Entertainment

Life story of Racz Kelly, former Pinay caregiver in Canada

Diskarte ang ginamit ng isang overseas Filipina worker (OFW) sa Canada para makabili siya at ang kanyang asawa ng bahay roon.

Isang dekada nang nagtatrabaho at naninirahan bilang permanent resident doon si Racz Kelly.

Nagsimula siya bilang nanny hanggang maging office worker at vlogger.

Ngayon, may asawa na siya’t mga anak at naninirahan sa Chilliwack, Canada.

May sarili na rin silang bahay at nakabili pa ng condo property, na tinatawag doong rental property.

Nakapanayam si Racz ni Rhea Santos sa Omni News Filipino Edition noong October 14, 2021.

Aniya, laki raw siya sa hirap sa Pilipinas, “Lumaki ako sa bundok doon sa amin, sa Capiz. And then walang kuryente, walang tubig.”

Pero ang kahirapam ang nagsilbing motivation kay Racz para tuparin ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Dumating siya sa Canada noon 2010 at nagsimula bilang caregiver.

Kalaunan, naging permanent resident siya roon bago pa niya nakilala ang mister na si James.

Continue reading below ↓

Diin pa ni Racz, nakamit niya ang kanyang mga nais sa sariling sikap, hindi dahil sa kanyang pag-aasawa ng residente doon.

Aniya, “A lot of people think na kapag nakapag-asawa ka ng foreigner nakadepende ka sa kanya, or you reached that kind of life because of him.

“But I’m really thankful for what we have. Pero masasabi ko na we really started from the scratch. We really started from the bottom.”

racz kelly

Nagsimula sila bilang renters sa Canadian ng $800 (o PHP30,000) kada buwan. May iba rin silang kasama sa bahay na kanilang nirerentahan.

Kalaunan hinangad nilang mag-asawang magkaroon ng sariling bahay. Nagdesisyon silang magdoble kayod para matupad ito.

Kuwento ni Racz, “Pag nagre-rent ka, you’re paying somebody else’s mortgage, di ba? So, sabi namin, ‘Sige, mag-ipon tayo.”

Dahil isang math teacher sa Pilipinas, tinutukan ni Racz ang pagba-budget.

Ang unang step ay kinailangan nilang mag-ipon ng pang-down payment para sa bibilhing property.

“If we live on one income, we would be able to save faster,” ani Racz.

Kaya ang suweldo ng kanyang asawa ang inilaan para sa kanilang mga gastusin, habang nagdoble-kayod naman si Racz.

“Yung income ni James, enough siya para sa rent, para sa bills.

“And yung income ko is enough siya para makapagpadala sa Philippines, para makapag-save kami.

“I had two jobs that time, kasi nakadepende sa akin kung gaano kalaki yung masi-save namin. So, I had two jobs that time. So, nag-office ako saka nag-casino.”

Continue reading below ↓

Makalipas ang isang taon, nakapag-ipon sila ng $25,000 (PHP970,000), na higit pa sa five percent na pang-down payment sa target property nilang nagkakahalaga ng $200,000 (PHP7.8 million).

Nakahiram din sila sa bangko dahil sa kanilang magandang credit history.

Hindi rito nagtatapos ang pagkamadiskarte ni Racz.

Kumita siya nang ibenta nila ang nabiling resident property matapos nila itong tirhan ng three years.

“It was listed for $375,000 [PHP14.6M] but there was a bidding war, and inabot siya ng $441,000 [PHP17 M] from $188,000 [PHP7.3 M].

“So, we made $253,000 [PHP9.8 M] on that for three years na nakatira kami diyan sa condo.”

Sa kanyang mga post, ibinabahagi ni Racz na inaral niya ang property investment.

Pero patuloy pa raw siya sa pag-aaral dahil magagamit niya ito bilang dagdag kaalaman.

Nabanggit din sa balita ng Omni Filipino na ayon sa isang real-estate brokerage provider, “financially beneficial” sa Canada ang bumili na lang ng bahay kesa mag-rent, lalo na kung makapagbibigay na ng 20 percent down payment.

Continue reading below ↓

Kaya naman hinihikayat ang mga residents doon na mag-ipon habang bata pa.

Sa kasalukuyan, sina Racz ay nakatira sa isang six-bedroom house at nakapag-invest na rin sila sa isang one-bedroom condominium unit.

racz kelly

A glimpse of Racz’s condo rental property in Canada.

Bukod pa rito, nabigyan na rin niya ng magandang buhay ang kanyang ina na nasa Pilipinas. Naipagpatayo na rin niya ito ng bahay.

Continue reading below ↓

“Hindi ko rin naisip talaga na darating ako sa punto na ganito,” ani Racz.

Tatlong beses na ring nakabisita sa Canada ang kanyang ina.

“Naniniwala din ako na if you love your parents, parang bine-bless ka rin.

“Kasi, sabi ko nga, hindi ako nag-asawa hangga’t hindi ko nabibigyan ng magandang buhay ang nanay ko.”

Samantala, sa kanyang mga video blogs, madalas mag-share si Racz ng kanyang mga paghihirap at tagumpay bilang OFW.

Sa isang dekada niya sa Canada, labinlimang trabaho na ang kanyang pinasukan.

Nagsimula nga siya bilang live-in caregiver, na ang tawag din ay nanny.

Pero naging all-around siya sa bahay dahil hindi lang pag-aalaga ng bata ang kanyang ginagawa kundi pati na rin ang paglilinis, pagluluto, pamamalantsa.

Aniya pa, taon ang binilang niya bilang caregiver. Kalaunan, hinanapan siya ng mga side jobs ng kanyang amo.

Namasukan siyang part-time sa paglilinis ng mga bahay ng mga kaibigan ng kanyang naging amo.

Continue reading below ↓

Kalaunan, hinanapan siya ng kanyang amo ng office work.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.