Entertainment

Lucy Torres criticized for invoking God in support of Marcos Jr.

Naging bukas si Leyte Fourth District Representative Lucy Torres-Gomez sa paghayag ng paghanga kay presidential candidate Ferdinand Marcos Jr.

Si Marcos Jr. ay kilala rin sa kanyang palayaw na Bongbong o BBM.

Noong January 15, 2022, nakapanayam si Marcos Jr. sa Point of Order, ang programa nina Lucy at Anakalusugan Representative Mike Defensor na umeere sa SMNI News Channel.

Ang SMNI News Channel ay broadcasting arm ng Kingdom of Jesus Christ. Ito ay pinamumunuan ng evangelist na si Apollo Quiboloy, na nitong 2021 ay inakusahan ng sexual abuse umano ng ilang followers sa U.S.

Sa programa, pinuri ni Lucy si Marcos Jr. sa mga plano nitong bumuo ng ahensya para sa disaster resilience, pagsuporta sa small enterprises, at pagpapalakas ng agrikultura na mga bahagi raw ng plataporma nito.

Tingin ni Lucy, may “clear grasp” si Marcos Jr. sa local at national issues.

Hanggang sa bago matapos ang panayam, sinabi ni Lucy na kaya “most villified,” o pinakamaraming bashers, si Marcos Jr. ay dahil “most popular” ito sa mga presidential candidates.

Continue reading below ↓

“The matter of presidency,” dagdag pa ni Lucy, “it’s really an act of destiny. It’s one of those things that only God knows and only time will tell.

“And I would just like to say that if it’s in God’s plan for BBM to be our next president, may you be one of the best this country has ever had.

“I wish you well. I wish you every success.”

Nakangiting pahayag din ni Lucy, “And like I said in the past, Senator BBM, you being the most villified, perhaps, also because you are the most popular, for every curse a blessing.”

HOT STORIES

MARCOS JR. SUPPORTERS

Sa Twitter world, nagpasalamat ang supporters ni Marcos Jr. sa magagandang sinabi ni Lucy tungkol sa presidential candidate.

Sana raw ay magkatotoong manalo ang kanilang kandidato sa May 2022 elections.

Ferdinand Marcos Jr., Lucy Torres

Continue reading below ↓

Ferdinand Marcos Jr., Lucy Torres

Gusto rin nila ang sinabi ni Lucy na “for every curse a blessing” para sa mga bumabatikos kay Marcos Jr.

Ferdinand Marcos Jr., Lucy Torres

Continue reading below ↓

Ferdinand Marcos Jr., Lucy Torres

Paniwala pa ng isang netizen, matalino si Lucy kaya alam nito kung sino ang dapat kampihan sa presidential race.

Ferdinand Marcos Jr., Lucy Torres

Continue reading below ↓

dismayed NETIZEN to LUCY: “pati ba naman diyos? Get real!!!”

Pero marami rin ang dismayado at umalma sa pinagsasabi ng congresswoman.

Wala raw sa hulog ang mensahe ni Lucy na kaya “most villified” si Marcos Jr. ay dahil ito ay “most popular” sa mga kandidato.

Katuwiran ng netizen, “Hindi paninirang-puri kung ang ibinabato kay bbmjr ay katotohanan. Pagwawasto iyon. Pagtatama ng maling paniwala.

“Huwag sanang isipin ng tulad ni Lucy Torres na bini-villify si BBM kung isinisiwalat ang totoo.

“Kapakanan ng bayan natin ang nakataya dito.”

Lucy Torres, Ferdinand Marcos Jr.

Continue reading below ↓

Halos ganito rin ang mensahe ng isa pang netizen na kontra sa pahayag ni Lucy, na misis ng actor-politician na si Richard Gomez.

Hindi raw maitatanggi ang kasalanan ng pamilya Marcos sa Pilipinas.

“Listing down their numerous sins and crimes against our country is not villifying them. We’re just stating facts,” paninindigan ng netizen.

Lucy Torres, Ferdinand Marcos Jr.

Continue reading below ↓

Ipinunto rin ng isa pang netizen na maraming biktima ng human rights violations noong martial law na idineklara ng ama ni Marcos Jr, si President Ferdinand Edralin Marcos.

“Imbes na pakinggan natin ang mga tulad ni Jonvic Remulla at Lucy Torres, mas pakinggan natin yung mga biktima ng human rights violation noong Martial Law at mga kapamilya ng mga desaparacidos.

“Tingnan natin kung sasabihin din nila na destiny ng anak ng diktador maging Pangulo.”

Desaparacidos ang tawag sa mga taong bigla na lang nawawala nang wala man lang bakas. Sila ay tinatayang biktima ng estado mismo.

Lucy Torres, Ferdinand Marcos Jr.

Continue reading below ↓

Ikinagulat din ng iba pang netizens ang pagsuporta ni Lucy kay Marcos Jr. Hindi raw nila maintindihan kung bakit ang isang napakagandang mukha ay magkakaroon ng kakaibang utak at budhi.

Lucy Torres, Ferdinand Marcos Jr.

Lalo pa, hindi raw dapat ginamit ni Lucy ang Diyos sa opinyon nito.

Lucy Torres, Ferdinand Marcos Jr.

Continue reading below ↓

“Pati ba naman Diyos? Get real Lucy Torres!!! I lived the Martial law era. Duterte and BBM could be the nightmare we want to avoid,” dagdag pa ng isang netizen.

Lucy Torres, Ferdinand Marcos Jr.

Pinaalala naman ng isang netizen na ang pagiging presidente ng bansa ay hindi “destiny” kundi “katungkulan” para sa isang “karapat-dapat” na lider na “malayang hinirang ng mga mamamayan ayon sa takda ng saligang batas.”

Continue reading below ↓

Lucy Torres, Ferdinand Marcos Jr.

MARCOS SR. DICTATORSHIP

Naharap sa mga reklamong human-rights violations at plunder ang administrasyon ng yumaong ama ni Bongbong na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Marcos Sr. ay naupo sa puwesto bilang Presidente sa loob ng 21 taon, mula 1965 hanggang 1986.

Tinaguriang diktador ang nakatatandang Marcos gawa ng batas militar na ipinatupad nito mula September 21, 1972 hanggang January 17, 1981.

Continue reading below ↓

Bagamat 1981 ang official lifting ng martial law, nanatili ang mga Presidential Decrees ni Marcos hanggang 1986.

Napatalsik ang diktadurya ni Marcos nang maganap ang makasaysayang EDSA Revolution o People Power noong February 1986.

Inilikas siya ng gobyerno ng Estados Unidos papuntang Hawaii upang makaligtas sa poot ng mga taong dumagsa sa Malacañang.

Mula 1972 hanggang 1981—ayon sa 1982 report ng Amnesty International—70,000 katao ang ikinulong, 34,000 ang tinorture, at 3,240 ang pinatay sa Pilipinas.

Ang Amnesty International ay isang non-profit global movement ng mahigit 7 milyong kataong nangangampanya para sa isang mundo kunsaan ang human rights ay tinatamasa ng lahat.

DISQUALIFICATION COMPLAINT VS MARCOS JR.

Sa kasalukuyan, nahaharap si Ferdinand Marcos Jr. sa mga reklamong dapat siyang madiskwalipika sa pagtakbo bilang presidente ngayong 2022 elections.

Una na rito ang petisyong kanselahin ng Commission on Elections (Comelec) ang kanyang presidential candidacy dahil daw nagsinungaling si Marcos Jr. nang ilagay nito sa Certificate of Candidacy (COC) na hindi siya naharap kailanman sa perpetual disqualification sa anumang puwesto sa gobyerno.

Continue reading below ↓

Sa petisyong inihain ng grupo ni dating Supreme Court spokesperson Ted Te, nakasaad na hindi eligible si Marcos Jr. para sa anumang government position dahil siya ay maituturing na “convicted criminal.”

Nahatulang makulong si Marcos Jr. dahil sa salang tax evasion, ayon sa desisyon ng Quezon City Regional Trial Court noong 1995.

Pinawalang-sala siya sa tax evasion ng Court of Appeals noong 1997, pero hinatulan pa rin siyang makulong dahil sa hindi pagbayad ng income tax returns (ITRs) mula 1982 hangang 1985. Noong panahong iyon (1982-1985) ay nanunungkulan si Marcos Jr. bilang vice governor at governor ng Ilocos Norte.

Nitong Lunes, January 17, 2022, ibinasura ng Comelec Second Division ang petisyon ng grupo ni Te dahil sa teknikalidad.

Ayon sa Comelec, noon lamang January 1, 1986 naipatupad ang Amended National Internal Revenue Code (NIRC) na nagpapataw ng “perpetual disqualification” para sa public officer na nahatulan ng tax evasion case.

Ibig sabihin, hindi pasok sa probisyon ng batas na iyon ang mga hindi nai-file na 1982, 1983, at 1984 ITRs ni Marcos Jr..

Continue reading below ↓

Noong November 2021, ayon sa ulat ng The Philippine Star, nagsumite sa Comelec ng depensa ang partido ni Marcos Jr., ang Partido Federal Ng Pilipinas (PFP), na ang hindi nito nai-file na 1985 ITR ay hindi rin pasok sa probisyon ng Amended National International Revenue Code.

Sinabi ng PFP sa Comelec na ang schedule ng filing para sa 1985 ITR ni Marcos Jr ay papatak ng April 1986. Sa puntong iyon ay hindi na raw nanunungkulang Ilocos Norte governor si Marcos Jr. dahil sa napatalsik ang pamilya Marcos sa kanilang mga puwesto sa gobyerno dahil sa People Power Revolution.

Balik sa kasalukuyan, hindi pa rin sumusuko ang grupo ni Te na nakatakdang iapela ang kaso sa Comelec en banc.

Sabi sa bahagi ng opisyal na pahayag ng grupo ni Te nitong January 17, 2022, hindi ito sang-ayon sa Comelec ruling na walang mali sa representation ni Marcos Jr. sa ipinasa nitong COC.

Continue reading below ↓

Pinaalala rin ng grupo na hindi pa executory ang resolution ng Comelec habang nakabinbin ang ihahain nilang motion for reconsideration.

OTHER PENDING DISQUALIFICATION CASES AGAINST MARCOS JR.

May isa pang consolidated disqualification case na kinahaharap si Marcos Jr.. Isinampa ito ng grupo ng martial-law survivors na pinangunahan ni Boni Ilagan, isang playwright at tortured political prisoner, at ng grupong Akbayan Citizen’s Action Party.

May kinalaman pa rin ito sa reklamong si Marcos Jr. ay pasok sa “perpetual disqualification” sa anumang puwesto sa gobyerno dahil sa hatol sa kanyang hindi pagbayad ng buwis at hindi pag-file ng ITRs.

Nagsampa rin ng reklamong disqualification laban kay Marcos Jr. si Abubakar Mangelen, na nagpakilalang “duly elected chairman” ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Ayon kay Abubakar, “unauthorized, defective, invalid, and void” ang Certificate of Nomination and Acceptance at endorsement ng PFP kay Marcos Jr. bilang standard bearer ng partido.

Bukod sa hindi raw pirmado iyon ni Abubakar bilang “chairman” ng partido ay marami raw sa mga miyembro ng PFP ang wala rin umanong kaalam-alam sa pag-endorso kay Marcos Jr.

Continue reading below ↓

Nakatakdang maglabas ng resolusyon ang Comelec hinggil sa mga nabanggit na kaso.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published.