Entertainment

Joshua Garcia and Charlie Dizon, the next John Lloyd-Bea?

Pinag-uusapan ang bagong tambalan nina Joshua Garcia at Charlie Dizon bilang kapalit sa binakanteng trono ng dating Kapamilya stars na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Bago pa man magtambal sa unang pagkakataon para sa teleseryeng Viral Scandal ng ABS-CBN Entertainment, certified award-winning stars na sina Joshua at Charlie.

“Naku! Sino po ang nagsabi?” nabiglang balik-tanong ni Charlie.

“Siyempre, nakakakilig naman na marinig yun na naku-compare kami kay John Lloyd at kay Ms. Bea. Nakakahiya rin kapag nalaman nila yun. Parang nahihiya ako sa kanila.

“Pero thankful po ako na yun ang nakikita ng mga tao. At the same time, nakaka-pressure rin po. And sana rin makita nila talaga kami bilang Charlie and Joshua po.”

Sa parte naman ni Joshua, nagsisimula pa lang siyang umarte ay marami nang nagsasabing siya ang susunod na John Lloyd Cruz.

“Ilang beses ko na kasi narinig yun, e. Deja vu yung feeling.

“Kung sakali na ganoon talaga ang iniisip ng mga tao, kung sakali man na ganoon ang inisip nila, well siyempre, thankful si Charlie. Thankful din ako siyempre dahil mabibigat na mga artista yun, di ba?

Continue reading below ↓

“Kilala sa larangan ng pag-arte yun. So doon pa lang, masaya na talaga ako. Yun lang ang masasabi ko,” pahayag ni Joshua sa ginanap na Zoom mediacon ng Viral Scandal.

Viral Scandal

Binansagan din si Charlie bilang “pandemic star” ng 2021. Umpisa pa lang kasi ng taon ay nanalo na agad siya ng Best Actress award at magtatapos with a new project.

Continue reading below ↓

“Yes, sobrang grateful ko po sa lahat ng mga nangyayari,” sambit ni Charlie.

“Sobrang excited at kinakabahan pa rin siyempe. Everytime na naiisip ko na mag-i-air na kami kinakabahan pa rin ako. Pero sobrang excited po na mapakita namin talaga kung ano yung mga ginawa namin habang shinu-shoot namin itong Viral Scandal.

JOSHUA AND CHARLIE ON ESTABLISHING GOOD RAPPORT

Kahit unang beses pa lang nilang nagtrabaho together, nakuha rin agad ni Charlie ang kiliti ni Joshua para maging maganda ang kanilang relasyon sa set ng Viral Scandal.

Saad niya, “Paano ba? Siguro kapag pinakita mo lang na seryoso ka sa ginagawa mo, magseseryoso rin naman talaga kasi si Joshua. I mean, mature naman enough si Joshua para malaman yun.

“And siguro, kasi ako yung nag-i-start ng tsika talaga, e. So, doon lang din nalu-loosen up si Joshua kapag ako yung tsumitsika.

“Oo, like everyday tsintsek ko, ‘Good morning, Josh,’ kung okay siya. Yung mga ganyan, di ba? Or, kinukumusta ko rin siya agad just to know kung okey ba yung mood niya.”

Continue reading below ↓

Singit ni Joshua, “Binigyan mo pa ako ng spray, di ba?”

Sagot ni Charlie, “Yes, yung pampatulog na spray.”

“Nahirapan kasi ako matulog,” lahad ni Joshua.

JOSHUA AND CHARLIE ON FLESHING OUT THEIR ROLES

Kaabang-abang ang salpukan nina Charlie at Joshua ng galing sa pag-arte bilang dalawang kabataang masusubok ang relasyon dahil sa isang viral video sa pelikulang dinirek nina Dado C. Lumibao at Froilan Allan Leonardo.

Paano ang ginawang atake ni Joshua sa kanyang karakter sa Viral Scandal?

Kuwento niya, “Actually, doon ako pinaka-nahirapan kasi nga ang dami ko nang nagawang project.

“Pero dalawa pa lang, pangalawa pa lang ‘to na ginagawa ko na mayaman na nage-English, alam mo yun? Na by the book.

“Yung una kong pagganap ng ganoong karakter, medyo hindi ko siya nahimay nang maayos. Pero this time, mas na-immerse ko na siya nang maayos. So, dumaan ako sa maraming proseso.

“Binasa ko yung buong script, yung mga eksena ko lang. And nanonood ako ng maraming ano, about architects, kung paano sila magsalita.

Continue reading below ↓

“Kasi napansin ko sa kanila very passionate sila magsalita, e. Parang niraramdam nila yung sinasabi nila. Yung ganoong details lang ang pinag-aralan ko.

“And then sa set, konting adjustments na lang sa tulong ng direktor namin, si Direk Dado and Direk Froilan. Mas napapaganda pa nila. Ayun.”

JOSHUA AND CHARLIE ON THE DOWNSIDE OF SOCIAL MEDIA

Gaanong ka-relevant naman kaya para kay Charlie ang karakter niya sa nangyayari ngayon sa ating lipunan, lalo ngayong digital age o panahon ng social media?

Ani Charlie, “Gusto naming ipakitang message sa lahat na, lahat ng nai-involve sa ganoong isyu, hindi ganoong kadali ang pinagdadadaanan.

“And sana talaga maging nice na lang ang mga tao sa pagbigay nila ng opinyon. Kasi hindi lang yung mga taong involved sa nagba-viral ang naaapektuhan kundi pati yung buong environment. And sana, yun po ang maintindihan ng viewers natin kapag pinalabas na yung show.

“Maging maingat sa paggamit ng social media and other online platforms and sa pagpapakalat ng mga viral photos, videos, news. Kasi ang hirap ngayon dahil hindi na tayo nakakapagkita-kita in person. Dahil nga may pandemya pa.

Continue reading below ↓

“And kung puro negative ang nakikita natin, nakakadagdag talaga siya and nakakaapekto sa mental health ng bawat isa.

“And it’s not nice na nandoon tayo sa ganoong sitwasyon. Kaya sana po mas maging maingat ang tao sa paggamit ng online platforms.

“Yung sa mismong karakter ko na nakakaranas ng ganoon, kayanin talaga nila kasi hindi forever nangyayari yung ganoon.

“Kumbaga, habang may buhay, may pag-asa talaga. Kasi yun po, yung mapapanood ninyo talaga sa Viral Scandal na everyday lumalaban si Rita. Lahat po ng binabato sa kanya, nilalaban niya talaga. Kaya yun yun. Sana po makuha nila yung tapang na naranasan ng karakter ko sa Viral Scandal during nung journey na yun.”

May mga realization ba sila to be more careful now especially with every move they take and every post they upload dahil sa pagganap nila ng mga characters nila sa Viral Scandal?

“Ako talaga, ever since, hindi ako masyadong magamit ng social media. So kumbaga, ever since hindi rin ako ma-share ng opinion sa social media. Pero if I know na totoo at alam na alam ko yung sitwasyon, magsasalita ako,” pag-amin ni Charlie.

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Joshua, “Kasi if there’s one thing good about me, hindi rin ako mahilig mag-social media. Yun din ang maganda sa akin. Medyo aware ako na alam ko na medyo wild ang social media. Medyo wild ang mga tao doon.

“Well, so far, mas marami naman ang nagugustuhan at nagba-viral na magagandang news about me. And grateful ako na ganoon ang lumalaba sa akin. I mean, di ba, kapag masama pa ang lumabas sa akin, ang pangit. Hahaha.”

JOSHUA ON IVANA ALAWI

Speaking of viral, kinikilig pa rin daw si Ivana Alawi kapag nababanggit nito ang pangalan ni Joshua. Nakapag-usap na ba ulit sila ni Ivana at gaano kadalas?

Natawa muna si Joshua bago sumagot.

“Grabe, ang haba ng… update ‘to ah,” ngiti ni Joshua.

“Hindi pa kami ulit nakakapag-usap, e.

“So, usually kasi ang usap namin sa DM parang ano, e, like for example, nabisita niya yung story ko, nabisita ko yung story niya.

Continue reading below ↓

“Tapos, biglang nakaagaw ng atensyon ko. Nakaagaw ng atensyon niya. Tapos, ayun, yung ganoon lang. So, mga small talk lang din. Yeah, yun lang naman.”

JOSHUA AND CHARLIE ON SURVIVING SOCIAL MEDIA’S PREVALENT CANCEL CULTURE

Ano sa palagay ni Joshua ang pinakamatinding scandal na puwedeng mangyari sa kanya para ma-turn off totally sa kanya ang public?

“Makakansela lang siguro ako ng mga tao, hindi nila ako gtatanggapin yung hindi sila sumang-ayon sa ginawa ko, alam mo yun? Yung hindi sila, kumabaga, hindi nila gusto yung ginawa ko na masyadong, for example, naging racist,” paliwanag ni Joshua.

“Wala, yun lang,” buntung-hininga pa ni Joshua.

“I think makakansela lang talaga ako kung may gagawin akong masama na hindi nila magugustuhan at talagang maba-bother yung pagkatao nila na, ‘Bakit ninyo ginawa yun?’ parang ganoon. Yeah, I think yun lang.”

Sa palagay naman ni Charlie, puwedeng iwasan siya o i-cancel siya ng mga tao kapag may sinabi siyang hindi maganda.

Continue reading below ↓

Lahad niya, “Yung halimbawa, kasi ang bilis kong mag-isip masyado tapos nasabi ko bigla, parang ganyan. So, siguro yun po yung iniiwasan ko, yung maka-offend. Tapos, kumalat na ganoon na parang nabastusan sa akin, ganyan. Yun lang po siguro.

“Wala po akong maisip na scandal na puwedeng mangyari.

“Mabuntis? I mean, kapag nangyari naman po yun sa akin, sa tingin ko hindi naman po ‘yun scandal for me. Parang its meant to happen siguro. Ayun po.”

Nakilala bilang magaling na aktres si Charlie, di tulad ng ibang artistang sumisikat dahil lang may ka-love team. Para sa kanya, mas gusto ba niyang makilala bilang solo artist o may ka-loveteam gaya ni Joshua?

“Hindi naman sa popular on your own, pero siyempre maganda po na nare-recognize ako na ako… na sarili ko po. And kung ano naman po ang plano ng management, naniniwala po ako na ayun ang ikakabuti ko. Kaya kung may love team man ako or solo, okey lang po sa akin.

Continue reading below ↓

“Kay Joshua? Ay, why not naman po?! Kasi si Joshua nakakatulong naman po talaga siya,” pagmamalaki pa niya.

Makakakasama rin sa Viral Scandal sina Dimples Romana, Jake Cuenca, Miko Raval, Jameson Blake, Markus Patterson, Ria Atayde, Maxene Magalona, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada,Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces, at Aya Fernandez.

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *