Entertainment

Edu Manzano, Cherry Pie Picache rekindled love after 20 years

Love is lovelier the second time around para kina Cherry Pie Picache, 51, at Edu Manzano, 66.

Una pala silang nagkaroon ng relasyon dalawampung taon (20) na ang nakalilipas.

Nanggaling ang kumpirmasyon mula sa dalawa sa panayam sa kanila ni Luis Manzano para sa YouTube channel nito, na mapapanood simula ngayong Lunes ng hapon, December 27, 2021.

Si Luis ay anak ni Edu sa kanyang first wife na si Vilma Santos.

“Tahimik lang kami noon. It was almost a year,” pag-amin ni Edu tungkol sa nakaraan nila ni Cherry Pie.

“Hindi niya ako makalimutan,” hirit ni Cherry Pie nang sabihin ni Luis na meron lamang silang binalikan ni Edu.

Kinumusta ni Luis ang kalagayan ng puso ngayon ni Edu.

Ayon kay Edu, malaking bagay na matagal na silang magkakilala ni Cherry Pie.

“Kahit papaano, nakakahinga ako ngayon nang malalim. Punumpuno ng saya.

“Nagkataon, after the twenty years, nanatili kaming magkaibigan. We never drifted apart.

Continue reading below ↓

“We always see each other sa iba’t ibang okasyon and sa iba’t ibang mga gatherings, and we would always be talking sincerely.

“We knew that we still like each other,” lahad ni Edu.

Para kay Cherry Pie, answered prayer ang kasalukuyang relasyon nila ni Edu. Hindi rin daw niya akalaing magiging sila muli.

“We remained friends and we would always see each other. And then, every time we see each other, you know that there’s something different.

“Pero me, I always tell him nga, like [magkikita], maghihiwalay na kayo and you’d feel na parang iba… Di ba, may ganoon?

“Pero I would always dismiss it because your dad has always been a charmer. Yung karisma niya, iba talaga,” sabi ni Cherry Pie kay Luis.

Edu Manzano, Cherry Pie Picache, Luis Manzano

MISSED OPPORTUNITIES OVER THE YEARS?

Missed opportunities ang peg ng dalawa.

“Ito ba yung sinasabi mo na parang nagkakasalisihan kayo? Like, for example, when dad’s available, ikaw naman you had a partner?” sundot na tanong ni Luis kay Cherry Pie.

Sagot ng aktres, “Yeah, ganyan. Tapos every time na magkikita kami after noon, you’d think na parang, ‘Iba pa rin yung tingin niya?’

“Parang ganyan, but I would always dismiss it kasi nga charmer siya. ‘Huh, wala ‘yon.'”

Ang pagsasama nina Edu at Cherry Pie sa Marry Me, Marry You, ang prime-time drama series ng Kapamilya Channel, ang naging instrumento para muling manumbalik ang kanilang espesyal na pagtitinginan na nag-umpisa dalawang dekada na ang nakararaan.

“The chance na nakapagtrabaho kami muli sa Marry You, Marry Me, wala naman expectations, e.

“Tuloy lang iyon dun sa aming pagkikita during the past twenty years kung saan-saan. It’s not like yung, ‘Uy, kumusta ka na?'” paliwanag ni Edu tungkol sa pagmamahalan nila ni Cherry Pie na nabigyan ng pangalawang pagkakataon.

Continue reading below ↓

Noong November 18, 2021 unang inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa sweet photos nina Cherry Pie at Edu Manzano na kuha sa bakasyon nila sa U.S.

Noong panahong iyon ay may source na nagsabi sa PEP.ph na magkarelasyon ang dalawa.

Kinabukasan, kinumpirma ito ni Edu sa TV5 news anchor na si Cheryl Cosim.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close