Entertainment

In memoriam: celebrities who died in 2021

Ngayong 2021, ipinagluksa ng publiko ang pamamaalam ng ilang kilalang personalidad sa mundo ng showbiz at pulitika.

Bagamat karamihan sa kanila ay ilang taon nang hindi aktibo sa kani-kanilang larangan, ang iba ay napanood pa ng publiko sa teleserye at nasubaybayan sa mga TV interviews ilang buwan bago pumanaw.

Kung mayroon mang pagkakapareho ang pagpanaw ng ilang kilalang personalidad ngayong taon, iyon ay ang pagkamatay nila dahil sa iniinda o biglaang pagkakasakit—kabilang na ang ilang iginupo ng COVID-19.

Kasabay ng pagbabalik-tanaw, idedetalye ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kani-kanyang ambag sa industriya ng mga personalidad na namaalam ngayong 2021.

ROYETTE PADILLA

Enero 9 nang bawian ng buhay ang dating aktor na si Royette Padilla, 58, dahil sa atake sa puso.

Si Royette ang panganay na kapatid nina Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari.

Matagal nang hindi aktibo sa showbiz si Royette, na napanood sa ilang action films noong 1990s, kabilang ang Di Na Natuto (Sorry Na, Puwede Ba?) noong 1993 at Mistah taong 1994.

Continue reading below ↓

Royette Padilla, celebrity deaths 2021

TONY FERRER

Sakit sa puso ang ikinamatay ng movie icon na si Tony Ferrer noong January 23, sa edad na 86.

Si Tony ay sumikat noong 1960s at 1970s bilang “James Bond of the Philippines.”

Taong 1953 nang unang binigyang-buhay sa pelikula si James Bond bilang isang British super spy, na tinatawag ding Agent 007.

Dekada ’60 nang pumatok ang pagbibida ni Tony bilang ang spy at secret agent na si Tony Falcon sa movie series na Agent X-44.

Si Tony ay lolo ng young actor na si Donny Pangilinan. Anak ni Tony ang ina ni Donny, ang actress-author na si Maricel Laxa, 50.

Bukod kay Maricel, anak din ni Tony ang dating aktres at beauty queen na si Mutya Crisostomo.

tony ferrer rip

Continue reading below ↓

CLAIRE DELA FUENTE

Cardiac arrest din ang ikinasawi ng OPM icon na si Claire dela Fuente noong March 30. Siya ay 63 taong gulang.

Bago pumanaw, kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 ang veteran singer na may comorbidities, tulad ng alta-presyon at diabetes.

Ilang buwan bago pumanaw, madalas makapanayam ng media si Claire habang idinedepensa nito ang anak na si Gigo de Guzman.

Isa si Gigo sa respondents sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, na natagpuang walang buhay sa isang hotel sa Makati City noong Disyembre 31, 2020.

Dekada ’70 nang pinasikat ni Claire ang mga awiting “Sayang,” “Nakaw Na Pag-ibig,” at “Minsan-Minsan.”

Claire dela Fuente, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

MILDRED ORTEGA

April 8 nang pumanaw ang dating aktres na si Mildred Ortega sa edad na 68, matapos ma-stroke.

Asawa niya si retired General Mitch Templo, at anak naman niya ang kilalang immigration lawyer at dating news anchor ng TV5 na si Mike Templo.

Napanood si Mildred sa mga pelikulang Mekeni’s Gold (1969), Halina Neneng Ko (1969), Teenage Escapades! (1969), My Darling Eddie (1969), The Jukebox King (1969), at Santiago! (1970).

Napanood din siya sa Haydee (1970), Happy Hippie Holiday (1970), Signos Trece (1971), Luha sa Bawat Awit (1971), Unang Tibok ng Puso (1972), Dyesebel (1973), at Supergirl (1973).

mildred ortega in memoriam

Continue reading below ↓

VICTOR WOOD

April 23 nang nasawi ang Jukebox King na si Victor Wood, sa edad na 75.

Kumplikasyon sa COVID-19 ang sanhi ng pagpanaw ng ‘70s singing heartthrob, na nagpasikat ng mga awiting “Mr. Lonely,” “I’m Sorry My Love,” “In Despair,” at “Wooden Heart.”

Napanood din si Victor sa ilang pelikula—kabilang ang pagtatambal nila ni Vilma Santos sa Little Darling noong 1972, habang si Nora Aunor naman ang nakasama niya sa As Long as There’s Music noong 1974.

Ilang beses ding nagtangka si Victor na pasukin ang pulitika. Kumandidato siya para sa iba’t ibang lokal na posisyon sa Rizal at sa pagkasenador noong 2007 at 2013, pero hindi siya kailanman pinalad na mahalal.

Victor Wood, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

TOTO NATIVIDAD

Kumplikasyon din sa COVID-19 ang dahilan ng pagpanaw ng 63-year-old TV and movie director na si Toto Natividad noong April 27.

Nang pumanaw si Direk Toto—Federico Natividad, Jr. ang kanyang buong pangalan—siya ay incumbent chairman ng Barangay North Bay Boulevard South Kaunlaran sa Navotas City.

Kabilang sa mga idinirek niya ang top-rating ABS-CBN series na FPJ’s Ang Probinsyano, gayundin ang mga teleseryeng Cain at Abel, Dugong Buhay, Panday, at Pieta.

Toto Natividad, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

LE CHAZZ

Mayo 1 nang natagpuang patay sa kanyang bahay sa Quezon City ang stand-up comedian at dating Wowowin co-host na si Le Chazz, 43.

Siya ay si Richard Yuzon sa tunay na buhay.

Ayon sa malapit na kaibigan at kapwa stand-up comedian na si AJ Tamiza, may diabetes si Le Chazz at ang kumplikasyon daw ng sakit nito ang dahilan ng pagkasawi ng komedyante.

February 2021 nang huling napanood si Le Chazz sa telebisyon, nang mag-guest siya sa “Tutok to Win” segment ng Wowowin.

Nakilala ng publiko si Le Chazz nang maging co-host siya ni Willie Revillame sa Wowowin ng GMA-7 mula 2018 hanggang 2019.

Napanood din siya sa Kapamilya gag shows na Banana Split: Extra Scoop noong 2011 at Banana Nite noong 2013.

Le Chazz, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

RICKY LO

May 4 nang pumanaw ang beteranong entertainment editor-columnist na si Ricky Lo, sa edad na 75.

Stroke ang dahilan ng pagpanaw ni Ricky, ayon sa kanyang pamilya.

Si Ricky ay kolumnista at entertainment editor ng The Philippine Star. Naging host din siya ng ilang showbiz talk shows, kabilang ang The Buzz (1999), Showbiz Stripped (2005), The Ricky Lo Exclusives (2007), at Startalk (2008-2015).

Ricky Lo, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

ARTURO LUZ

May 26 nang sumakabilang-buhay si National Artist for Visual Arts Arturo Luz sa edad na 94.

Siya ang unang director ng Metropolitan Museum of Manila, na pinagsilbihan niya simula 1976 hanggang 1986.

Anak ni Arturo ang namayapang singer na si Paola Luz at ang dating actress-model na si Angela Luz.

Visual artist din ang apo ni Arturo na si Paulina Sotto-Llanes, anak ni Angela sa veteran TV host na si Vic Sotto.

Arturo Luz, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

ESTER CHAVEZ

Ang Reyna ng Filipino radio drama na si Ester Chavez ay pumanaw noong May 31, sa edad na 93.

“Natural causes” ang dahilan ng kanyang pagpanaw, ayon sa kanyang pamilya.

Bagamat nakilala bilang radio talent sa edad na 17, napanood din si Ester sa mga teleserye at pelikula.

Kabilang sa mga nagawa niyang pelikula ang Kung Mahawi Man Ang Ulap (1984), Paano Kung Wala Ka Na? (1987), Orapronobis (1989), Maging Sino Ka Man (1991), at Pangako Ng Kahapon (1994).

Ester Chavez, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

ARLENE TOLIBAS

June 3 nang sumakabilang-buhay ang actress-TV director na si Arlene Tolibas dahil sa cardiac arrest.

Bago nadiskubre ang kakayahan niyang umarte sa mga pelikula at TV show, si Arlene ay naging floor director sa iba’t ibang TV programs at awards night.

Napanood si Arlene sa mga TV show na Abangan Ang Susunod Na Kabanata (1991-1997), Buddy En Sol (1990-1995), My Little Juan (2013), at ParangNormal (2015).

Lumabas din siya sa mga pelikulang My Other Woman (1990), Alabang Girls (1992), Bala at Lipistik (1994), Nena (1995), Tarot (2009), She’s The One (2013), at Glorious (2018).

Arlene Tobias, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

SHALALA

June 23 nang pumanaw ang komedyante at TV and radio personality na si Shalala sa edad na 61.

Pulmonary tuberculosis ang ikinamatay ni Shalala, na Carmelito “Tolites” Reyes ang tunay na pangalan.

Dati siyang co-host ng TV host star builder na si German “Kuya Germs” Moreno sa Walang Tulugan with the Master Showman (1997-2016).

Naging host din siya sa showbiz talk show na Juicy (2008-2012) at sa game show na Swerte Swerte Lang (2011) ng TV5, at nagkaroon ng launching movie noong 2014, ang Echoserang Frog.

Shalala, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

HOT STORIES

BENIGNO SIMEON “NOYNOY” AQUINO III

Nagulantang ang bansa sa balita ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III, a.k.a. Noynoy, noong June 24.

Renal disease secondary to diabetes ang ikinasawi ng 61 taong gulang na ika-15 Presidente ng Pilipinas, na kilala rin bilang PNoy.

Ikinagulat ng mga Pilipino ang malungkot na balita ng pagkakasakit at pagpanaw ng dating Chief Executive, na nanatiling pribado ang buhay simula nang bumaba sa puwesto noong July 2016.

Nag-iisang anak na lalaki nina dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino, si PNoy ang nakatatandang kapatid ng actress-TV host na si Kris Aquino.

Bagamat hindi kailanman pinasok ang showbiz tulad ni Kris, pawang nasa media at entertainment industries ang mga naging nobya ng dating Pangulo.

Ex-girlfriends niya ang broadcast journalists na sina Korina Sanchez at Bernadette Sembrano, ang stylist na si Liz Uy, ang dating sexy star na si Barbara Milano, ang TV-radio personality na si Grace Lee, at ang dating TV host-politician na si Shalani Soledad. noynoy aquino in memoriam

Continue reading below ↓

HANS MORTEL

July 14 nang sumakabilang-buhay ang stand-up comedian-TV host na si Hans Mortel dahil sa pneumonia.

Nakilala si Hans bilang co-host ni Amy Perez sa talk show na Face To Face (2010-2013) ng TV5.

Si Hans ang naka-discover sa TV host-comedian na si Vice Ganda.

Hans Mortel, celebrity deaths 2021

MEL FRANCISCO

July 25 nang pumanaw ang 78-year-old na dating character actor na si Mel Francisco dahil sa cardiogenic shock.

Continue reading below ↓

Adolfo Padilla Scheerer Jr. ang tunay na pangalan, si Mel ay nagmula sa angkan ng mga Padilla.

Anak niya ang dating character actor na si John Regala.

Ilan sa mga pelikula ni Mel ang Mansanas sa Paraiso (1965), Eagle Commandos (1967), The Strip Teaser (1970), Bala Ko Ang Hahatol (1985), at Pusakal At Mga Yagit (1986).

Mel Francisco, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

ATE SHAWEE

Noong July 26, sa edad na 45, binawian ng buhay si Ate Shawee, ang stand-up comedian at sikat na impersonator ng actress-singer na si Sharon Cuneta.

Liver cirrhosis ang ikinamatay ni Ate Shawee, na Marvin Martinez ang totoong pangalan.

Bagamat hindi nagkaroon ng regular TV program, nakagawa naman ng mga pelikula, nagkaroon ng mga TV guestings, at nag-show sa iba’t ibang bansa si Ate Shawee.

Ate Shawee, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

ORESTES OJEDA

Isang kakaibang uri ng pancreatic cancer ang ikinamatay ng dating aktor na si Orestes Ojeda noong July 27, sa edad na 68.

Luis Pagalilauan ang tunay na pangalan ni Orestes, na pinakanatatandaan ng movie fans sa kanyang pagbibida sa 1985 erotic thriller na Scorpio Nights ni Peque Gallaga.

Itinampok din si Orestes sa mga pelikulang Inay (1977), Huwag Hamakin! Hostess (1978), Kambal sa Uma (1979), Bedspacers (1979), Nympha (1980), City After Dark (1980), Angkinin Mo Ako (1983), at marami pang iba.

Napanood din siya sa mga teleserye ng GMA-7 na Te Amo, Maging Sino Ka Man (2004), at Once Upon a Kiss (2015).

Orestes Ojeda, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

MANOLING MORATO

July 27 nang igupo ng COVID-19 ang dating chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Manuel “Manoling” Morato, sa edad na 87.

Nakilala si Morato sa pagsugpo ng mga “bomba films” habang pinamumunuan niya ang MTRCB simula 1986 hanggang 1992, sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino.

