Entertainment

Christine Samson on third-party rumor in Alodia-Wil breakup

“Lies” kung ituring ng commercial model, video game streamer, social media influencer, at dating segment host ng It’s Showtime na si Christine Samson ang intrigang ipinupukol sa kanya ngayon.

Si Christine ay sumikat bilang si Genie-Nga sa segment noon ng It’s Showtime na “Piling Lucky.”

Pinasikat ang kanyang karakter ng main host ng Kapamilya noontime show na si Vice Ganda.

Nitong mga nakaraang araw, nakaladkad ang pangalan ni Christine sa hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao.

Ito ay matapos aminin ni Alodia, isang cosplayer at gamer, na hiwalay na sila ni Wil, vlogger-social media influencer, matapos ang apat na taong relasyon.

Wala siyang paliwanag na ibinigay kung bakit sila naghiwalay.

Si Alodia ay co-founder din ng Tier One agency na nagma-manage ng e-sports personalities kung saan isa si Christine sa talent nila.

Nadamay ang pangalan ni Christine sa blind item na ipinost ng controversial personality na si Christian “Xian” Gaza sa Facebook noong November 16.

Continue reading below ↓

Pinahulaan ni Xian sa lagpas 500K followers niya sa kanyang official Facebook page kung sino ang “Star Magic artist” na nahuling kayakap umano ng nobya ng “sikat na influencer” sa isang hotel room.

Base sa mga nagkomento, ang tinutukoy umano sa blind item na “nobya” at “sikat na influencer” ay sina Alodia at Wil.

Hinala naman ng mga nagkomentong netizens, si “Barbie Imperial” ang “Star Magic artist.”

Christine Samson Wil Dasovich Alodia Gosiengfiao breakup

Continue reading below ↓

May ilan ding nagbanggit ng pangalan ni Christine.

Ngunit hindi naman Star Magic artist si Christine, ayon sa aming nakausap mula sa talent management arm ng ABS-CBN. Kaya malayong siya ang tinutukoy sa blind item.

Christine Samson Wil Dasovich Alodia Gosiengfiao breakup

Buong blind item ni Xian:

“SINETCH ITEY NA ISANG SIKAT NA INFLUENCER ANG NA-CAUGHT IN THE ACT NG KANYANG NOBYA MATAPOS MAG-NOTIFY SA NAIWANG IPAD ANG ISANG REAL-TIME GRAB BOOKING PAPUNTA SA ISANG MALAKING HOTEL SA PARAÑAQUE?!

Continue reading below ↓

“ANG KANYANG NOBYA AY AGAD-AGAD DUMIRETSO SA NASABING HOTEL… AT DAHIL VERY FAMOUS INFLUENCER COUPLE SILA SA ATING BANSA WITH OVER 10 MILLION FOLLOWERS, NAKA-SECURE NG KEY CARD SI NOBYA MATAPOS NIYANG CHIKA-CHIKAHIN ANG MGA TAO SA FRONT DESK.

“AFTER MAGPA-PICTURE SA KANYA NG MGA HOTEL STAFF, AGAD-AGAD SIYANG KUMARIPAS PAAKYAT NG KWARTO AT PAGBUKAS NIYA NG PINTO EH LAKING GULAT NIYA NANG KANYANG MAKITA SA KAMA ANG ISANG STAR MAGIC ARTIST NA KAYAKAP NG KANYANG JOWA!

“OMG NAKAKALOKA MAAARSSS!!! HINDI KO KINAYA MYGAAAHD! SINETCH ITEY??”

Sa kanyang Instagram account na may 2M followers at Facebook page na may 3.2M followers ay nag-post si Christine ng kanyang selfie pic kung saan nakangisi siya.

Caption niya rito: “Me staring at my screen reading all the lies i see today.”

Continue reading below ↓

Nakisimpatiya naman sa kanya si Diego Loyzaga, ang boyfriend ni Barbie.

Saad ng aktor, “Goood vibesssss only.”

Maiksing tugon ni Christine, “Yaaaaz! @diegoloyzaga

Christine Samson Wil Dasovich Alodia Gosiengfiao breakup

Ipinagkibit-balikat na din lamang ni Diego ang ipinupukol na isyu sa girlfriend.

“Noise” lamang daw ito na hindi na kailangan pag-aksayahan ng panahon.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.




Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *