Entertainment

Diego Loyzaga on Encounter co-stars Cristine Reyes, Ivan Padilla

Ang co-star niyang si Ivan Padilla ang isa sa mga mami-miss ni Diego Loyzaga sa pagtatapos ng Encounter sa darating na Sabado, October 30, 2021.

Ang Encounter, na napapanood sa TV5 at pinangungunahan nina Diego at Cristine Reyes, ang Philippine adaptation ng hit South Korean television series nina Park Bo-gum at Song Hye-ko.

“Mami-miss ko ang bonding with the cast and new experiences sa set. It was definitely a learning experience with time management and refresher course on my Tagalog,” sabi ni Diego sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files.

“Si Ivan ang naging closest friend ko sa Encounter.

“He taught me so much about life, investments, finances, and buying a house. He became a real friend of mine outside the set.”

Ano naman ang mga natuklasan mo sa ugali ni Cristine Reyes sa matagal na panahong pagsasama ninyo sa lock-in taping ng Encounter?

“How young at heart she is,” sagot ni Diego.

Continue reading below ↓

“At the same time, her maturity and professionalism is something I really look up to.”

Noong nakaraang linggo, may inamin si Cristine tungkol sa malungkot na kabataan niyang kagagawan ng kanyang sariling ina.

Ano ang naging reaksiyon mo at ano ang maipapayo mo para magkaroon siya ng kapanatagan ng kalooban?

Sabi ni Diego, “Cristine is a strong woman and, definitely, an icon to the younger generation.

“All I can tell her is I’m proud, and as someone who looks up to her, thank you.”

Sa nalalapit na pagwawakas ng Encounter, plano muna ni Diego na ibuhos ang atensiyon sa paggawa ng mga pelikula bago muling tumanggap ng mga TV assignment. Pero kung may alok, tatanggapin niya basta maganda ang proyekto.

“Right now, I want to focus on movies but if the right teleserye would be offered, of course,I would be game,” pahayag ni Diego.

Isa si Diego sa mga pinakaabalang aktor dahil sunud-sunod ang kanyang mga pelikula: Death of A Girlfriend, Bekis on the Run, House Tour, More Than Blue, at ang upcoming movie nila ni Nadine Lustre na Greed.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *