Entertainment

Ella Cruz on her father’s candidacy for mayor in Angat, Bulacan

Kakandidatong alkalde ng Angat, Bulacan sa 2022 elections ang ama ni Ella Cruz na si Thristan Cruz.

Suportado ni Ella ang pagtakbo ng tatay niya na five-term councilor sa kanilang bayan.

Ang pagiging public servant ng kanyang ama ang dahilan kaya minsan nang pumasok sa isip ni Ella na pumalaot sa mundo ng pulitika, pero biglang nagbago ang isip niya.

“I wanna help our country and the Filipinos, pero naisip ko, sobrang nakaka-stress and magulo ang pulitika so huwag na lang. Sa ibang paraan na lang ako tutulong,” pahayag ni Ella sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files.

Ayon sa 25-year-old actress, matagal nang kinukumbinsi ang kanyang ama para kumandidato bilang alkalde ng Angat pero ngayon lamang natuloy.

Naniwala rin si Ella na hindi makakaapekto sa showbiz career niya ang kandidatura ng tatay niya.

“Five-term councilor na po si Papa,” pakli niya.

“Matagal na namin siyang hinihikayat na kumandidato na mayor dahil baka kaya na niya, pero hindi naman yun isang desisyon na basta puwedeng gawin.

Continue reading below ↓

“Siguro po, nararamdaman ngayon ni Papa na mas makakaya na niya ang mga obligasyon ng alkalde dahil marami na rin siyang naitulong dito sa bayan namin.

“Hindi naman po makakaapekto sa showbiz career ko ang pagtakbo niya dahil kahit noong hindi pa ako artista, konsehal na si Papa at kami ang kanyang palaging kasama sa mga kampanya.

“Wala po akong nakikitang sakripisyo na gagawin ko dahil kami ng pamilya ko ang magtutulungan.

“Always family first kami. Alam namin ang responsibilidad ng bawat isa sa amin.

“I will use all my platforms para mas makilala ng mga tao si Papa.”

CAMPAIGN COLOR

Kulay rosas o pink ang campaign color ng ama ni Ella.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, naging bashing victim ang aktres dahil pink din ang political color ni Vice President Leni Robredo, na isa sa mga presidential candidate.

Continue reading below ↓

Paglilinaw ni Ella, “We want to make it clear, it was also the time that a presidential candidate filed her candidacy with the same color so akala ng lahat, kapartido namin siya.

“To be honest, natawa na lang ako kasi nauuna pa yung ibang mga tao na magdesisyon o gumawa ng story na nagiging normal na.

“At first, nakikipagbiruan ako sa ilan sa comment box, until naging big deal ang isyu sa ibang mga tao na hindi alam ang totoong kuwento. Pero okay lang.

“Hindi naman po ako naapektuhan dahil mainit naman talaga ang usapang pulitika.

“Akala ng iba, nagyabang ako dahil hindi nila ako kilala, the way I speak or hindi nila alam kung saan ang pinanggagalingan ko, but I understand them.

“Minsan, kahit ano ang sabihin mo, some people, nakasarado na ang kanilang isip sa kung ano ang gusto nila na paniwalaan so let’s be more careful na lang and be aware.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *