Entertainment

Chariz Solomon on conversation with children about blended family

GORGY RULA

Medyo kinabahan ang Kapuso comedienne na si Chariz Solomon sa nakaraang virtual mediacon ng 25th anniversary ng Bubble Gang nang tinanong ko ang tungkol sa kanyang bagong baby mula sa bago niyang partner na si Vince Teotico.

Noong nakaraang buwan lang iniluwal ni Chariz ang anak nila ng bago niyang partner, kaya hindi na raw muna siya lumalabas at “work from home” lang ang participation niya sa 25th anniversary celebration ng Bubble Gang.

Matagal-tagal na ring nagkahiwalay si Chariz at ang kanyang asawang si Nestor Ng. Hindi ko na inurirat ang dahilan ng hiwalayan nila, pero may kanya-kanya na silang karelasyon.

Ayon kay Chariz, okay sila ng dating asawa alang-alang sa dalawa nilang anak. Pero aminado ang comedienne na mahirap din ang adjustment.

Medyo naninibago pa ang kanyang dalawang anak, pero naiintindihan daw ng mga ito ang bagong set-up nila.

“Mahirap po talaga yung ganung klaseng adjustment na merong bagong family member dito, at dun din sa kabila, ibang family members.

Continue reading below ↓

“Blended family, pero wala namang hindi naaayos kapag pinag-uusapan. Lalo na yung mga anak ko na nakakaintindi naman na sila,” pakli ni Chariz.

Nasa pag-uusap na lang daw talaga para maintindihan ng kanyang mga anak.

“Talaga namang ever since, kinausap ko sila about everything, and we pray together.

“Yung mga una lang talaga, medyo nakaka-tense lang na may mga tanong sila na biglang pumapasok sa isip nila.

“Pero meron na akong mga ganun, e… na this is not normal, but this is not bad. May mga ganun na ako,” medyo naaalangan niyang pahayag.

Maayos daw ang pag-uusap nila ng dating asawa, dahil mas iniisip nila ang kapakanan ng dalawa nilang anak.

“Kailangan, e, kasi kailangan maging good example sa mga anak,” seryosong pahayag ni Chariz.

JERRY OLEA

Natatawa na lang si Chariz nang mabanggit na bentang-benta sa Tiktok ang mga patawa niya sa Bubble Gang. Nakakarating sa kanya yun na nagti-trending pa ang iba.

Continue reading below ↓

“Puwede bang maningil dun?” biro niya.

This Friday, November 26, na mapapanood ang pinaghandaan nilang 25th anniversary special ng Bubble Gang na may temang “Ka-Bubble Mula Noon ‘Gang Ngayon.”

NOEL FERRER

Naisaayos na ni Chariz ang love life niya with her new kid and her new partner.

Ang brother niyang si Fourth ay ikinasal na.

Ang interesado ako ay ang love life ng classmate ko na kapatid nila na si Direk Fifth Solomon na direktor ng Vivamax film na Dulo at MMFF 2021 official entry na The ExorSis.

Sabi ni Fifth, ingat na ingat siya sa pagmi-meet up ng mga prospects makarelasyon — at kailangang magsakripisyong magpa-antigen o RT-PCR.

Oh well, sana makahanap na talaga ng lovelife si Direk Fifth.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *