Entertainment

JC Santos letter for daughter on crying scenes in More Than Blue

Inamin ni JC Santos na pinakamahirap na project para sa kanya ang karakter na ginampanan niya sa pelikulang More Than Blue, na pinagbibidahan nila nina Yassi Pressman, Diego Loyzaga, at Ariella Arida.

Ang romance drama movie na ito ay adaptation mula sa South Korean movie na ipinalabas noong 2009 at pinangunahan nina Kwon Sang Woo (Stairway To Heaven), Lee Bo Young (I Can Hear Your Voice), at Lee Beom Soo (Prime Minister and I).

Kuwento ni JC, “Four days before we actually shot the film, medyo in-underestimate ko yung materyal.

“Tapos noong binabasa ko na siya, inaaral ko na every sequence, every line, dun ko sinabi, ‘Naku, in-underestimate ko yung materyal.’

“Naramdaman ko na yung weight ng bawat scene. Never ko pa itong nagawa na halos every sequence, may ibinibigay siya na napakabigat, napakahirap.”

Nakahanap ng paraan si JC para may mapaghugutan ng matinding emosyon — ang kanyang anak na si River.

Continue reading below ↓

Paliwanag niya, “It was well-written kaya paano kaya ito gagawin? Papaano ko mailalabas yung tamang emotions?

“Kaya nagkaroon ako ng kodigo. Gumawa ako ng letter for my daughter na every time na binabasa ko siya, kapag mabibigat ang mga eksena, it’s a letter na parang it’s my last letter to my daughter.

“Every time na binabasa ko yun, dun ako bumibigay,” ani JC.

JC Santos daughter River

Continue reading below ↓

Aminado si JC na malaki ang ipinagbago ng buhay niya mula nang magkaroon siya ng asawa at anak.

Ikinasal si JC sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Shy Herrera noong September 2019.

Mayroon silang one-year-old daughter na si River.

PREMIERE NIGHT OF BLuE MOON

Bukas, November 19, ang 33rd birthday ni JC.

Naging memorable ito dahil napanood niya sa wide screen ang Philippine adaptation ng More Than Blue.

Ang pagbubukas ng mga sinehan at muling maranasan ang pagdalo sa mga red-carpet premiere ng kanilang mga pelikula ang ilan sa kahilingan ng mga artista nang matagal magsara ang mga sinehan dahil sa coronavirus pandemic.

Isa si JC sa mga aktor na gustung-gustong manood ng mga pelikula sa sinehan. Natupad ito ngayong Huwebes ng gabi, November 18, sa bisperas ng kanyang kaarawan.

Nagkaroon kasi ng special screening ang More Than Blue sa Robinson’s Magnolia Cinema sa Quezon City.

Yassi Pressman and JC Santos in Blue Moon

Continue reading below ↓

Hindi magkakaroon ng theatrical run ang More Than Blue dahil ipalalabas ito sa streaming site na Vivamax simula ngayong hatinggabi, November 19.

Pero bonus para kay JC na ang pelikulang pinagbibidahan niya ang kanyang unang napanood sa muling pagbubukas ng mga sinehan.

Mahigpit na ipinatupad ang safety protocols sa mga dumalo sa special screening ng More Than Blue.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *