Entertainment

Cassy Legaspi, Darren Espanto road trip to Pampanga

Unti-unting nagiging bukas sina Cassy Legaspi at Darren Espanto kung gaano sila kalapit sa isa’t isa.

Magkasamang bumiyahe ang dalawa patungong Clark, Pampanga para sa isang brand endorsement noong November 11.

Nakasakay sila sa van ni Cassy, habang naka-convoy ang van ng mga kasama ni Darren.

Panay kulitan ng dalawa na kinakiligan ng mga masugid na tagasuporta ng tambalan nilang CassRen.

Nag-livestream sila kung saan humirit si Cassy tungkol sa kanila ni Darren.

“Ayan, malinaw na daw. Thank you,” sabi ni Cassy, na ang tinutukoy ay ang feedback ng fans kung maayos ba ang kanilang livestream.

Sabay hirit ni Cassy, “Parang relationship namin, malinaw na.”

Tumingin pa nang makahulugan si Cassy kay Darren at saka tumawa.

Pati si Darren ay tila hindi inaasahan ang hirit ni Cassy.

Cassy Legaspi and Darren Espanto road trip to Pampanga

Continue reading below ↓

Sabi muna ni Darren, “Napa-react si Ate Nesty dun!”

Humirit kasi si Nesty na “totoo” ang inihayag ni Cassy.

Ang tinutukoy nilang “Ate Nesty” ay ang chaperone o tumatayong personal assistant ni Cassy.

Bumuwelo lang pala si Darren para usisain si Cassy kung anong ibig niya sabihin sa “relationship namin malinaw na.”

Ani Darren, “Pero yung sinabi mo talaga, parang di ko alam kung… Okay…

“‘Coz we’re in the same place right now. Kasi pag sinasabi mo yung mga hugot mo sa live, wala naman ako dun.”

Tila ang tinutumbok ni Darren ay ang mga kulitan nila sa mga pagkakataong nagkakasama sila sa livestream pero nasa magkaibang lugar sila.

Ngayon lang kasi sila nag-livestream na saktong magkasama talaga sila sa isang lugar at hindi lang naka-split screen online.

Pang-aasar ni Cassy kay Darren, “O, so? Assuming na ikaw yun?”

Sagot ni Darren, “No, no, no. It’s not that. It’s the…”

Continue reading below ↓

Singit uli ni Cassy, “It’s the ano?”

Tila hindi na makaisip ng ihihirit si Darren kaya hindi na nito itinuloy ang nais niyang tumbukin.

“Hindi. Never mind. Ite-text na lang kita,” sabi na lang ng Kapamilya singer.

Mapang-asar pa ring komento ni Cassy, “Na-affect ka?”

“No,” simpleng saad ni Darren.

Tanong uli ni Cassy, “Are you hurt sa mga hugot ko?”

Sagot ni Darren, “Whoa! Sa ating dalawa, ako pa?!”

“Ouch!” sabi naman ni Cassy.

Sabi pa ni Darren, “Parang di ako relate.”

Hindi naniniwalang bulalas ni Cassy, “Wow! Really?! Really?! You?!”

Balik-pang-aasar ni Darren, “Parang baliktad yung gusto mo sabihin.”

FLOWERS AND MORE KILIG MOMENTS

Kinakiligan nang husto ng CassRen fans ang makita ang anila’y sweet moments nina Cassy at Darren.

Hindi nakaligtas sa mapanuring fans na may bouquet of flowers sa likod ng kinauupuan nina Cassy at Darren.

Hinihinala nilang galing ang flowers kay Darren.

Cassy Legaspi and Darren Espanto road trip to Pampanga

Continue reading below ↓

Pati ang pagtapik ni Darren sa tuhod ni Cassy ay napansin din ng fans.

Sa puntong iyon ay halatang gutom na kasi si Cassy.

Tukoy ni Darren sa kakainan nila, “Huwag ka mag-alala malapit na yung pagkain. Malapit na tayo.”

“I know, right?” natatawang saad ni Cassy, na minasahe pa ang ulo na tila sumasakit na dahil sa gutom.

Cassy Legaspi and Darren Espanto road trip to Pampanga

Continue reading below ↓

Marami pang ibang kulitan ang dalawa habang sakay ng van.

Kakatwang pati ang ama ni Darren na si Don Espanto ay nakasubaybay sa livestream.

Supportive si Don sa magandang ugnayan nina Darren at Cassy.

Komento ni Don, “Ingat palagi and take care of that gem. Co-Love. Can’t wait.”

Cassy Legaspi and Darren Espanto road trip to Pampanga

Ang tinutukoy ni Don na “gem” ay si Cassy.

Continue reading below ↓

WHAT HAPPENED WHEN DARREN VISITED CASSY

Sa livestream ng iWant ASAP noong November 7, nagkuwento si Darren tungkol sa pagbisita niya sa bahay ng pamilya Legaspi noong Halloween.

Tinutukso kasi nina Robi Domingo, Maymay Entrata, at Edward Barber si Darren.

Nilaglag ni Robi na kaya raw pala hindi kumain si Darren sa bahay niya noong araw na iyon ay dahil pinuntahan ni Darren si Cassy.

Paliwanag ni Darren, “Si Cass kasi kailangan din niya ng tulong mag-shoot.

“Yung mga kasama nila sa bahay, most of them dun, kasama ni Mavy sa lock-in.

“Yung mom niya, yung dad niya nasa lock-in din. So, we kinda want to celebrate Halloween…”

Si Mavy Legaspi ang twin brother ni Cassy. Ang mga magulang nila ay sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Nang-iintrigang tanong ni Edward kay Darren, “Kayo lang sa bahay?!”

“Hindi naman,” sagot ni Darren.

“Kasi andun yung Villarroel clan, nasa taas [ng bahay], kasi they had dinner on Halloween as well.

Continue reading below ↓

“Pero I helped Cassy for her ad thing, then she shot my Halloween thing.”

Naisip daw nina Darren at Cassy na magkasamang ipagdiwang ang Halloween kaya sila magkasama.

“Kasi yung friends namin, lahat may plans na for Halloween.

“Since we both grew in North America — taga-U.S. sila, ako tiga-Canada it’s a big thing to celebrate Halloween.

“We wouldn’t want to miss it. Nag-dinner lang kami for Halloween.”

Cassy Legaspi and Darren Espanto Halloween

Continue reading below ↓

JUST “BEST FRIENDS”?

Hanggang ngayon ay mailap pa rin sina Darren at Cassy sa estado ng kanilang relasyon.

Sa huling panayam ng PEP.ph kay Cassy, sinabi niyang “very special” sila ni Darren sa isa’t isa.

Pareho silang consistent sa pagsasabing alam nilang prayoridad nila ang trabaho.

Pero mismong mga nakapaligid sa kanila ay madalas silang asarin sa pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Nito lang Nobyembre ay may Instagram comment si Mavy kay Cassy: “@cassy kamusta na kayo ng ‘best friend’ mo?'”

Si Darren ang sumagot kahit hindi siya ang naka-tag sa mensahe ni Mavy.

Pero inilihis ni Darren ang panunukso ni Mavy sa pamamagitan ng pagbanggit ng isang babaeng kaibigan ni Cassy.

Sabi na lang ni Mavy, “@darrenespanto ah sila pala ang mag best friend… my b my b.”

Mavy Legaspi teases Cassy Legaspi and Darren Espanto

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *