Entertainment

Kapuso artists optimistic amid transfer of stars from ABS-CBN

“Be grateful.”

Ito ang reaksiyon ng Kapamilya-turned-Kapuso na si Jose Sarasola tungkol sa paglilipat ng network ng mga artista.

Hindi daw niya iniisip ang competition, lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Paliwanag niya, “As long as people are moving for the right reasons, for work, you know, we all have to work, we all have to strive to be better and if a move to a different network will make you better and give you work, why not?

“So instead of worrying siguro about those who are coming, maybe you can have a different mindset, na parang open your heart and mind na parang it’s also a blessing na nakalipat sila.

“Be grateful na, you know, they are here for work as well and yeah, I guess pretty much just be thankful for what you have.”

Sang-ayon din siya sa idea ng self-improvement. Payo niya, “Instead of thinking like, ‘Uy, may lumipat na bago, parang challenging ‘to!’

Continue reading below ↓

“Parang it’s just more of yourself and think about yourself compared to siguro sa mga lumilipat. But then, at the end of the day, we just have to improve our craft. With me, sa cooking and eventually may konting acting, so kailangan mag-improve pa rin.”

Nabanggit naman ni Jose na masaya siyang makasama sa GMA ang ilang artistang dati na niyang nakasama sa ABS-CBN, tulad ng magkapatid na sina Rodjun at Rayver Cruz at si Edgar Allan de Guzman.

“Funny thing nga, like for the longest time, good friends ko kasi si Rayver tsaka si Rodjun, sila EA. They’ve been telling me for a long time, ‘Chef, bro, lipat ka na dito!’

“So I’m just grateful na I’m finally here and hopefully I get to work with my friends soon also.”

Para sa mga bagong contract artists ng GMA Artist Center, excited silang maging kapwa-Kapuso ang mga artistang lumipat sa GMA-7 mula sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilan sa kanila noong September 30, 2021 sa ginanap na Zoom mediacon pagkatapos ng Signed For Stardom, ang “biggest contract signing event spearheaded by GMA Artist Center.”

THE MORE, THE MERRIER

Masaya si Ashley Ortega na dumadami silang mga Kapuso.

Aniya, “I’m really happy na may mga artist na pumupunta dito [sa GMA]. Sabi nga nila, there’s a chance for you na makatrabaho sila which is you know, a good thing.”

Hindi rin daw niya sila tinitingnan bilang competition dahil para sa kanya, “we are one family, we are one team. So dapat hindi ganun kasi it gets in the way also if you feel like you know, you’re competing with other celebrities or you compare yourself.

“Ayoko kasi ng ganun. You know, kapag ganyan na may mga bigatin na mga artista mas nagpo-focus ako sa sarili ko on how to become better, on how to stand out.”

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “I’m just really grateful na palaki na nang palaki yung family sa GMA at tsaka mga bigatin at mga best actors and actress ang mga lumilipat dito.”

COMPETITION IS ESSENTIAL FOR GROWTH

Sa tingin naman ni Luane Dy, mahalaga ang competition para sa kanilang growth.

“Para sa akin, ang biggest competition mo lang naman talaga dito ay ang sarili mo. Masaya ako at sana magkaroon talaga ng chance na makatrabaho natin yung iba. Alam mo yun?

“Kasi parang… for me that’s how you grow as an artist. Di ba?

“Mas marami kang makakasamang bago, marami kang bagong matututunan din from them. Sana kahit papaano ganun din sila, may matutunan din sila from us.

“Ganun lang, and welcome to the Kapuso network,” ang tumatawang pagtatapos pa ni Luane.

THE CHANCE TO WORK WITH MORE STARS

Sabi naman ni Bryce Eusebio, “Ako po, I feel very happy po for GMA kasi siyempre mas marami pong mga dumadating na mga ‘bala’ nila.”

Continue reading below ↓

Karamihan sa kanila ay excited na makatrabaho ang mga bagong “bala” ng GMA-7.

Paliwanag ni Denise Barbacena, “Kasi ang una kong naiisip, another chance to work with another star. So iyon, very looking forward lang na mabigyan ng pagkakataon na makasama ko kung sinuman yung bago naming artist…

“So yeah, I just get excited and parang hoping ako na, ‘Sana maka-work ko, pero kung hindi, thank you!’

“Nai-starstruck din kasi talaga ako, kahit naman within the network, I have a lot of stars na gusto kong maka-work.”

Malaking bagay din kay Pauline Mendoza ang magkaroon ng opportunity na makatrabaho ang mga artistang iniidolo niya.

Pahayag niya, “Magbabanggit ba ako ng name na wish kong maka-work? Lagi kong sinasabi, ‘Oh my gosh, si Ms. Bea Alonzo!’ Why not, di ba?”

Masaya naman si Analyn Barro kapag may mga bagong lipat sa GMA.

“Siyempre po, pandemic ngayon, lahat tayo may work, so tulungan na lang po tayo. Happy po ako na nagkakaroon sila ng trabaho kasi hindi po biro na marami pong nawalan ng trabaho ngayong pandemic.

Continue reading below ↓

“Kaya po very, very thankful ako na at least lahat tayo nagkaka-work, lahat tayo nabibigyan ng opportunity.”

new kapuso stars on having competition

Aminado naman ang mga bagong Kapuso stars na may pressure din silang nararamdaman kapag naiisip na competition nila ang mga lumipat na artista mula sa kabilang network.

Punto ni Denise, “Yung competition naman, yung mga ganun hindi naman nawawala yun e, nandiyan na iyan simula pa lang so… di ba nga kahit sarili mo minsan kakumpitensiya mo, di ba?”

Dahil hindi naman talaga mawawala ang competition, iniisip na lang ni Pauline na tingnan ito bilang isang challenge.

Aniya, “For me, mas challenging siya and I think yung way na para ma-challenge mo din yung sarili mo is yun nga, you do better, you continue learning your craft, more on your craft, and maging magaling ka na artista and mabait na artista.”

Dagdag din ni Bryce, “I put the pressure on myself to work harder on my craft, to really work hard and to always make myself better, every second, every day, everytime. Iyon po, para mag-standout din po ako.”

Continue reading below ↓

Tulad ni Bryce, naka-focus si Analyn sa self-improvement. Pag-amin niya, “Ako naman po, hindi ko iniisip yung competition, wala akong iniisip na ganun. As long as I make myself better everyday, iyon po yung sa akin.”

Para naman kay Patricia Tumulak, hindi sila dapat ma-threaten sa mga bagong lipat na artista. Sa halip ay dapat magsilbi silang “inspiration and motivation, na parang lahat pumapasok na magagaling so you need to step up your game. Na kailangan sabayan mo.”

Dagdag pa niya, “It’s not even a competition pero parang mas mamu-motivate ka na, ‘Ay, mas may kailangan ka pang ibuga!’ or something…”

“Mas nakaka-inspire siya, to be honest.”

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *