Entertainment

Bubble Gang 25th anniversary TV special, maraming pasabog!

GORGY RULA

Ayaw na ni Paolo Contis magbigay ng reaksyon sa mga pumik-ap sa kanyang Instagram story na sinasabing camouflaged message daw niya kay Yen Santos.

“Jusko! Pati ba naman yun, napapansin? Lagi na lang naghahanap ng butas sa akin!” text back sa akin ni Paolo nang tinanong ko siya tungkol dito.

Mas gusto na lang daw niyang magpasalamat sa lahat ng magagandang feedback sa drama series nilang I Left My Heart in Sorsogon (ILMHIS), na mataas ang rating.

Patapos na siya sa lock-in taping ng naturang drama series, kaya hindi siya nakadalo sa virtual mediacon ng 25th anniversary ng Bubble Gang nung Biyernes, November 19.

Sabi naman ni Paolo sa akin, kahit nasa lock-in taping siya ng ILMHIS, nakapag-shoot naman daw siya ng participation niya para sa kanilang anniversary special na mapapanood na sa November 26.

Sa mediacon ng Bubble Gang ay binanggit ko kay Michael V na okay lang daw kay Paolo na paglaruan nila at gagamitin sa mga sketches nila ang mga isyung kinasangkutan ng aktor.

Continue reading below ↓

“Yung text nyo ba ni Paolo, as a friend lang yun,” biro sa akin ni Bitoy.

“Kilala mo naman si Paolo, strong talaga, e. Madali siyang maka-recover.

“Hindi ko alam kung saan niya natutunan yun. Siguro dahil na rin sa dami ng challenges na hinarap niya sa buhay kaya tumibay siya na ganun.

“But we’re glad that he’s still on board and he’s really a strong asset for the show,” seryosong pahayag ni Bitoy na creative head ng Bubble Gang.

Simple lang ang selebrasyon ng 25th anniversary ng Bubble Gang na ang tema nila ay ‘Ka-BUBBLE Mula Noon ‘GANG Ngayon.’

Hindi naman daw nila puwedeng pabonggahin ang show nang husto dahil sa mga restrictions hanggang ngayon, gawa ng pandemya.

Makakasama nila sa selebrasyong ito ang mga naging bahagi nitong longest-running gag show.

Chariz Solomon
Valeen Montenegro

Continue reading below ↓

Antonio Aquitania
Michael V

Sef Cadayona

Continue reading below ↓

Diego Llorico

Abangan na lang daw kung sinu-sino sa mga dating ‘ka-Bubble’ ang makakasama nila sa kanilang 25th anniversary celebration.

“It’s all about being together, yung lahat na sumuporta sa programa for the last 25 years.

“We want to celebrate that, to give back to them. We want to say, ‘importante kayo at inspirasyon kayo sa programa, kasi totoo naman yun,” pahayag ni Ms. Cecille de Guzman, ang Senior Program Manager ng Bubble Gang.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

May mga loyalists ng Bubble Gang tulad ko na nagtatanong… kasali kaya ang ibang nasa kabilang istasyon na, kagaya ni Ogie Alcasid?

“There was an attempt, ano? Talagang hindi mo maisasantabi na talagang sinubukan naman namin. We did our best.

“Pero along the way, eto, nagkaroon na naman ng bagong variant, nagkaroon ng dahilan para hindi magawa yung mga nai-envision namin.

“So, at this point, we just had to make do with what we have right now. We have to make the most of the situation.

“This is the best we can come up with. Celebrating not just the anniversary, but the people who brought us here,” sagot ni Michael V.

Nataon din kasi na naging regular co-host din si Ogie ng It’s Showtime kaya kanya-kanya muna ng shows ang magkumpare at magkapitbahay na hindi na matatawaran ang nagawa sa industriya at malalim na pagkakaibigan.

JERRY OLEA

Dala na rin ng pandemya, ang dami daw nilang natutunan sa work from home ng karamihang mga nasa cast na hindi pa puwedeng mag-tape sa studio.

Continue reading below ↓

Si Bitoy ay nag-iingat pa rin. Si Chariz Solomon ay kapapanganak lang. Hoping daw siya na puwede na siyang mag-tape sa studio next year.

“At this point nga, parang na-exhaust na namin ang lahat na paraan para ma-maximize namin lahat na work from home na yun,” sabi ni Bitoy.

“As you can see, marami na sa cast ang nagsu-shoot sa studio. Ang plano eventually, lahat ng cast, makabalik na sa studio.

“Pero this has been the challenge sa lahat, not just for the creative team, kundi pati sa cast na nagsu-shoot from home.

“Natuto kaming maging director, cameraman, lightman, production designer, make-up artist, wardrobe consultant, dito sa pandemic na ‘to. For me that’s a big plus, hindi mo na maalis yun, e.

“Once na mabalik na yung new normal, I’m pretty sure mas marami na kaming maihahain sa inyo.”

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *