Entertainment

Family and fans commemorate Mahal’s 47th birthday

Ngayong December 20, Lunes, ang 47th birth anniversary ni Mahal.

Pumanaw si Mahal, Noeme Tesorero sa tunay na buhay, noong August 31, 2021 dahil sa kumplikasyon dulot ng COVID-19.

Bilang paggunita sa araw ng pagsilang ni Mahal, nagtipun-tipon ang kanyang pamilya at mga tagahanga sa puntod niya sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Tandang Sora, Quezon City.

Nagmistulang hardin ang libingan ni Mahal dahil sa mga bulaklak na dala ng mga nagmamahal sa kanya.

Napapalibutan din ang puntod niya ng mga lobo na rosas, asul, at puti dahil ito ang kanyang mga paboritong kulay.

mahal 47th birthday

Continue reading below ↓

Ang kapatid ni Mahal na si Irene ang nagbigay ng mga detalye sa Cabinet Files tungkol sa pagdiriwang para sa birth anniversary ng pumanaw na comedienne.

Lahad niya, “Pink and white ang favorite colors ni Mahal. Marami rin ang Toblerone chocolates sa birthday celebration para sa kanya dahil yun ang favorite niya.

“Sampaguita ang favorite flower ni Mahal, pero sunflower ang dinala ng fans sa puntod niya.

“Paborito rin niya ang Hello Kitty. Yun sana ang magiging motif ng room niya na plano naming ipagawa noong nabubuhay pa siya.

“Pero ngayon, itutuloy na lang namin sa musuleo na ipagagawa namin para sa kanya.

“Nabili na kasi namin yung lupa ng puntod niya kaya next month, magsisimula na ang construction. Hinihintay na lang namin yung design.”

Tiyak na magiging agaw-pansin at tourist attraction sa Himlayang Pilipino Memorial Park ang gagawin nilang Hello Kitty mausoleum ni Mahal.

Hindi lamang mga lobo at bulaklak ang bumaha sa birth anniversary celebration ni Mahal dahil marami rin ang nagbigay ng mga pagkain at money bouquet kaya lubos ang pasasalamat ng pamilya niya sa mga hindi nakakalimot sa kanya.

Sabi ni Irene, “Marami ang nagpadala ng food. Yung cakes, more than 10. May mga money bouquet din but I’m not sure kung ilan na.

“Two days na ang celebration nila. Nasa resort sila ngayon dahil doon nila itutuloy ang celebration.”

mahal money bouquet

Nagluluksa pa rin si Irene dahil sa magkasunod na pagkawala ng kanilang ama at ni Mahal.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Kung nabubuhay si Mahal, tiyak na masayang-masaya siya dahil mahilig siya sa mga birthday party.

“A few months ago, nagpakita siya sa panaginip ko. Naka-black T-shirt siya.

“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi ‘yan ang favorite color mo.’ Ngumiti siya then sabi niya, ‘Thank you.’

“Mahal daw niya kami at na-appreciate niya yung mga ginagawa namin.”

Si Mahal ang panganay sa apat na magkakapatid, at naghatid ng karangalan sa kanyang pamilya at nagpasaya sa libu-libong Pilipino, sa kabila ng physical disability niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close