Entertainment

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado are now married

Nagsimula na ang journey to forever nina Dennis Trillo, 40, at Jennylyn Mercado, 34.

Ikinasal sina Dennis at Jennylyn sa isang simpleng civil wedding ceremony ngayong Lunes, November 15, 2021.

Ginanap ang garden wedding sa pag-aaring studio ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa Quezon City.

Terno ang suot na white suit ng couple sa espesyal na okasyon.

Tanging mga malapit na kaanak at kaibigan ang nakasaksi ng kasal.

Halos walang taon na ang relasyon nina Dennis at Jennylyn sa January 2022.

Noon pa lang 2018 ay pinaplano na nila ang pagbuo ng sariling pamilya.

Sa kanilang YouTube channel, ikinuwento nilang dalawang beses sinubukan ni Jennylyn na magpa-freeze ng egg cell para magkaanak sila ni Dennis.

Pero “total fail” daw ang plano nilang iyon.

Bukod sa hirap siyang mag-produce ng eggs, takot si Jennylyn na magbuntis dahil sa kanyang heart condition.

DENNIS AND JENNYLYN’S ORIGINAL SURROGACY PLAN

Hanggang sa nitong 2021, nagdesisyon silang magbuntis sa tulong ng surrogacy sa U.S.

Continue reading below ↓

Kakatapos ni Dennis ng first cycle ng lock-in taping ng pinagbibidahan niyang Kapuso prime-time series na Legal Wives nang lumipad siya papuntang Dallas, Texas.

Naunang nagpunta roon si Dennis para mag-donate ng kanyang sperm cell para sa in vitro fertilization procedure sa mapipili nilang surrogate na magdadala ng anak nila ni Jennylyn.

Limang araw lang doon si Dennis at umuwi rin agad ng Pilipinas.

Si Jennylyn ay lumipad naman patungong Las Vegas, Nevada para paghandaan ang pag-harvest ng kanyang egg cell.

Wala sa plano na sumunod si Dennis, pero nagkataong lockdown din noon sa Manila at tigil-trabaho ang taping.

Kaya nakasunod si Dennis sa Las Vegas at personal na inalagaan si Jennylyn para healthy ang egg cell na maha-harvest sa aktres.

Magkasama silang lumipad ng Dallas kunsaan naroon ang clinic na pinuntahan noon ni Dennis.

Masuwerte raw ang couple dahil dalawang nurse ang kaibigan nilang umalalay kay Jennylyn sa U.S.

Continue reading below ↓

Una ay ang kapatid ni Katrina Aguila na si Bianca na isang E.R. nurse sa Las Vegas, at ang partner ni Nar Cabico na si VJ Capule na isa ring nurse sa Dallas.

Halos isang buwan ding nasa U.S. noon ang couple.

JENNYLYN’S PREGNANCY

Pagbalik ng Pilipinas, excited sina Dennis at Jennylyn dahil sa inaasahang kasado na ang surrogacy plan nila.

End of October 2021 ang inaasahan nilang petsa kung kailan magpipirmahan ng kontrata at mag-i-implant ng fertilized egg sa napili nilang surrogate.

Pero noong September 2021 ay nalaman ni Jennylyn na siya ay buntis.

Nasa lock-in taping na ang aktres para sa teleserye niyang Love. Die. Repeat., habang si Dennis ay nasa quarantine hotel dahil kakauwi lang niya galing Venice matapos ang dinaluhang Venice Film Festival.

Nagpabili si Jennylyn ng pregnancy test kit sa tulong ng driver ni Dennis, at dito nila nalamang buntis siya.

Six weeks pregnant si Jennylyn nang ipaalam nila sa mga magulang ni Dennis ang tungkol sa kanyang kondisyon.

Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa ang mga ito nang malamang biniyayaan si Jennylyn ng natural pregnancy.

THE PROPOSAL

Kasunod ng balitang buntis si Jennylyn ay pormal na nag-propose ng kasal si Dennis noong October 8.

Simple pero madamdamin ang inihandang proposal ni Dennis sa bahay ng aktres.

Sabi ni Dennis, “Gusto ko lang mag-thank you kasi pinili mo ako na samahan sa journey na ito.

“Inisiip mo siguro kung bakit ngayon lang nangyari. Hindi pa kasi ako ready noon.

“Pero siniguro ko muna talaga kapag nangyari iyon, ito na yung best version ko.”

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *