Entertainment

Kris Aquino Mel Sarmiento super private wedding

Hindi magiging grandiyoso ang nalalapit na kasalan sa pagitan nina Kris Aquino at dating Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Mel Sarmiento.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Kris sa isa niyang follower sa Instagram kahapon, November 9, 2021.

Sa bagong post ni Kris sa Instagram, kung saan nagpasalamat siya sa isang floral arrangement company, naghayag ang isang netizen ng kanyang paghanga sa TV host.


Dagdag pa ng netizen, excited na siya sa araw ng kasal ni Kris kung saan inaasahan nito ang engrandeng okasyon.

Buong komento ng netizen, “I super love ms kris but now kris (heart emoji) mel na god bless you both anticipating your grandest wedding entrance ms kris excited much.”

Netizen looks forward to Kris Aquino's wedding

Continue reading below ↓

Magiliw naman siyang sinagot ni Kris.

Ayon sa actress-endorser, sobrang simple lamang ang plano nilang kasalan ng fiancé.

Tugon ni Kris, “I don’t mean to be a spoiler nor disappoint you but our wedding is going to be TINY and super private.

“No entourage. No wedding planner. Totally not what you’re expecting.”

Kris Aquino gives details of her upcoming wedding

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram post noong November 7, ikinuwento ni Kris na dumalo sila ni Mel sa isang kasalan na humantong sa kanilang first date.

Pagkagaling sa kasalan, medyo matrapik kaya nagdesisyon silang dumaan muna sa isang fast food chain na dating iniendorso ni Kris.

Suot pa rin ng dalawa ang kanilang damit nang pumunta sa kasal—gown para kay Kris at barong Tagalog ang kay Mel.

Sabi ni Kris, ang saya raw pala ng buhay ng isang normal o regular na tao.

Bahagi ng caption ni Kris, “It was more than 3 hrs to get back kaya nag stop sa fast food and it’s been YEARS since i’ve entered that particular brand and after the pandemic naaliw sa kin everyone with me especially Mel, because i said ang sarap maging normal, regular person.”

Masasabi raw ni Kris na ito ang “first date” nila ng fiancé.

Inanunsiyo ni Kris ang engagement nila ni Mel noong October 24, 2021.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.




Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *