Entertainment

Details you should know about Beatrice Luigi Gomez’s headpiece

Ang fashion designer at crown/jewelry maker na si Manny Halasan ang gumawa ng headpiece na ginamit ni Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez sa National Costume preliminary competition ng 70th Miss Universe na nangyari nitong nakaraang Biyernes ng gabi, December 10, sa Eilat, Israel.

Manny Halasan

Continue reading below ↓

Si Manny rin ang creator ng headpiece ni Rabiya Mateo nang maging kinatawan ito ng Pilipinas sa 69th Miss Universe na idinaos sa Florida, USA noong May 2021, pero masaklap ang kanyang karanasan dahil hindi ginamit ng former beauty queen ang “missing headpiece.”

Malaking aral ang natutunan noon ni Manny kaya hinintay muna nitong matapos ang National Costume competition ng 70th Miss Universe bago siya nagpaunlak na magsalita sa Cabinet Files tungkol sa pinupuring national costume ni Beatrice na likha ng Cebu-based fashion designer na si Axel Que at sa headpiece na ginawa niya.

Sa exclusive interview kay Manny ng Cabinet Files ngayong Sabado ng gabi, December 11, ikinuwento niya ang takot na naramdaman nang muling lumapit sa kanya ang fashion designer at Miss Universe Philippines Organization Design Council Head na si Albert Andrada para magpagawa ng headpiece na gagamitin ni Beatrice sa National Costume competition ng 70th Miss Universe.

Beatrice Luigi Gomez national costume

Manny Halasan earrings for Beatrice Luigi Gomez

Continue reading below ↓

“Meron akong fear na baka hindi magamit. Paano kapag hindi nagamit? Paano kapag nagkaroon ng problema? Parang ang feeling ko, kapag hindi pa rin nagamit, dun na ako masisira,” ang rebelasyon ni Manny.

“Ang sabi sa akin ni Tito Albert, I assure you magagamit ang headpiece dahil nandoon siya [sa Israel], nandoon ang team.

“This time, tahimik ako, tahimik si Axel, kasi ayaw na namin yung parang sasabikin na naman yung mga tao tapos wala naman.

“Sabi ko nga, kung para sa akin, para sa akin. Kung para sa candidate, para sa kanya. Lagi ko naman sinasabi na hindi ako nagsu-support para sa sarili ko lang. Para sa Pilipinas ito. Para sa candidate natin at ipinagdasal ko naman.

“Sinabi ko na kaya ko na ba uli? Kaya ko na ba ulit yung pressure ng nangyari before? Kasi kapag nag-yes na ako, kapag ginawa ko na ito, dapat open ako sa possibility na ma-bash na naman.

Continue reading below ↓

“Hindi lahat ng mga tao, magugustuhan yung gagawin ko, pero siyempre sa nauna, meron nang learning experience. Medyo may idea na ako kung ano yung hinahanap ng tao and also, binigyan nga ako ng peg nina Tito Albert at Axel.

“Ito ang nakakatuwa. Kami ni Axel, nag-uusap.Nagkaroon kami ng connection. Sabi namin ni Axel, ito yung inaantay ng mga Pilipino. Ito na yun, babawi kami. Sobrang excited kami.

“Hanggang kagabi magkausap kami. Sabi niya, natatakot siya. Sabi ko, saan ka natatakot? Kinakabahan daw siya.

“Sabi ko huwag kang mag-alala. Normal feeling iyan pero ‘eto na tayo. Sabi ko, congratulations, sobrang ganda ng ginawa mo na costume and thank you for the opportunity na nagkaroon tayo ng partnership at nagawa ito nang maayos. Lagi naming sinasabi, para sa bayan,” ang mahabang kuwento ni Manny tungkol sa mga agam-agam nito nang tanggapin niya ang alok ni Albert na gawin ang headpiece ni Beatrice para sa National Costume competition ng Miss Universe.

Continue reading below ↓

“Nag-set kami ng meeting with Tito Albert Andrada and Axel, online meeting. Ipinakita nila sa akin ang magiging idea for the national costume. Sinabihan din nila ako na ‘Baka ito yung color na gagamitin pero ikaw na ang bahala.’

“Mas matagal ko ginawa yung headpiece ni Beatrice. Parang less than a month. Yung kay Rabiya kasi days lang, yun nga yung missing piece. Pero ngayon, meron kaming enough time para mag-prepare and mag-research.

“Na-imagine ko nang ito lang ang dapat sa akin kasi may costume pa kaya dapat mag-complement, mag-connect yung costume sa headpiece.

“Hindi pa kami nagkikita ni Axel, puro virtual meeting lang. Nakita ko lang yung national costume na ginawa niya nung buo na halos ang headpiece na ginawa ko.

“Basta ang sabi lang sa akin nina Tito Albert at Axel, huwag akong maingay na the idea of the national costume will be Bakunawa, pina-upgrade na Bakunawa.

“Binasa ko yung story about Bakunawa so dun din ako nanggaling. Dun ako nag-start ng idea dahil si Bakunawa nga is connected sa moon.

Continue reading below ↓

“Dun lumabas yung transition ng moon kaya kung titingnan na mabuti ang headpiece, makikita ninyo ang different transition ng half moon to full moon.

“Yun ang small details ng headpiece, kumpleto siya tapos may spring kaya once na mag-move o umalog, may spring na gagalaw at sa mga bilog na yun, may mga Swarovzki crystals na kapag tinamaan ng ilaw, magsa-shine siya. Yun ang effect niya.

“Less than one kilo ang bigat ng headpiece at more than PHP100,000 ang worth niya.”

Magdiriwang ng kaarawan si Manny sa Lunes, December 13, at ang makita na nagamit ni Beatrice sa National Costume competition ang headpiece na kanyang ginawa ang isa sa mga pinakamagandang regalo na natanggap niya.

“Sobrang saya ko nang makita ko na suot niya ang headpiece,” ang natutuwang reaksyon ni Manny na ibinahagi rin ang mga pagbabago na kanyang ginawa sa headpiece ni Beatrice.

“Actually, nagkaroon kami ng revision. Nagkaroon kami ng fitting to make sure na kumportable si Beatrice sa headpiece.

Continue reading below ↓

“Ayoko na nang masyadong mabigat so yung materials ko, kinontrol ko. Hindi ako masyadong naglagay ng metal, ayoko dahil mag-a-add ng weight.

“Yung headpiece ni Beatrice, same material na ginamit ko sa missing headpiece ni Rabiya pero ngayon, nag-check ako kung kumportable yung magsusuot.

“Nang mag-fitting si Beatrice, okay at kumportable naman siya. May sharp edges lang pero inayos namin.

“Kung kailangan lagyan ng foam, nilagyan namin ng foam. Kung puwede raw dagdagan ng stones, nang sabihin nila yun, dun ako parang, ‘Okay, gagawin ko na yung akin.’ Nilagyan ko na siya ng maraming crystals na nag-work naman.”

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *