Entertainment

Cristy Fermin reacts to Liezl Sicangco comment about her

GORGY RULA

Walang social media account ang kilalang kolumnistang si Cristy Fermin pero nakakarating sa kanya ang mga ipinu-post ni Liezl Sicangco laban sa kanya.

Kaugnay ito ng kontrobersiyang nakapalibot sa hiwalayan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Nadawit si Liezl dahil sa impormasyong nakalap ni Tita Cristy tungkol sa isyu.

Hiningan ko ng reaksiyon si Tita Cristy, pero tumanggi na siyang magbigay.

“Kahapon pa yung kay Liezl. Hindi ko siya pinatulan. Pareho kaming nanay. Naiintindihan ko siya,” sagot sa akin ni Tita Cristy.

Noong Miyerkules, Oktubre 27, tinext ko siya para hingan sana ng sagot sa patutsada ng ina ni Kylie.

Hiningan ko pa rin siya ng mensahe para kay Liezl.

Ani Tita Cristy, “Naiintindihan ko siya bilang nanay. Natural lang sa isang nanay ang ipagtanggol ang anak niya, tama man o mali.”

Siyangapala, special guest si Aljur sa Sabado ng tanghali, Oktubre 30, sa Lunch Out Loud ng TV5. Kaabang-abang ang dance number niya!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Kabit-kabit ang mga isyu sa hiwalayang Kylie Padilla-Aljur Abrenica.

Baka may mga usaping nakalibing na sa limot ang mahukay pang muli kung patuloy iyong dadalirutin.

Alang-alang sa dalawang anak nina Kylie at Aljur, makabubuting huwag na itong pahabain.

Hayaan na nating mag-move on sina Kylie at Aljur sa kani-kanyang buhay at career.

Hindi naman siguro magiging “History repeats itself” ang relasyon ni Aljur kay AJ Raval, ‘no?!

NOEL FERRER

Sana na lang, sa nangyaring ito sa buhay nina Aljur, Kylie, at AJ, lalo pa silang humusay na artista.

Para yun ang magtatak sa kanila, at hindi itong usaping hiwalayan at kabitan.

Yun lang!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *