Entertainment

Jessy Mendiola prioritizes having a baby over TV career

Natagalan sumagot si Jessy Mendiola nang tanungin namin kung maituturing pa rin siyang Kapamilya actress.

“I am currently with,” saad ni Jessy na binitin muna ang sagot.

Sabay dugtong niya, “No one. Joke. Hahaha! No network. I’m a freelancer right now.”

Hindi raw nakakaramdam ng pressure si Jessy kung hindi man siya napapanood sa telebisyon ngayon.

“Uhm, yun nga po, I’m still enjoying my time na nagba-vlog. Hahaha! Pa-easy-easy lang. Ano po, e, I value my health more than anything.

“And aminin naman po natin, our industry medyo siyempre laging pagod at hindi mo rin naman maiiwasan kasi blessings iyan, e.

“But for me, mas gugustuhin ko na makakapahinga ako. Kasi even yung emotions ko naapektuhan po pag puyat ako, so hindi rin po siya healthy for me.

“So siguro po, paisa-isa.”

Ang huli niyang TV project ay ang lifestyle show sa TV5 na Fit For Life, na umere mula August to November 2020.

Continue reading below ↓

Napanood naman siya sa isang one-time hosting stint sa isang branded show na umere sa GMA-7 nito lang December 12, 2021.

Ayon kay Jessy, prayoridad nila ng mister na si Luis Manzano ang kanilang health bukod sa plano na rin nilang magkaroon ng baby.

Sabi pa niya: “Alam niyo, it’s funny ’cause a lot of people are pregnant. But I’m not pregnant, yet.

“I will definitely tell everyone. It’s good news, di ba? Bakit ko naman itatago?

“But I’m not pregnant yet, but we are planning soon. I just have to finish some commitments.

“Yes, but we are really hoping na magkaroon na kami ng baby.”

“Tingin ko next year po. ‘Tsaka sobrang yun na rin po ang naging plan namin…”

Humarap si Jessy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press sa kanyang contract signing bilang bagong celebrity endorser ng Cathy Valencia Advanced Skin Clinic noong November 24, 2021.

JESSY WANTS TO HAVE TWINS

Minsan nang nasabi ni Luis na gusto niya ng limang anak.

Biro namin kay Jessy, plano ba nilang bumuo ng basketball team?

“Ano ako? Aso?” natatawang sabi ni Jessy sa kagustuhan ni Luis na gusto nito ng limang anak.

Patuloy niya, “No, siguro mga three at the most. Kasi kami rin, e. Me, yung sisters ko, tatlo lang din kami.”

Type kaya ni Jessy na magkaroon ng baby twins?

Sagot niya, “Gusto ko nga, e. Sana po may twins. I think si Daddy Yo po ata may twin po, yung brother niya. So, may twins po siya na mga kapatid.

“So sabi ko kay Luis, yun nga, sana makuha natin yun.

“Pero sabi nila sa lahi ng girl most likely magkaroon ng twins.”

Ang tinukoy ni Jessy na Daddy Yo ay ang ama ni Luis na si Edu Manzano.

Kung papipiliin siya kung boy o girl ang baby nila?

Continue reading below ↓

“Sana po girl, but if boy po, it’s okay as long as healthy po yung baby,” ani Jessy.

Bakit girl?

“Maarte po kasi ako,” natatawang sabi ni Jessy. Gusto raw niya ng girl para masabayan ang trip niya.

“I really hope na daughter kasi siyempre may pagmamanahan yung mga pinaghirapan kong mga stuff.

“But it’s okay. Pag boy naman po, basta healthy, it’s very fine.”

May naisip nang pangalan sina Luis at Jessy if ever maging babae ang kanilang firstborn.

“Paiba-iba pa rin po. But, may Rose po kasi si Momskie is Rosa Vilma,” dagdag ni Jessy.

Hiling naman ni Luis na may Emma sa name ng kanilang future daughter ni Jessy.

Ani Jessy, “I think so. Si Luis po ang nagpili, e. Kasi si Luis gusto niya girl din po, e.”

ON TELLING LUIS TO SLOW DOWN

Inalam din namin ang mga pagbabagong napansin ni Jessy kay Luis mula nang sila ay magpakasal.

Continue reading below ↓

“Mas naging relaxed na siya now. Kasi, when he and I broke up ano e, palagi siyang nagmamadali. Nagmamadali siya in life. Sa trabaho, sa businesses.

“Yung parang hindi siya maka-slow down. Actually, it’s more of like, wala na siyang time for himself. Wala na siyang time magpahinga.”

Matatandaang umamin sina Jessy at Luis na naghiwalay sila noong May 2020, pero nagkabalikan din sila.

“Kaya siya medyo na-stress din noon, e, kasi, sabay-sabay yung pandemic, ABS-CBN closure.

“Maraming nangyayari kaya palagi siyang maraming ginagawa,” pagbabalik-tanaw ni Jessy.

Hanggang sa nag-propose si Luis kay Jessy noong October 2020, at ikinasal sila noong February 21, 2021.

Patuloy na kuwento ni Jessy: “‘Tapos finally, when we got married, I told him, ‘You know what? You have to slow down. You’re not getting any younger. You have to take care of your health.'”

Siniguro raw ni Jessy kay Luis na magkatuwang sila sa buhay, kaya hindi nito kailangang puspusang magtrabaho.

Continue reading below ↓

Sabi pa raw ni Jessy kay Luis: “‘You have to prioritize what you want for yourself. You’re okay na, e. And kahit mawala lahat iyon, huwag kang mag-alala, aalagaan kita.

“‘Kahit pa tuyo ang kainin natin every day, basta uminom tayo ng maraming tubig, gagawin ko lahat para sa iyo.'”

Sabi sa amin ni Jessy, “Siguro naman nakapag-ipon na rin ako kahit paano.”

Bukas si Jessy sa pagsasabi na hindi siya umaasa kay Luis para sa kanyang mga gastusin.

Malaki ang pasasalamat niya na kahit wala man siyang acting projects ay mayroon siyang pinagkakakitaang endorsements.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close