Entertainment

Maja Salvador says “every day is still a process” after leaving ABS-CBN

May kurot sa puso ang pagsasabihan ng “I miss you!” nina ABS-CBN field reporter Mario Dumaual at Maja Salvador sa Beautederm mediacon noong Nobyembre 25, Huwebes, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Tanong ni Mario, “O, Maja, ang dami na nating pinagdaanan, ‘no? The struggle, the last two years, ang daming nangyari sa ‘yo. Paano mo ia-assess ang status mo ngayon, yung buhay mo ngayon, as a… well, as an individual more in control of her career?”

Humugot nang malalim na buntong-hininga si Maja, “Ahhmm, ano pa rin ako… every day it’s still a process for me.

“May proseso pa rin sa akin yung… ahhmm… of course with 18 years with ABS-CBN, very grateful.

“And hindi naman natin winish na mangyari kung ano ang nangyari sa ABS, di ba? Tapos… so yun.

“Kung nasaan man ako ngayon, I am thankful. Blessed ako, grateful ako kung ano man ang shows na ginagawa ko.

Continue reading below ↓

“But still, every day is a process pa rin for me. Yung acceptance… kung nasaan. But I am happy.

“Kasi… siguro po, sa 18 years ko na yun sa industriya, nandun na yung mga experiences ko at may mga taong nagtitiwala sa akin kaya di po ulit tayo napapabayaan ni God.

“Kaya andami rin pong mga offers, ganyan.

“So, yun… masaya, grateful, but still nandun pa rin tayo sa… paggising mo, proseso. ‘Ah, oo nga pala.’ Ganun.”

BUILDING HER OWN EMPIRE

Tuluy-tuloy pa rin ang Niño Niña series ni Maja sa TV5. Nagtatag sila ng kasintahang si Rambo Nuñez ng Crown Artist Management, at nasa pangangalaga nila ang career ni John Lloyd Cruz.

Kumbaga, Maja is on her way building her own empire.

Napangiti ang aktres, “’Yan po ang goal nating lahat. Gagayahin ko na si Miss Rhea [Anicoche Tan, CEO ng Beautederm].

“Nag-put up po kami ng sariling management, yung Crown Artist Management. And yun, very happy ako.

Continue reading below ↓

“Proud ako sa team namin sa management. Si Crown Artist Management, kumbaga, nabuo po yun dahil sa pandemic.

“Dahil sa mga nangyari, and para makatulong tayo. Yun, nabuo ang Crown, para din lang tumulong.

“May mga nawalan ng trabaho sa ABS, and so, yung mga nawalan ng trabaho, nagsama-sama, nagsanib-puwersa.

“And yun, may magandang… kumbaga, minsan iisipin na lang po natin, na ang hirap ng pandemic pero may mga magagandang nangyari rin.

“So, yun. Nagiging optimistic pa rin kami sa mga puwedeng mangyari.”

SILVER LINING

Nagka-silver lining si Maja sa nakaraang dalawang taon…

“Siguro po, tayong lahat,” malumanay na lahad ni Maja, na tila tinitimbang nang lubos ang bawat salita.

“In general, ganun na lang, oo. Di rin ako nakatakas kahit sobrang masayahing tao ako, minsan talaga aatake sa ‘yo yung mga… ganun, anxiety attack. Yung ano…

“Kasi, may mga bagay sa buhay natin na hindi natin makokontrol. Pero kapit lang talaga sa Kanya!

Continue reading below ↓

“And yun, totoo yung may mga nangyayari na mga bagay-bagay na may rason kung bakit nangyayari.”

Kapag nagkaka-anxiety attack si Maja sa madaling-araw, nagte-text daw siya sa mga handler niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *