Entertainment

Kim Atienza on bashers accusing him of taking a swipe at ABS-CBN

Hindi nangimi si Kim Atienza, o Kuya Kim, na sagutin ang bashers na nais palabasing wala siya utang na loob sa ABS-CBN.

Kaugnay ito ng espekulasyong nagpatutsada si Kuya Kim sa kinabilangan niya noong noontime show na It’s Showtime.

Nabigyan ng malisya ang mensahe ni Kuya Kim na nakaiwas sa sakit sa ulo si John Prats, na naitalagang isa sa mga direktor ng Kapamilya prime-time series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Hindi kaila sa Kapamilya viewers na si John ay direktor ng It’s Showtime — una ay para sa isang segment muna mula noong May 2021 at naging full-time noong July 2021.

Hanggang sa na-assign nga si John sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Bunsod nito ay pinutakti si Kuya Kim ng kung anu-anong mga salita mula sa bashers.

Sabi ng isang basher, “Sino si @kuyakim_atienza kung wala ang ABS na nagpasikat at nagpayaman sa kanya?”

Diretsahan itong sinagot ni Kuya Kim.

Aminado si Kuya Kim na nakilala siya dahil sa iba-ibang programa niya sa ABS-CBN sa loob ng 17 taon.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga kinabilangan niyang programa: TV Patrol, Matanglawin, It’s Showtime, at Umagang Kay Ganda.

Pero hirit niya, “Amen sa nagpasikat pero mayaman ang napangasawa ko way before ABS.

“Kuya Kim became known because of ABS yes.”

Ngayon ay nasa bakuran na ng GMA-7 si Kuya Kim.

Kuya Kim Atienza bashers

Ang asawa ni Kuya Kim na si Felicia Hung Atienza ay isang Taiwanese entrepreneur.

Continue reading below ↓

Siya ay president, CEO, at founder ng Chinese International School Manila mula 2007 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon pa sa linkedin ni Felicia, president at CEO rin siya ng Domuschola International School mula 2018 hanggang kasalukuyan.

Nagtapos si Felicia ng Finance & Multinational Management sa Wharton School ng University of Pennsylvania.

Noong November 3, nabanggit ni Kuya Kim sa isang mediacon na lahat ng kinikita niya sa GMA-7 ay ineentrega niya sa kanyang misis na si Felicia.

Kim Atienza wife Felicia

Continue reading below ↓

KUYA KIM ON ALLEGEDLY THROWING SHADE AT IT’S SHOWTIME

Nakarating din kay Kuya Kim ang feedback ng ibang netizens na nagsasabing may kinalaman ang kanya umanong pasaring sa pagiging malapit niya kay Bobet Vidanes.

Si Bobet ay creator at dating direktor ng It’s Showtime, pero lumipat sa karibal na programang Lunch Out Loud ng TV5 noong November 2020.

Noong October 2021, inamin ni Bobet na umalis siya sa It’s Showtime dahil “toxic” at “iba na ang patakbo” sa show.

Kaugnay nito, nilinaw ni Kuya Kim na wala siyang masamang intensiyon nang sabihin niyang “nakaiwas sa sakit ng ulo” si John na sa halip na magdirek ng It’s Showtime at tila magpopokus na sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Paliwanag ni Kuya Kim, “I didn’t mean anything negative w my comment.

“Being a friend of Direk Bobet, I know how difficult it is to direct a live show. Masakit talaga sa ulo, multitasking w a skeleton crew etc.

Continue reading below ↓

“I’m sure these haters have something good deep inside. Frustrated lang. Be safe everyone.”

Kuya Kim Atienza bashers

May isa pang netizen ang nagtanong kay Kuya Kim kung “toxic” nga ba sa It’s Showtime.

Sabi naman ni Kuya Kim, “Toxicity is present everywhere. Stay positive no matter what. #kuyakimanona

Kim Atienza It's Showtime toxic

Continue reading below ↓

Naniniwala si Kuya Kim na maiintindihan lamang ang “context” ng kanyang comment tungkol sa bagong assignment ni John sa ABS-CBN kung “unbiased” ang isip ng nagbasa nito.

Kuya Kim Atienza bashers

ON HANDLING BASHERS

Sa kabilang banda, may supporters din si Kuya Kim na nagtanggol sa kanya sa social media.

Siniguro ng TV personality na hindi niya dinidibdib ang mga batikos sa kanya dahil sa isyu.

Continue reading below ↓

Ani Kuya Kim, “I’m sure these haters have something good deep inside. Frustrated lang.”

Kuya Kim Atienza bashers

Nag-offer na lang din si Kuya Kim ng virtual hug sa isang basher na burado na ang tirada sa kanya.

Kim Atienza basher

Continue reading below ↓

Si Kuya Kim ay naging certified Kapuso mula noong October 4. Bahagi siya ng 24 Oras at Mars Pa More ng GMA-7 at Dapat Alam Mo! ng GTV.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.




Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *