Entertainment

Gladys Reyes thanks family, friends for grand exit of her father

GORGY RULA

Muling naka-text ng PEP Troika si Gladys Reyes pagkatapos ng libing ng kanyang amang si Sonyer Reyes sa Garden of Gethsemane, Antipolo City, nitong Biyernes, October 29,

Talagang nanalangin at nagpasalamat daw siya sa Diyos dahil naging maayos ang lahat hanggang sa nailibing ang kanyang ama.

“Grabe, Kuya Gorg, ang pagmamahal ng Diyos. Napaka-smooth lahat hanggang huli.

“Nadala namin sa huling hantungan na walang naging aberya. Ang daming buong pusong tumulong.

“Mula sa pamamahala namin, mga kapatid sa Iglesia, kaibigan ng Papa ko, mga kaibigan namin,” text sa akin ni Gladys nung Biyernes ng gabi.

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Nakakatuwa yung talagang pagtulong ng mga kapatid namin sa INC, mula nung sa hospital pa lang si Papa hanggang sa libing niya.

“Kasi, deacon si Papa for 40 years, kaya talagang tumulong yung mga kaibigan at kasama niya sa church.”

Nakakatuwa rin daw ang pagtulong at ipinaabot na pakikiramay ng mga kaibigan at katrabaho niya sa showbiz.

Continue reading below ↓

Kahit nasa pandemya at ang dami pang restrictions, pumunta pa rin sa burol ang ibang kaibigan nila sa showbiz. Naintindihan daw ni Gladys kung hindi nakakapunta ang iba, dahil sa kalagayan natin ngayon.

Sa unang gabi ng burol ay pumunta sina Carlo Aquino at ang best friend ni Gladys na si Carmi Martin.

Nung huling gabi ng burol ay pumunta sina Angelu de Leon, Wowie de Guzman, Ogie Diaz, at Victor Neri.

Continue reading below ↓

Nagpadala naman ng bulaklak at nagparating ng pakikiramay ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, na naka-quarantine sa Batangas.

Kabilang din sa nagpadala ng mensahe ng pakikiramay ay sina Regine Velasquez, Bongbong Marcos, Ciara Sotto, Gretchen Barretto, Claudine Barretto, Ai-Ai delas Alas, ang GMA-7, at mga kasamahan niya sa Pepito Manaloto.

Na-touch daw siya sa mga mensahe ni Manilyn Reynes dahil naka-relate daw ito gawa ng kamakailan lang ay pumanaw rin ang ama nito.

“Pero gusto ko talaga magpasalamat sa mga kamag-anak namin sa Guagua, Pampanga, yung JPS Funeraria Punzalan, yung pinsan ko, si Ate Joy, kasi talagang inalalayan niya kami at ang laki ng tulong niya para magawa namin yung ‘grand exit’ kay Papa.

“Grabe ang assistance nila sa amin, at yung casket nga, galing sa kanila yun na regalo nila kay Papa,” patuloy ni Gladys.

NOEL FERRER

Can identify tayong Troika sa pinagdaraanan ni Gladys dahil tayo ang tagapag-alaga ng ating mga ina dahil nilisan na rin tayo ng ating mga ama.

Continue reading below ↓

Mas inaalalayan daw ngayon nina Gladys ang mama nila na sobrang nangungulila sa kanilang papa.

“First time kasi nangyari sa pamilya namin. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin,” sabi pa ni Gladys.

Kahit si Gladys ay nag-a-adjust din sa pagdadalamhati nila. Mabuti at may trabaho naman daw siya kaya nagpapaka-busy na lang siya.

May taping siya ngayong Sabado, October 30, sa Pepito Manaloto, Ang Unang Kuwento at bukas, October 31, ay tinanggap niya ang hosting sa isang event sa Net 25.

Sabi ni Gladys, “Okay na yung busy. Kaya tinanggap ko na ibang work.

“May hosting pa ako sa Net 25 sa birthday today ng Executive Minister. Merong Worldwide Lingap ang tawag dun.”

Malaking tulong din sa coping at healing ang pagiging busy.

At least, ginagabayan si Gladys ng kanyang ama and, for sure, gusto nitong maging maayos, magaan, at maligaya ang buhay ng mga kaanak na naiwan, dahil tunay ngang pinagpapala ang mga mabubuting anak.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Ipinost ni Gladys sa Facebook ang mga litrato at video clips ng lamay sa yumao niyang ama na si Sonyer Reyes.

“Pa Sonyer, wala ng pagluha, wala ng pighati, wala ng sakit. Nakatapos ka na ng iyong takbuhin. Hanggang sa muli…magkikita tayo sa bayang pangako,” post ni Gladys.

Continue reading below ↓

Pumukaw sa aking pansin ang funeral flower wreath na ipinadala ni Gretchen Barretto, na may mensaheng “Love and Prayers.” Ang ganda!

Hindi man kakandidato sa eleksyon, namimigay si Gretchen ng bigas, grocery goods (love box), wheelchair, at cellphone.

Tinext ko tuloy ang manager ni Gladys na si Manay Lolit Solis, what if may mag-request ng coffin kay Gretchen… pagbibigyan kaya nito?

Reply ni Manay Lolit, “Sure ako, 100%, Lady Santa Klaus siya di bah? Kahit tawagan mo sina Gorgy, Salve, at Mr Fu sa mga bagong phone nila, SURE agad ang answer nila, hah hah hah HELLO!

“Hindi ba, ‘wish and it will be granted ‘ ang drama ni Gretchen Barretto. Kaya love na love siya ng Team Gretchen sa leadership nina Gorgy, Salve at Mr Fu, hah hah hah!”

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *