Entertainment

Graveyard Pinoy TV, tampok ang puntod ng sikat

Kakaiba ang naging pamamaraan ni Raymond Fariñas sa paggunita sa mga personalidad na minsa’y nagbigay-aliw sa ating local-entertainment scene, pulitika, at iba pa.

Tubong Catbalogan, Samar, at ngayo’y batang Pasig, si Raymond ang utak sa likod ng Graveyard Pinoy TV.

Isa itong YouTube Channel na nakilala sa pagba-vlog ng puntod ng mga sikat na artista mula sa silent era, tulad ng singer at bodabil performer na si Atang de la Rama, hanggang sa kasalukuyang mga komedyante, gaya nina Chokoleit at Bentong.

Graveyard Pinoy TV YouTube features graveyard of Pinoy celebrities

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, mahigit 200 puntod na ng mga sikat na personalidad mula sa iba’t ibang panig ng ating bansa ang kanyang nabisita.

Kabilang dito ang pinaglagakan sa mga dating pangulo na sina Emilio Aguinaldo, Jose Laurel, Manuel Roxas, Sergio Osmeña, Ramon Magsaysay; mga komedyante na sina Dolphy, Tado, Tita Swarding, Babalu, RedFord White, Rene Requiestas; mga rising actors na kinabibilangan nina Rico Yan, AJ Perez, Mico Palanca, at Jon Hernandez.

PAGGUNITA SA NAGING BUHAY NG MGA SIKAT

January 3, 2021, nang simulan ni Raymond ang kanyang channel.

Graveyard Pinoy TV pilot episode feaures Amalia Fuentes' grave

Continue reading below ↓

Kasama sa mga unang feature niya ang puntod ng mga beteranang aktres na sina Nida Blanca at Amalia Fuentes, master rapper Francis Magalona, at mga aktor na sina Jon Hernandez at Anthony Alonzo.

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raymond noong October 20, 2021 via Facebook Messenger at email.

Aminadong fan ng Hollywood Graveyard Channel ni Arthur Dark si Raymond.

Ang kakulangan raw ng mga ganitong content ang nagtulak sa kanya upang gumawa ng sariling channel na may kaparehong tema.

Aniya, “Back then, 10 months ago, I was looking for similar YT [YouTube] channel that features departed Filipino celebrities and notables, but I was surprised that there was none.

“This pushed me to create a channel that vlogs similar content in a local situation.

“Then, my mission is to feature all departed celebrities.”

Ang naging hamon sa kanya noong nagsimula siyang mag-vlog ay hindi siya “techie.”

Aniya, “I do not know how to edit and create videos, I have no idea how to score sounds and mix with voice, how to obtain movie video clips and to ‘data mine’ them for my vlog.”

Continue reading below ↓

Kinailangan niyang mag-research kung anong equipment at apps ang kailangan sa video editing.

Isa siyang Certified Public Accountant at financial auditor bago niya pinasok ang mundo ng vlogging.

Sabi pa niya, “Parte ng trabaho ko as [an] auditor, lagi akong bumibisita sa ibang bansa. Sa mga free time ko, pumupunta ako sa mga sikat na parks sa US at Australia.

“Ang mga naalala ko na lang ay nung bumisita ako kay ‘Asian Eternal Queen of Pop’ Teresa Teng sa Jinbaoshan Cemetery, Taipei; Peoples’ Republic of China’s Chairman Mao Zedong sa Beijing; Republic of China Founder Sun Yat-Sen sa Nanjing, at Vietnam’s Former President Ho Chi Minh sa Ha Noi.”

MOST MEMORABLE GRAVE TOUR

Sa kanyang pagbisita sa mga libingan dito sa ating bansa, isang himlayan ang tumatak nang todo kay Raymond.

Kuwento niya, “The most memorable was to locate the crypt of my rock idol of the 90s, Teddy Diaz of The Dawn.

Continue reading below ↓

“In a short film, it was depicted that his final resting place was in Loyola Marikina. I visited this park for 3 or 4 times but could not locate.

“Based on [a] tip, I visited Manila South Cemetery but found his old tomb before he was finally located in a crypt at Sanctuario de San Antonio in Forbes.”

May isa pa na naging challenging naman sa kanya ang paghahanap.

“Similarly, my quest to search for the final resting place of Karate King Roberto Gonzalez also took so much effort and time.

“I visited all the parks in QC, but none. Then I inquired in 3 barangay LGUs that finally lead me to his surviving family and the information about his grave location.”

Graveyard Pinoy TV features graveyard of Teddy Diaz of The Dawn

Continue reading below ↓

PINAKAMAHIRAP I-LOCATE NA PUNTOD

Ngunit ang pinaka-physically challenging aniya ay ang pag-locate sa puntod ni Socorro Dela Cruz, o mas kilala sa tawag na Aruray, sa Calamba, Laguna.

Ayon kay Raymond, “I failed to locate her final resting place but the sepulturero lead me to her old grave.

“We dig to locate the old marker, which was already covered by dirt, rubbish, and some old materials from an abandoned tomb.”

Sa huli, hindi rin daw niya natagpuan ang hinahanap.

Bilang pagtatapos, tinanong siya ng PEP.ph kung ano ang pinakamalayong grave tour na kanyang ginawa?

Game niyang sagot, “The farthest grave tours I did, so far, were for singer Ric Segreto, a day trip to Malasiqui, Pangasinan, and actress Roxanne Abad Santos, for another day trip to Angeles City Pampanga, without assurance that I will ever find their graves once onsite.

“But I was lucky in both.”

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *