Entertainment

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado relationship timeline

“I guess it’s meant to be, forever you and me, after all.”

Idinaan sa kantang “After All” nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang paglalarawan ng itinakbo ng kanilang love story na hahantong sa kasalan.

Nitong Biyernes, October 29, inanunsiyo ng couple na sila ay engaged na at si Jennylyn ay nine weeks pregnant.

Si Jennylyn ay 34 years old, habang 40 years old si Dennis. Pareho silang prime stars ng GMA-7.

Sa PEP Exclusives noong September 7, nagpahiwatig na si Dennis tungkol sa surprise announcement nila ni Jennylyn Mercado.

Sinabi ni Dennis na nasa hustong edad sila ni Jennylyn para magpakasal, at matagal na rin nilang alam kung gaano sila ka-committed sa isa’t isa.

Patunay raw na pinaghahandaan nila ang kanilang future ay ang pagpapatayo nila ng mountainside rest house sa Rizal at pagkakaroon nila ng joint investments sa negosyo.

Hanggang sa noon ngang October 8, 2021, nag-propose si Dennis kay Jennylyn.

Continue reading below ↓

Sa loob ng halos walong taon nilang relasyon, nasubaybayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagsinta nila sa isa’t isa.

Paano nagsimula ang relasyon nina Dennis at Jennylyn?

2006: FIRST PROJECT TOGETHER

Si Jennylyn ay 19, habang si Dennis ay 25 years old nang una silang magkatrabaho sa GMA prime-time series na Now and Forever: Dangal noong 2006.

Sa PEP Headliner noong January 2020, inamin ni Dennis na unang kita pa lang niya kay Jennylyn ay “na-attract” na siya sa aktres.

Pero hindi agad sila naging close dahil pareho pa silang may kanya-kanyang relasyon noon.

“Intimidating” pa ang impression noon ni Dennis kay Jennylyn.

2010: FIRST ATTEMPT AT BEING IN A RELATIONSHIP

Nang muli silang magkatrabaho sa Gumapang Ka Sa Lusak, na umere mula February 10 to June 18, 2010, doon nila mas nakilala ang isa’t isa.

Naging official boyfriend-girlfriend sila noong April 2010.

Pero tumagal lamang ng labing-isang buwan ang relasyon nila.
Nagkaroon sila ng matinding pag-aaway na nagresulta sa breakup.

Continue reading below ↓

Nagpatuloy ang buhay nila na hindi kasama ang isa’t isa, hanggang sa muling nagkrus ang landas nila makalipas ang humigit-kumulang dalawang taon.

JANUARY 2014: DENNIS AND JENNYLYN’S SECOND CHANCE AT LOVE

Nanumbalik ang kanilang pagmamahalan nang muli silang maging magkarelasyon noong January 2, 2014.

Continue reading below ↓

Inilihim nila iyon sa media pati na rin sa publiko.

Sa PEP Headliner noong January 2020, inamin ni Dennis na siya ang nag-first move.

Paglalarawan ni Dennis kay Jennylyn, “Maalagain kasi siya, ‘tsaka maasikaso. Isa yun sa mga na-miss ko rin, siyempre, masarap yung feeling na ganun, e.

“Mas mararamdaman mo yung love, tsaka kung gaano ka kaimportante.

“Kaya nung nagkaroon ako ng chance na maging close ulit sa kanya at ayusin yung samahan naming dalawa, pinursige ko nun….

“Mahal ko talaga, e.”

APRIL 2015: SIGHTING IN BALESIN

Lumipas ang higit isang taon, noong April 2015, saka umugong ang usap-usapang nagkabalikan sina Dennis at Jennylyn.

Lumutang ang mga litrato nilang kuha sa Balesin Island Club resort sa Polilio, Quezon.

Agad napagtagni-tagni ng netizens na may namamagitan sa dalawa kahit na hindi sweet ang dating nila sa mga lumabas na litrato.

Continue reading below ↓

MAY-JUNE 2015: JENNYLYN DOWNPLAYS SIGHTINGS WITH DENNIS

Nang sumunod na buwan, May 16, 2015, namataan uli sina Dennis at Jennylyn sa UFC Fight Night, sa Mall of Asia Arena.

Sa panayam ng PEP.ph, inamin ni Dennis na lumalabas sila ni Jennylyn dahil “magkaibigan” sila.

Ganun din ang sinabi ni Jennylyn sa hiwalay na panayam ng PEP.ph.

Masaya raw siyang kapareho niya si Dennis na hilig ang manood ng UFC.

Continue reading below ↓

AUGUST 2015: DENNIS HINTS AT THE STATE OF HIS HEART

“Ngayon, masasabi ko love is lovelier the second time around.”

Ito ang kilig na pag-amin ni Dennis tungkol sa kanila ni Jennylyn nang humarap siya sa isang mediacon, kung saan imbitado ang PEP.ph.

Sinabi rin ni Dennis na siya ay “wala nang mahihiling pang iba” dahil bukod sa “magandang samahan” nila ni Jennylyn ay maayos ang takbo ng iba-ibang aspeto ng kanyang buhay.

Pera kahit na aminadong masaya, umiwas siyang bigyan ng label ang ugnayan nila ni Jennylyn.

Gusto raw niya ng “peaceful at walang kontrobersiya” sa pribadong buhay nila.

Todo-deny pa rin si Jennylyn na sila na ni Dennis kahit na nagbalik-tambalan sila sa GMA-7 primetime series na My Faithful Husband.

Basta ang sabi lang niya, “mas nag-iisip” na siya pagdating sa love life at hindi na iyong basta bigay lahat.

NOVEMBER 2015: TRIP TO AMSTERDAM

Pero hindi maikakailang higit sa simpleng magkaibigan ang relasyon nila.

Continue reading below ↓

Bukod sa sightings na magka-date sila sa mall at concert, pagsapit ng November 2015 ay lumipad sila ng Amsterdam.

Halos magkasunod silang nag-post sa kani-kanilang Instagram ng solo pictures nila sa lugar.

Kaya natunugan ng netizens na magkasama sila.

FEBRUARY 2016: DENNIS AND JENNYLYN “EXCLUSIVELY DATING”

Sa cover story ng YES! Magazine February 2016, inamin ni Jennylyn na “exclusively dating” sila ni Dennis.

Continue reading below ↓

“Ayaw lang naming i-broadcast, kasi ano, e—gusto na lang namin, tahimik na lang.

“Gano’n. Kasi ang hirap,” paliwanag ni Jennylyn.

Noong buwang din iyon, naging bukas sila sa pagbahagi ng travel pictures nila sa Batanes.

Hudyat iyon na sila ay “Instagram official” dahil may “jowa reveal” na sila sa social media.

couple jumping hill batanes

Continue reading below ↓

MARCH-MAY 2016: BATANGAS, MALDIVES

Sa panayam kay Dennis noong March 2016, simpleng tango ang isinagot niya bilang kumprimasyon sa exclusively dating status nila ni Jennylyn.

Tipid pa rin siya sa mga pahayag niya pagdating sa love life.

What you see is what you get ang eksena pagdating sa couple.

Holy Week break noong buwang iyon nang namataan silang nag-scubadiving sa Batangas.

Continue reading below ↓

Pagsapit ng May 2016, nasa Maldives naman ang magkasintahan.

Doon sila nagdiwang ng kanilang birthday—si Dennis noong May 12 at si Jennylyn noong May 15.

couple beach maldives

september-OCTOBER 2016: JENNYLYN SAYS SHE WANTS TO MARRY AT 35

Panay pa rin ang kulit ng media kina Dennis at Jennylyn, at consistent din ang couple sa pag-iwas pagdating sa kanilang relationship status.

Continue reading below ↓

Marahil ay para ipakitang malayo pa sa isip niya ang paglagay sa tahimik, nasambit noon ni Jennylyn na “six years from now” ang deadline niya sa pagpapakasal.

