Entertainment

Eat Bulaga! and Bubble Gang director Bert de Leon dies at 74

Sumakabilang-buhay na ang veteran at multi-awarded television director na si Bert De Leon (May 28, 1947-November 21, 2021 ) sa isang ospital ngayong madaling-araw ng Sabado, eksaktong 3:12 a.m.

Ang malungkot na pamamaalam ng anak niyang si Niko de Leon sa Instagram story: “Thank you for everything, Dad. Rest well now. I love you forever.”

Bert de Leon son

Continue reading below ↓

At press time, hindi pa inilalabas ang report tungkol sa tunay na dahilan ng pagpanaw ni Direk Bert, at hindi pa rin sinasabi ng kanyang naulilang pamilya ang mga plano para sa burol ng bangkay niya.

Ilan sa mga television projects ni Direk Bert ang Eat Bulaga!, Okay Ka Fairy Ko, 1 for 3, Daddy Di Do Du, Bubble Gang, at Pepito Manaloto.

Ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ang huling television assignment niya. Nag-taping pa ito para sa nasabing programa noong July 2021, bago siya na-confine sa ospital dahil sa kanyang karamdaman sa puso.

Noong July 17, 2021, nagbigay ang direktor ng update sa pamamagitan ng isang Instagram post. Saad niya sa mahabang caption ang mga pinagdaanan sa buwan na tinagurian niyang “Jolly July,” kabilang ang “1 heart attack, 1 ambulance ride, 12-hours in the ER, 1 angiogram/ angioplasty at 5 stents.”

Nang makalabas si De Leon mula sa ospital, nagpositibo naman siya sa COVID-19 kaya muling na-confine sa pagamutan. Dahilan ito para maglunsad ng fund-raising event para sa kanya noong October. Pinangunahan ito ni Michael V., ang artista niya sa Bubble Gang at Pepito Manaloto.

Continue reading below ↓

Bumuhos sa social media ang mga pakikiramay para sa naiwan ng pamilya ni De Leon na itinuturing na malaking kawalan dahil sa kanyang mga kontribusyon sa television industry.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *