Entertainment

Food forest yumabong sa isang 60-square-meter lot sa Pampanga

Pinatunayan ni Medge de Vera, 56, taga-San Fernando, Pampanga, na hindi kailangan ng malaking lote para makapagtanim ng mga puno at halaman.

Sa kaso niya, nagkaroon siya ng “food forest.”

Itinayo niya ito noong 2008.

Ang kanyang motivation sa proyekto: Ang dalawa niyang anak.

Medge de Vera at her food forest

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Medge noong December 21, 2021 sa pamamagitan ng Instagram Chat.

Continue reading below ↓

Pagbabahagi niya, “Noong bata pa ang mga anak ko, wala pang available na organic fruits and veggies sa market at kung magkaroon man ay napakamahal.

“Naisipan kong gawing edible garden o food forest ang aking munting hardin.

“Nasa 180 square meters lang ang aming lote. One third [60 sq. m] lang nito ang food forest.”

HILIG TALAGA ANG PAGTATANIM

Taong 1986 nang magkahilig sa paghahalaman si Medge.

Ang kanyang ama at iba pang kamag-anak ay nagtatanim din, at sa mga ito niya namana ang hilig sa pag-aalaga ng edible and ornamental plants.

Ang kuwento niya, “Nagsimula ito sa kaunting fruit trees, edible and inedible ornamentals, at lawn na bluegrass.

“Noong 2008 ay sinimulan ko itong tuluyang gawing edible garden o food forest.

“Tinanggal ko ang maraming inedible ornamentals at pinalitan ng mostly edible perennials, pati ang lawn.”

Gumamit din siya ng mga containers bilang taniman.

Karamihan sa mga tanim niya ay natal plum, lemon, variegated calamansi, edible ferns, purple leaf potato, at iba pang gulay na puwedeng mabuhay sa paso.

Guva fruits from Medge de Vera's food forest

Atis fruit from Medge de Vera's food forest

Continue reading below ↓

Mayroon din itong 24 edible crops kabilang ang kamoteng kahoy (cassava), mani, ube, kamoteng bagin (sweet potato), luya, turmeric, sili, kangkong, at alugbati.

NAGING OBSERVANT SA MGA HALAMAN

Dahil sa tagal na niya sa pagtatanim, napag-aralan na ni Medge maging ang sistema sa pagdidilig sa mga ito.

Aniya, puwede na ang tatlong beses na pagdidilig sa isang linggo.

Medge de Vera planting vegetables and herbs

Continue reading below ↓

Tinatambakan rin niya ang mga tanim ng compost at tuyong dahon.

Paliwanag niya, “Pag may tambak na compost at tuyong dahon, nagkakaroon ng pagkain ang mga earthworms at iba pang insekto na nagpapaganda sa kalidad ng lupa.”

Gumagamit naman siya ng sariling buto na pantanim na inani niya mismo sa kanyang garden.

Sanay na raw sa area ang mga sarili niyang ani na buto kaya mas malaki ang tsansa na yumabong iyon kapag nagsimulang tumubo.

Inoobserbahan rin niya kung saang spot mas naggo-grow ang isang crop, at kapag nagiging mayabong at mabunga, doon siya nagtatanim.

POTENSIYAL NA NEGOSYO

Dahil sa kanyang food forest, maraming bagay ang hindi binibili ni Medge sa supermarket “tulad ng mga herbs at spices na malimit kong gamitin.”

Medge De Vera's produce

Continue reading below ↓

Fruit extracts from Medge de Vera's produce

“Mayroon akong jams and jellies, herbal teas, bioenzymatic cleaners, fruit vinegars at probiotics tulad ng ginger/turmeric bug.

“Hindi ko ibinebenta kundi naipapamigay ko sa mga kamag-anak, kaibigan, at maging ang mga nagdaraan na natutuwa sa nakikita nila sa aking garden.”

Continue reading below ↓

Dahil sa pandemic at nagkaroon ng kakapusan sa supply ng pagkain sa merkado, nakikita niya ang potential na pagkakitaan ang kanyang mga ani.

Mas matututukan na kasi niya ang pagtatanim dahil pareho nang graduate ang kanyang dalawang anak at hindi na sa kanya nakatira.

“Maaaring in the future ay magbenta ako ng mga products galing dito. Pero sa ngayon ay tamang-tama lang ito for personal use at konting panregalo sa iba.”

Marami sa bumibisita sa kanyang food forest ang nai-inspire na gawing modelo ang kanyang proyekto.

“May mga nakilala ko lang sa Instagram na bumibisita dito. Galing halos lahat sa Metro Manila, Tarlac at Pampanga.”

Payo niya sa iba pang may maliit na space at mahilig magtanim, “I-research munang mabuti ang mga kailangan o needs at requirements ng halaman, at kung gaano kalaking space ang kailangan nito.

“Importante ito lalo na sa maliliit na space tulad ng aking hardin.”

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

close