Ang aktres ay 29 noon, kaya 35 years old ang nais niyang edad na siya ay maikasal.

Inuusisa kasi siya tungkol dito pati na sa pagkakaroon uli ng baby.

Sabi ni Jennylyn noong September 2016, “Dapat ngayon, tama na.” Gusto raw niya ay kasal na siya.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph noong October 2016, tinanong si Dennis kung handa ba siyang maghintay ng anim na taon kay Jennylyn.

“Basta walang problema sa paghihintay para sa akin,” simpleng saad ni Dennis.

woman and man

Continue reading below ↓

NOVEMBER 2016 & january 2017: globe-trotting

Abala man sa hiwalay nilang mga proyekto, kapag libre sila ay bongga ang quality time nilang magkasintahan.

November 2016 nang bumalik sila sa Amsterdam para magbakasyon.


Via train ay nagpunta sila sa Paris at bumisita sa iba’t ibang sikat na tourist destinations doon.

Continue reading below ↓


Pagsapit ng January 2017, nasaksihan naman nila ang Northern Lights sa Finland.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

APRIL 2017: JENNYLYN’S REUNION WITH HER FATHER

Makalipas ang ilang buwan, ang inasikaso ni Jennylyn ay ang reunion nila ng kanyang biological father na si Noli Pineda.

Kasama si Dennis nang sinundo ng aktres ang ama sa South Korea kunsaan isa itong musician

Tumira si Noli sa bahay ni Jennylyn, at minsan nang ipinasilip ni Jennylyn ang mga bonding nila.

Naka-jamming pa ni Dennis si Noli sa impromptu performance nila sa bahay ng aktres.

father daughter boyfriend

Continue reading below ↓

AUGUST & October 2017: DENNIS AND JENNYLYN AS BOYFRIEND-GIRLFRIEND

Sa puntong ito, bukas na sa publiko ang pagiging magkasintahan nina Dennis at Jennylyn.

Sinabi ni Dennis sa PEP.ph noong August 2017 na “masaya” sila ni Jennylyn sa kanilang relasyon.

Noon pa lang ay inuusisa na si Dennis tungkol sa paglagay nila ni Jennylyn sa tahimik.

Simple ang mga sagot ni Dennis na “bits and pieces” ay napag-uusapan nila iyon ng nobya.

Sa isa pang panayam ng PEP.ph noong October 2018, tinawag na ni Dennis na “life partner” si Jennylyn.

Nakikita raw kasi niyang pareho na silang mature sa pag-handle ng relasyon, at suportado nila ang isa’t isa sa mga bagay na nagpapasaya sa kanila.

JANUARY, march, june 2018: JENNYLYN AS a PROUD GIRLFRIEND

Proud girlfriend si Jennylyn pagpasok ng Bagong Taon.

Via Instagram Stories, ipinost niya ang ilang unforgettable photos nila ni Dennis noong 2017.

Kabilang doon ang pagpunta nila ng Korea kasama ang anak ni Jennylyn na si Alex Jazz at ang bakasyon ng couple sa Amsterdam.

Continue reading below ↓

“Nailalabas namin yung best namin sa isa’t isa. Tsaka, masaya yung magkasundo kayo talaga,” saad ni Jennylyn sa panayam ng PEP.ph noong March 2018.

Siya raw “ang pinakamasaya” dahil sa ganda ng takbo ng relasyon nila ng nobyo.

Hindi sila nagmamadali sa usaping kasal.

“Steady” lang si Jennylyn dahil kumpiyansa siyang marami pa silang nais maabot ni Dennis nang magkasama.

Continue reading below ↓

APRIL 2019: FROM TRAVEL BUDDIES TO BUSINESS PARTNERS

Nag-grow ang couple mula dahil sa pagiging travel buddies ay naging business partners na rin sila.

Sa ulat ng PEP Troika, sinabi ni Jennylyn na magkasosyo sila ni Dennis sa lahat ng mga negosyo niya.

Ito raw ang dahilan kung bakit madalas sa bahay niya si Dennis. Itinanggi niya noong nagli-live in sila.

