Entertainment

Dingdong Dantes relates trip to Jerusalem with wife Marian Rivera

December 15, 2021 nang bumalik sa Pilipinas mula sa Israel ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Pero dumiretso sila sa isang IATF-accredited hotel para sa mandatory quarantine na ipinatutupad ng Philippine government para sa mga balikbayan at turista.

Isa si Marian sa mga inimbitahan bilang miyembro ng international selection committee ng 70th Miss Universe na ginanap sa Eilat, Israel noong December 13.

Bilang suporta, sinamahan siya ni Dingdong sa unang out-of-the country trip nila sa panahon ng coronavirus pandemic.

Sa pangatlong araw ng kanilang hotel quarantine ngayong Sabado, December 18, humarap si Dingdong sa entertainment writers para sa virtual media conference ng A Hard Day, ang official entry ng Viva Films sa 47th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25, 2021 at matatapos sa January 7, 2022.

Bago pinag-usapan ang impressive performance niya sa Philippine adaptation ng blockbuster South Korean suspense-drama-action movie, nagpaunlak si Dingdong na magkuwento tungkol sa mga karanasan nila ni Marian sa Israel, partikular na sa Jerusalem o Holy Land.

Continue reading below ↓

Isa raw iyon sa katuparan ng kanilang pangarap na marating ang nasabing bansa.

Lahad ng Kapuso Primetime King, “Kababalik lang namin noong December 15 and so, parang ngayon nagsi-sink din lang lahat ng mga ginawa namin the past days.

“And masaya ako dahil nabigyan ako ng opportunity talaga na ma-witness lahat yun.

“Kasi ang role ko naman talaga, nandoon ako to support Marian kung anuman yung pangangailangan niya.

“But, you know, even as a part of her support group, nakita mo, na-witness mo talaga how important that event is not just for her but also for the world. We’ve got to see different advocacies.”

Patuloy ni Dingdong, “And kami, personally, nakapunta kami ng Jerusalem, isang bagay na talagang pinangarap lang namin noon at nagawa namin ngayon.

“So, lahat, among many others, talagang masasabi kong napakagandang experience.”

Miss na miss na rin daw nila ang kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Sabi ni Dingdong, “And now that we’re about to go home in the next couple of days, miss na miss na namin ang mga anak namin, so we can’t wait to be home soon.

“Alam nila hindi pa kami makakauwi kaagad kaya walang tigil sa kaka-video call. Kinukumusta namin sila.

“Medyo challenge lang noong nandoon kami dahil nauuna yung Pilipinas ng six hours so very, very limited yung time na nakakausap namin sila.

“Pero ngayon, we make sure na tsine-check namin sila from time to time.

“And very grateful kami na yung mga lola, nandoon para alagaan sila.”

TRIP TO JERUSALEM

Sandali lamang ang pananatili ng Dantes couple sa Israel kaya binabalak nilang bumalik dahil sa kanilang pangarap na mabisita rin ang Bethlehem, ang lugar na pinagsilangan ni Blessed Virgin Mary kay Hesus Kristo.

Continue reading below ↓

“Bethlehem hindi, pero sa Jerusalem oo.

“Yung Stations of the Cross, sadly, hindi kami umabot sa Bethlehem kasi limited lang yung oras namin. Babalik kami,” sagot ni Dingdong nang itanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nakapunta sila ni Marian sa Bethlehem.

Naluha ba siya sa Jerusalem?

“Ah oo!” bulalas ni Dingdong.

“Grabe, lalo na yung tomb, yung final resting place Niya [Jesus Christ]. Di ba, bago Siya mag-resurrect, nakapasok talaga kami sa loob.

“Talagang, oh my God, ibang klase! Kakaibang experience talaga. Tindig-balahibo.”

TRAVELLING DESPITE COVID-19 THREAT

Isang malaking hamon ang bumiyahe sa ibang bansa dahil sa banta ng COVID-19 kaya masuwerte ang mag-asawa nang idaos sa Israel ang 70th Miss Universe.

Mararamdaman sa boses ni Dingdong na para sa kanila ni Marian, tunay na pambihira at karapat-dapat ang nakaraang biyahe nila sa Israel.

“Ang Israel, sa ngayon, isa sa pinakamababang kaso ng COVID. In fact, if you ask around, they would say zero cases sila.

Continue reading below ↓

“Kaya ganoon sila ka-strict nang magkaroon ng isang kaso ng Omicron, talagang nag-lockdown sila.

“That’s the reason why muntik nang hindi matuloy yung pageant dahil yung buong bansa, isinara nila sa turista, so mabuti na lang pinayagan nila yun,” ganadong pagkukuwento ni Dingdong.

Dagdag niya, “Very, very strict sila. Every two days, nagpi-PCR test kami. Ganoon sila kasigurista pagdating sa health protocols.

“That’s why kahit papaano, kampante kami na alam namin na yung lugar kung nasaan kami ay very very safe.

“Pero siyempre, naka-mask pa rin kami all the time. Yung mga nakakasalubong nga namin sa kalsada, nagtataka, ‘Bakit kayo naka-mask kasi okay dito?’

“Pero siyempre, bilang respeto sa kanila, dahil kami hindi naman tagaroon, parang what if kami ang may dala? So, we still get the mask on.

“Pero nakakamangha na, in a way, normal na yung galawan nila doon.

“Normal na yung buhay, yung mga restaurant, normal operations, yung mga tao, nandoon na sila.

Continue reading below ↓

“Social distancing pa rin. In enclosed areas, in some areas, nire-require pa rin nila yung mask.”

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close