Entertainment

Helpful reminders para sa mga wala pang national ID

Inirerekomenda ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ilagay ng mga applicant para sa Philippine Identification (PhilID) ang kanilang mobile number at email address para makakuha ng updates sa kanilang Philippine Identification System registration.

Bagaman at optional ang paglalagay ng mobile number at email address, mahalaga ito para rin malaman ng registrant ang kanyang registration status.

Biometrics procedure of PhilID applicant

Continue reading below ↓

Nagpaalala rin ang PSA sa mga registrants na tiyaking current and updated ang kanilang ilalagay na impormasyon sa Step 1 para maiwasan ang kalituhan sa Step 2 biometrics process.

Ang mga registrants ay magiging legally liable for fraud kung sinadya nilang magbigay ng mga maling impormasyon para lang makakuha ng national ID.

Tiniyak naman ng PSA na lahat ng personal na impormasyon ay protektado ng modern security measures ayon sa batas.

Sa inilabas na pahayag ng PSA, nasa 40,264,550 individuals na ang nakakumpleto ng kanilang biometric capture hanggang noong October 31, 2021.

Mahigit tatlong milyong physical PhilID cards naman ang nai-deliver na ng Philippine Post Corporation, ang official courier partner ng PSA.

Muli ring ipinaalala ng PSA na libre ang delivery ng PhilID cards.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *