Entertainment

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Derek Ramsay Elias welfare

Sa unang pagkakataon ay nagbigay na ng mensahe si John Lloyd Cruz tungkol sa pag-iisang dibdib nina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Nitong nakaraang November 11, 2021, ikinasal sina Ellen at Derek sa isang mountain resort sa Bataan.

Si John Lloyd ay naging karelasyon ni Ellen mula third quarter ng 2017 hanggang August 2019.

Bigo man ang kanilang pag-iibigan, nananatili silang co-parents sa three-year-old son nilang si Elias.

Mailap si John Lloyd pagdating sa usaping love life, pero natanong siya tungkol dito ng batikang broadcaster na si Jessica Soho.

Sa Kapuso Mo, Jessica Soho episode na ipinalabas ngayong Linggo, November 21, makikitang kumportable silang nag-uusap ni Jessica sa tabing-dagat sa El Nido, Palawan, na itinuturing ni John Lloyd na “second home.”

Nagpasintabi si Jessica bago usisain si John Lloyd sa reaksiyon nito tungkol sa “ex-girlfriend” niyang kasal na.

Walang binanggit na pangalan si Jessica, pero malinaw na si Ellen ang tinutukoy nito.

Continue reading below ↓

“Finally, she found the one,” sagot ni John Lloyd.

Bago nagpatuloy ay ipinaliwanag ni John Lloyd na hangga’t maaari ay ayaw niyang magsalita tungkol sa naging relasyon nila ni Ellen dahil hiwalay na sila.

“You have to put it in context, and I have to be very careful because that’s her life.

“Nagsisimula at matatapos sa anak namin yung aking masasabi patungkol sa kanya or sa buhay niya.

“Kaya when talking about her, I need to be very careful,” paliwanag ni John Lloyd.

Pero siniguro niya na masaya siya para kina Ellen at Derek.

Sabi ni John Lloyd, “Siyempre, sincerely, I wish her all the happiness in the world.

“And I wish them both a strong and fun marriage.

“Kasi vital ‘yan sa welfare at sa growth ng anak ko.”

Bukas naman sa pagsasabi si Ellen na si John Lloyd ay “present father” pagdating sa anak nilang si Elias.

Maging si Derek ay nagpatunay na maayos ang co-parenting nina Ellen at John Lloyd.

Continue reading below ↓

WHY JOHN LLOYD’S PAST RELATIONSHIPS DIDN’T WORK

Pahapyaw ding inusisa ni Jessica si John Lloyd kung bakit bigo ang aktor sa mga relasyon nito sa tunay na buhay gayong sa mga pelikula ay madalas nakakatuluyan nito ang kapareha nito sa kuwento.

“Naku! Mahirap sagutin yung bakit,” napapangiting sagot ni John Lloyd.

“Pero ang maganda dun, totoo yung buhay ko. Hindi siya buhay ng isang pelikula lang.”

Hindi sinagot ni John Lloyd ang tanong ni Jessica kung nakailang nobya na siya.

Pero sa tanong kung bakit hindi nag-work ang mga relasyon niya noon, tila mahihinuha sa bitiw ng salita niya na hindi siya ang tipong nananatili sa bagay na tapos na.

“Sana alam ko yung sagot. Definitely it takes two to tango. Definitely nagkulang ako sa bawat pagkakataon sa bawat isa sa kanila.

“Kung hindi naman talaga nararapat, bakit natin ipipilit? Baka hindi pa siguro rin akma.”

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *