Entertainment

Carson Kressley is now loved by Pinoy pageant fans

Matitindi at wagas ang mga batikos na tinanggap ng American TV personality na si Carson Kressley mula sa mga mababangis na Pilipino dahil ni minsan, hindi niya isinali ang pangalan ni Catriona Gray bilang isa sa kanyang mga paboritong kandidata sa 67th Miss Universe na ginanap noong December 17, 2018 sa Impact Arena, Bangkok, Thailand.

Si Carson at ang American supermodel na si Lu Sierra ang mga anchor at pageant analyst ng 67th Miss Universe.

Kapwa naging biktima ng bashing ang dalawa dahil sa duda ng Pinoy beauty pageant fans na hindi sila pabor na manalo si Catriona, pero ito ang itinanghal na Miss Universe noong 2018.

Lalong tumindi ang mga pang-aalipusta kay Carson na umabot sa lampas isang libong rude comments nang i-post niya sa kanyang Instagram account ang litrato nila ni Lu na kasama si Catriona, ilang minuto matapos itong koronahan bilang 67th Miss Universe.

carson kressley miss universe 2018

Continue reading below ↓

Sa tindi ng mga batikos sa dalawa, at sa salita ng mga matatanda, parang ang mga mata lamang nina Carson at Lu ang walang latay sa sagad sa butong paninira sa kanila sa lahat ng social media platform ng mga kababayan natin.

carson kressley comment

carson kressley comment

carson kressley comment

Apparently, natuto ng importanteng leksyon si Carson mula sa karanasan nila ni Sierra noong 2018, ang “Never mess with Filipinos,” lalo na kung may kinalaman sa beauty pageant ang usapin dahil tiyak na may kalalagyan sila.

Sina Carson at Miss USA 2019 Cheslie Kryst ang mga pageant analyst ng 70th Miss Universe sa Eilat, Israel.

Continue reading below ↓

Pero hindi na bashing victim ang gay American television personality dahil pinaboran niya si Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez kaya “minahal” na siya ng mga Pilipino na sulit na sulit ang paggamit sa social media para ilabas ang kanilang mga saloobin.

Nagpakita ng pagkagulat si Carson nang hindi makabilang si Beatrice sa Top 3 contenders para sa Miss Universe 2021 crown dahil crowd favorite ang Filipina beauty queen.

Pinuri rin niya ang tattoo ni Beatrice at ang Francis Libiran gown na suot nito.

“All the gold showing off and that tattoo as well,” sabi ni Carson, na nakaiwas sa bagsik at lupit ng Pinoy keyboard warriors dahil sa kanyang pagpabor kay Beatrice.

Kung pinuri ni Carson si Beatrice, nagpatutsadahan naman sa social media, in a good and funny way, ang fans ni Marian at ang mga supporter ni Beatrice.

Ipinipilit ng mga tagahanga ni Marian na ang “recording star” at ang aktres na miyembro ng selection committee ang dahilan kaya pumasok si Beatrice sa Top 5 candidates ng 70th Miss Universe.

Continue reading below ↓

Pero kinontra ito ng mga tagapagtanggol ni Beatrice na naniniwala na ang determinasyon at mahusay na performance ng Pinay beauty queen ang tanging rason.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

close