Entertainment

Julia Barretto gives boyfriend Gerald Anderson a sweet kiss

Nilalanggam sa tamis ang mga litrato ng magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto na kuha nang magpunta sila sa Boracay.

Ngayong Martes, October 19, idinaan ni Gerald sa mga litrato ang paghayag kung gaano siya kasaya sa piling ni Julia.

Agaw-pansin dito ang picture kunsaan masuyong hawak ni Julia ang mukha ng nobyo sabay hinalikan ito sa pisngi. Sakay sila ng motor boat doon.

Continue reading below ↓

May selfie rin silang nakakunyapit si Julia sa braso ni Gerald habang nakaupo sila sa tabing-dagat.

Continue reading below ↓

Cute din ang litrato nila kunsaan nakasandal si Julia sa balikat ng nobyo.

Tatlong hearts ang tanging caption ni Gerald.

Sagot ni Julia sa comments section, “I [heart] you.”

Unang nag-post si Julia ng litrato kunsaan binigyan siya ng back hug ni Gerald.

Continue reading below ↓

Noong Marso 5, 2021 unang umamin si Gerald na magkasintahan sila ni Julia makalipas ang isang taon at walong buwang espekulasyon kung sila ba.

Mula noon ay naging bukas sila sa kanilang quality time together.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.

close