Entertainment

Did Yen Santos celebrate her birthday with Paolo Contis?

Nitong Sabado, November 20, 2021, ang 29th birthday ang aktres na si Yen Santos.

Palaisipan ngayon sa mga “Marites” ng social media kung kasama nga ba nito ang kanyang A Faraway Land co-star na si Paolo Contis sa kanyang birthday celebration.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post si Yen ng litrato ng isang dinner set-up for two sa isang gazebo na tila nasa may beach.

Caption ni Yen sa kanyang Instagram story, “birthday dinner.”

Yen Santso birthday dinner

Continue reading below ↓

Halos kasabay nito ang selfie post ni Paolo sa kanyang Instagram Stories. Ngunit kapansin-pansin na kapareho ng ilaw sa background nito ang lighting set-up mula sa litrato ni Yen.

Bukod dito, may tatlong cake emoji rin na inilagay si Paolo sa kanyang post kadugtong ang caption na “dinner time.”

Yen Santso birthday dinner with Paolo Contis

Continue reading below ↓

Sa ngayon, walang kumpirmasyon mula kina Paolo at Yen kung magkasama nga sila sa iisang lugar.

Nitong nakaraang araw, isang netizen ang nakapansin ng camouflaged message ni Paolo kay Yen sa pamamagitan rin ng Instagram Stories.

Sa screenshot na ibinahagi ng netizen sa PEP.ph, makikita na naka-tag ang Instagram account ni Yen sa post ni Paolo sa kanyang Instagram Story at tila itinago ito sa likod ng isang emoji.

Ilang beses na ring naiulat ang hinihinalang palitan ng mensahe nina Paolo at Yen via Instagram Story.

Bukod sa mga ito, naging kontrobersiyal din ang pagpunta nina Paolo at Yen sa Baguio noong katapusan ng buwan ng August 2021.

Ito ay ilang araw matapos mapabalita na hiwalay na ang aktor sa long-time girlfriend nito na si LJ Reyes. Ngunit “as a friend” lang daw na sinamahan ni Yen si Paolo, ayon sa aktor.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *