Entertainment

Beatrice Luigi Gomez “surprised” by question in Top 5 Q&A

Inamin ni Beatrice “Bea” Luigi Gomez na hindi niya inasahan ang tanong na ibinato sa kanya sa Top 5 question-and-answer (Q and A) portion sa katatapos lang na Miss Universe 2021 pageant.

Tanong kay Bea: ano ang masasabi niya sa isyu ng universal vaccine passport?

Nagmula ang tanong kay Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, na isa sa miyembro ng selection committee.

Halatang kinabahan si Bea sa kanyang sagot, pero naitawid naman niya ang sagot.

Pero posibleng ang kaba ni Bea ang dahilan kaya hindi siya nakausad sa Top 3.

Pangungumpisal ng pambato ng Pilipinas, hindi ito ang tanong na inasahan niya.

“I was quite surprised kasi I noticed na most of the questions were about women empowerment and children’s rights.

“Hindi ko po actually in-expect na yung question na mapupunta po sa akin possibly [would] be something political.

“So, nagdadalawang-isip ako how I should answer that question.”

Sa kabila nito, ginawa ni Bea ang kanyang makakaya para maitawid ang sagot sa tanong sa kanya.

Continue reading below ↓

At kumpiyansa ang pambato ng Pilipinas na naipahayag niya ang kanyang nais sabihin.

“Inisip ko lang kung ano yung core values ko, yung paghuhugutan ko ng answer about my stand is.

“I believe I did well. It’s just that I got really nervous, and kaya yung delivery ko hindi siya masyadong magaling.

“Pero for me, na-deliver ko po yung answer na gusto kong isagot.”

Beatrice Luigi Gomez q and a

Nagpaliwanag si Bea sa isang Zoom interview kasama ang pageant press nitong Martes, December 14, 2021.

Sa kabilang banda, ganito rin ang sinabi ni Bea sa panayam sa kanya ng ABS-CBN reporter na si Dyan Castillejo pagkatapos ng Miss Universe 2021 grand coronation noong Lunes, December 13.

Sabi ni Bea, “Kinabahan po ako. Kasi I didn’t expect lang na ganoon yung mga questions… Na parang I thought it was more about our personality…

“But I’m actually contented with my answer. I’m satisfied with how everything went well.”

Samantala, sa Top 5 Q&A, ang tanong kay Miss India ay may kinalaman sa climate change.

Ang tanong kay Miss South Africa ay may kinalaman sa social media.

Tungkol naman sa women empowerment ang tanong Miss Colombia, at tungkol sa body-shaming ang question kay Miss Paraguay.

Sa huli, nakapasok sa Top 3 sina Miss India (winner), Miss Paraguay (first runner-up), at Miss South Africa (second runner-up).”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close