Naging board director din ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Morato.

Manoling Morato, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

MAHAL

Kumplikasyong dulot ng COVID-19 ang naging dahilan ng pagpanaw ng diminutive comedienne na si Mahal, o Noeme Tesorero, noong August 31.

46 years old lang si Mahal.

Sa GMA-7 umere ang huling teleserye ni Mahal na Owe My Love, na napanood simula February hanggang June.

Mahal, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

RAYMUND ISAAC

COVID-19 din ang ikinamatay ng celebrity photographer-visual artist na si Raymund Isaac noong September 4, sa edad na 58.

Ilang buwang na-confine si Raymund sa California Pacific Medical Center sa San Francisco, California bago siya tuluyang binawian ng buhay.

Kilala siya sa entertainment industry bilang photographer ng mga artista para sa fashion shoots, magazines, publicity, product endorsements, at movie posters.

Si Raymund ay malapit sa maraming celebrities, gaya ng Star for All Seasons na si Vilma Santos at Megastar Sharon Cuneta. Raymund Isaac, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

JANET BORDON

September 22 nang pumanaw ang dating aktres na si Janet Bordon sa edad na 61.

Cancer ang ikinamatay ni Janet, na ilang dekada nang naninirahan sa California sa Amerika.

Taong 1977 nang magsimula sa showbiz si Janet, kung saan bida kaagad siya sa una niyang pelikula, ang Ako si Emma, Babae!.

Bida rin si Janet sa Biyak Na Manyika (1979), 4 Na Maria (1980), Tatak Yakuza (1983), Virgin People (1984), at sa huling pelikula niyang Moises Platon (1988).

Janet Bordon, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

BIENVENIDO LUMBERA

September 28 nang sumakabilang-buhay ang 89-year-old na National Artist for Literature na si Bienvenido Lumbera dahil sa kumplikasyon ng stroke.

Isa sa mga nabilanggo noong martial law, si Lumbera ay isang literary critic at awtor ng mga textbooks, tulad ng Philippine Literature: A History and Anthology at Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions.

Isinulat din ni Lumbera ang musical dramas na kinabibilangan ng Rama Hari, Noli Me Tangere, Bayani, at Nasa Puso ang Amerika.

Bilang pangunahin niyang kontribusyon sa Philippine cinema, isa si Lumbera sa mga nagtatag ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, na nagkakaloob ng Gawad Urian.

Bienvenido Lumbera, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

HEBER BARTOLOME

Sakit sa prostate ang dahilan ng pagpanaw ng OPM legend na si Heber Bartolome noong November 15, anim na araw matapos niyang ipagdiwang ang kanyang 73rd birthday.

Si Heber, kasama ang mga kapatid niyang sina Jesse at Levi, ang nagtatag ng “protest band” na Banyuhay na naghatid sa mga Pilipino ng mga makabayang awitin.

Sumikat nang husto si Heber noong dekada ’70 dahil sa kanyang mga awiting “Nena” at “Tayo’y Mga Pinoy.”

Heber Bartolome, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

BERT DE LEON

November 21 nang pumanaw ang beterano at multi-awarded TV director na si Bert de Leon sa edad na 74.

Bagamat nagpositibo sa COVID-19 noong Oktubre, sunud-sunod ang pagkakaospital ni Direk Bert mula July ngayong taon dahil sa sakit sa puso.

Ilan sa mga TV projects ni Direk Bert ang Eat Bulaga!, Okay Ka Fairy Ko, 1 for 3, Daddy Di Do Du, Bubble Gang, at Pepito Manaloto.

Ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ang huling TV assignment ni Direk Bert, kung saan nakapag-taping pa siya para sa nasabing programa bago na-confine sa ospital dahil sa kanyang karamdaman sa puso.

Bert de Leon, celebrity deaths 2021

Continue reading below ↓

ARLYN DELA CRUZ

Limang araw bago ang Pasko, December 20, nang pumanaw ang broadcast journalist-filmmaker na si Arlyn dela Cruz matapos ang anim na taong pakikipaglaban sa colon cancer.

51 years old ang dating broadcaster ng ABS-CBN at Net25.

Taong 2014 nang sumabak sa filmmaking si Arlyn nang isulat at idirek niya ang indie movie na Maratabat ng taong iyon.

Si Arlyn din ang writer-director ng indie films na Bubog (2016), Tibak (2017), at Immaculada: Pag-ibig ng Isang Ina (2019).

arlyn dela cruz rip

Continue reading below ↓

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *