Entertainment

Blind item: popular star draws negative feedback from colleagues

JERRY OLEA

Nalulunod na ba sa isang banyerang tubig ang isang sikat na artista?

Opo, banyera! Hindi tasa, hindi baso, hindi mangkok, hindi tabo, hindi sulyaw kundi banyera.

Wagas kasi ang kasikatan ng artistang ito, na lubos na pinoprotektahan at pinakaiingat-ingatan ng mga makapangyarihan sa kanyang network.

Sa bawat mediacon niya, piling-pili ang mga imbitado, at salang-sala ang mga ibinabato sa kanyang tanong.

Bagamat ‘sanrekwang intriga ang pinagbubulung-bulungan kaugnay sa sikat na artista, napagtatakpan ang mga iyon at napipigilan ang pag-alingasaw.

Ewan kung sinusubukan lang ng spoiled na celebrity kung hanggang saan hahayaan ang kanyang attitude.

Inirereklamo na ang sikat na artista ng mga staff na nakakatrabaho niya. Umaayaw ang sikat na artista kapag pinapaulit o pinapa-take 2 ang kanyang ginawa.

Nagmamarunong siya sa direktor ng programa, na walang magawa kundi pagbigyan ang sikat na artista, kundi’y bubusangot ito, magmamarakulyo, o papapalitan ang kanyang direktor.

Naalala ko tuloy ang isang eksena sa 2019 musical romantic-comedy film na Yesterday, na streaming sa Netflix.

Continue reading below ↓

Tumalak sa recording studio ang superstar na si Jack Malik (Himesh Patel), at agad na tumupi ang mga staff na animo’y sakdal among mga tupa.

Hanash ng manager na si Debra (Kate McKinnon), “It’s superstar rights. Treat the people that you work with like shit on your shoes.”

NOEL FERRER

Totoo ba ito? Parang hindi ako makapaniwala. Siguradong may magtatanggol agad sa sikat na artista kung natunugan ito.

Sana lang, mas maging authentic at hindi antiseptic ang dating ng artistang ito na parang nilalabhan agad sa mga mata ng mga tao.

Sana rin, tumagos sa puso at kamalayan ang popular celebrity na ito sa mga tao at kilalanin hindi lang dahil sa kanyang popularity kundi sa kahusayan sa pagganap.

Sayang kung hindi ito maagapan.

GORGY RULA

May narinig akong kuwento na napag-uusapan na rin daw ng kanyang co-stars ang sikat na artista.

Pero gusto ko pa rin ang sikat na artistang ito. Nababaitan pa rin ako sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa totoo lang, hindi na ako nagugulat kapag nagbabago ang isang artista. Iniisip ko pa rin na baka pagod lang o stressed dahil sa sunud-sunod na trabaho.

So far, wala pa naman akong nababalitaang nang-aaway siya o nangmamaliit ng mga staff o nakakatrabaho niya.

Saka ewan ko kung agree kayo sa akin na karamihan sa mga sikat na artista ay may attitude at may taglay na baltik.

Karamihan sa mga sikat na artista ay talagang may pagkaluka-luka.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *