutta in the year 2000. That was the year that I won Miss World as well.

“She has brought home the crown after 21 years and she is 21, so she was born in the year that I won Miss World!” natatawang sabi ni Priyanka sa interview sa kanya ng Fox5 TV.

Gumawa ng kasaysayan ang Indian women sa mga international beauty pageant noong 2000.

Si Priyanka ang nanalong Miss World, si Lara Dutta ang nagwagi sa 49th Miss Universe, at si Dia Mirza ang nag-uwi ng Miss Asia Pacific crown.

Inulit nina Priyanka at Lara ang kasaysayan na unang ginawa nina Sushmita Sen at Aishwarya Rai noong 1994.

Si Sushmita ang hinirang na Miss Universe 1994 sa coronation night na idinaos sa Pilipinas noong May 21, 1994.

Si Aishwarya naman ang kinoronahang 44th Miss World sa Sun City, South Africa noong November 19, 1994.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.