Entertainment

Gazini Ganados shows full support for Tracy Maureen Perez

Buong-buo ang suportang ipinakita ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados sa kapwa Cebuana nitong si Tracy Maureen Perez, ang kandidata ng Pilipinas sa Miss World 2021 pageant.

Nagtungo pa si Gazini sa Puerto Rico upang mapanood nang personal ang dapat sana’y coronation night ng Miss World 2021 nitong Biyernes, December 17, 2021. Ngunit na-postpone muli ang event dahil ilan sa mga kandidata ay nagpositibo sa COVID-19.

Hindi man natuloy ang event, nakita naman ni Gazini si Tracy nitong Sabado, December 18, 2021 (December 17 sa Puerto Rico).

Nag-post si Gazini ng litrato nilang dalawa mula sa kanilang dinner kasama ang iba pang mga kaibigan.

Caption ni Gazini: “Even in uncertain circumstances, she remains steadfast! [emoji] We were all geared up and ready to cheer our lungs out!

“But sadly, due to safety concerns the event was postponed. Either way, let’s all continue to support our Queen @tracymaureenperez [Philippine flag emoji].”

Continue reading below ↓

Masaya man sa kanilang pagkikita, ipinarating ni Gazini ang kanilang pag-aalala sa mga kababayan nating nasalanta ng Typhoon Odette.

Patuloy niya, “Amidst our gathering here, our prayers still goes to our family and friends back home! Our hearts goes to those who fought for their lives amidst the chaos.

“The Philippines has just been immensely devastated by the Typhoon Rai #Odette Amping mo diha! #bangonph”

Dahil marami sa mga kandidata ng Miss World 2021 ang nagpositibo sa COVID-19, nilinaw ni Gazini na lahat ng kasama niya sa dinner, kabilang si Tracy, ay negatibo ang lumabas na resulta sa kanilang COVID-19 test.

Aniya, “P.s we were all tested negative and followed safety protocols prior to the gathering.”

Isa si Tracy sa mga kandidatang itinuturing na malakas ang laban para sa Miss World 2021 crown.

Pasok na si Tracy sa Top 30 finalists ng pageant. Isa rin siya sa walong kandidatang nanalo sa Head-to-Head fast-track challenge ng Miss World 2021.

Bukod dito, kabilang din si Tracy sa Top 5 candidates na nanalo sa Beauty With A Purpose Challenge. Dahil dito, napili ang advocacy ni Tracy para sa single moms na susuportahan ng Miss World Organization.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.