Continue reading below ↓

JANUARY 2020: DENJEN ON lessons about love

Hanggang sa noong January 2020, cover ng PEP Headliner sina Dennis at Jennylyn.

Dito unang naging bukas ang couple sa kuwento ng kanilang pag-iibigan.

Naging tapat sila sa pagsasabing hindi pa talaga sila handa noon para sa relasyon.

Ano ang natutunan nila?

Pag-amin ni Jennylyn:

“Ultimo suot. ‘Bakit ganun, ganyan?’ ‘E, eto…’ ‘Tapos ang laki na. Magbi-break. Dahil lang sa suot. Hahaha!”

Para kay Dennis: “Siguro ano, pinakamatinding lesson diyan sa lahat ng partners, or lahat ng nasa relasyon, kailangan isipin mo palagi kung gaano mo kamahal ang isang tao.

“Kung gaano kahalaga para kahit ano man problema niya, kung gaano ka man kagalit sa kanya dun sa moment na iyon, at the back of your mind, ‘Uy, ganito ko siya kamahal, e.’

“Dapat laging mananaig yung feeling na yun kaysa sa mga negative na superficial.”

Continue reading below ↓

Malinaw raw kay Dennis na sigurado siya kay Jennylyn.

Aniya: “Dami na rin naming pinagdaanan, ilang years na rin relationship namin.

“So, siguro dun sa mga panahon na yun, napatibay na namin siya nang husto. Talagang solid na siya.”

couple hugging dennis jennylyn

JANUARY 2020: DENNIS AND JENNYLYN’S LOVE LANGUAGE

Base pa rin sa PEP Headliner, ikinuwento ni Jennylyn na madalas na lambingan nila ni Dennis ang pagiging makulit at mapang-asar ng aktres.

Continue reading below ↓

Nasanay na raw si Dennis dahil alam niyang gusto lang ni Jennylyn na tumawa siya at maging masaya.

Bilang sampol, natatawang ibinuking ng aktres na hindi forte ni Dennis ang pagbigay-direksiyon kapag bumabiyahe sila.

Pero si Dennis naman ang nag-eengganyo kay Jennylyn na maging adventurous kapag sila ay lumalabas ng bansa.

Lalo pang tumibay ang relasyon nina Dennis at Jennylyn dahil pareho sila ng mga interes—bukod sa pagiging travel buddies, sila ay workout buddies, at eventually ay business partners din.

Nabuo ang musical collab nilang Co-Love dahil pareho silang mahilig sa music.

Wala rin daw silang pinag-aawayang big issues dahil, ayon kay Jennylyn, si Dennis ang tipong “walang babae, walang barkada, at walang bisyo.”

couple laughing dennis jennylyn

Continue reading below ↓

OCTOBER 2021: DENNIS and JENNYLYN are engaged

Kasal na lang talaga ang kulang kina Dennis at Jennylyn na going strong ang relasyon.

At sa wakas, nito ngang October 8, 2021, nag-propose na si Dennis kay Jennylyn.

Isinapubliko ng couple na sila ay engaged na nitong October 29, 2021.

Simple pero madamdamin ang speech ni Dennis na siniguro muna niyang siya ay “best version” ng sarili niya.

At malaking parte raw si Jennylyn kaya iyon natupad.

engagement kiss

Continue reading below ↓

Naluluhang sabi pa ni Dennis: “Ikaw lang ang gusto kong makasama. Ikaw at yung bagong addition sa pamilya natin. Isa yun sa mga pangarap ko.”

Ang tinutukoy niya ay ang pagkakaroon nila ng baby ni Jennylyn.

Kuwela naman si Jennylyn dahil seryoso si Dennis na nagsasalita nang ipaalala niya ritong hindi pa siya nagye-“yes.”

Nagtawanan ang couple bago tinanong uli ni Dennis si Jennylyn, “Will you marry me? Pakakasalan mo ba ako?”

Sagot ni Jennylyn, “Oo naman.”

dennis jennylyn proposal

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *