Entertainment

Duterte withdraws candidacy for senator

Umatras na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkandidato bilang senador sa May 2022 elections.

Ang desisyon ng Pangulo ay inanunsiyo ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa kanyang Twitter account nitong December 14, 2021.

Tweet ni Jimenez: “The President has filed his withdrawal from the Senatorial elections.”

President Rodrigo Duterte at the Comelec office

Makikita rin sa tweet ng tagapagsalita ng Comelec na personal na nagtungo ang Pangulo sa Comelec office sa Maynila.

Continue reading below ↓

Ang pag-atras ni Duterte ay naganap ilang oras matapos pormal na ring mag-withdraw ang kanyang close aide na si Senator Christopher “Bong” Go sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Ilang oras din lang ang nakalilipas bago mag-withdraw ang Pangulo, iniendorso pa ng kanyang anak na si vice presidential aspirant Sara Duterte-Carpio ang kandidatura niya sa pagkasenador

Naglabas na rin ng pahayag ang Palasyo kaugnay sa desisyon ni Duterte.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, pinili ng Pangulo na mas bigyan ng oras ang pandemic response, pati na rin ang pagtiyak na malinis at tapat ang darating na eleksyon.

“The President believes that withdrawing from the Senate race will allow him to better focus on managing our pandemic response in order to sustain the progress we have made in the country and in safely reopening the economy,” ani Nograles.

Dagdag pa niya, “He likewise views this as an opportunity to cencentrate on efforts to ensure transparent, impartial, orderly and peaceful elections in May.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close