Entertainment

LJ Reyes on communicating with Paulo Avelino, Paolo Contis

Ang ex-boyfriend ni LJ Reyes na si Paulo Avelino, hindi ang former live-in partner ng 33-year-old actress na si Paolo Contis, ang nakipag-ugnayan sa kanya nang pumunta sila sa New York ng kanyang mga anak na sina Aki at Summer.

Si Paulo ang ama ni Aki, ang 11-year-old love child nila ni LJ; samantalang si Summer ang bunga ng pakikipagrelasyon ng aktres kay Paolo.

Ikinuwento ni LJ ang komunikasyon nila ni Paulo sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda nang magpunta ang veteran TV host sa New York noong unang linggo ng October 2021.

Continue reading below ↓

“We’re not friends, friends na parang every day nag-uusap, but he’s been there for Aki naman.

“He’s been in touch, especially… siya yung nag-message sa akin. Siya ang nag-send sa akin ng message.

“Nagsabi lang siya na, parang, ‘I know you’re going through a very difficult time.’

“At siyempre, ang iniisip niya rin is si Aki, and if anything daw that I need when it comes to Aki, I can always tell him,” kuwento ni LJ tungkol sa palitan nila ng mensahe ni Paulo.

Apat na taon tumagal ang relasyon nina LJ at Paulo bago sila naghiwalay noong 2013.


Continue reading below ↓

“NO EFFORTS” FROM PAOLO

Tinanong ni Boy si LJ kung gumawa na si Paolo ng paraan upang magkausap sila,

Mabilis na tugon ni LJ, “No, Tito Boy, no efforts.”

Mahaba naman ang pahayag ng aktres nang mapag-usapan ang pagpapatawad niya kay Paolo, na anim na taon niyang minahal.

Aniya, “It’s a work in progress.

“Ipinagdadasal ko na mapatawad ko siya because I know that if I don’t forgive him, this very dark emotion will just eat me up and I won’t be able to move on with my kids, move forward with my kids nang maayos.

“Yung walang galit o walang… siyempre may pain. I mean, hindi pa mawawala yun.

“But for me to make… at least, decent decisions or decisions that will benefit my kids.

“I really have to set aside all those negative emotions, which is very difficult, Tito Boy.

“Every day, I always pray na sana kapag gumawa ako ng desisyon, it will always be based on God’s will or kung ano yung makakabuti sa mga anak ko.

Continue reading below ↓

“I really do believe that I really have to forgive, not forget, not forget but forgive.”

Mapapanood sa The Interviewer ng The Boy Abunda Talk channel sa YouTube ang exclusive interview ni Boy kay LJ.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *