Entertainment

Mama Susan, A Hard Day, Deception possible MMFF 2021 entries

Kung ang multi-awarded director na si Chito S. Roño ang tatanungin, gusto niyang isali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 ang kanyang mystery-thriller movie na Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, na produksiyon ng Regal Entertainment Inc. at pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Angie Ferro.

Tapos na tapos na ang pelikula ni Chito na inumpisahan ang shooting bago idineklara ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon noong March 15, 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

Ang Philippine adaptation ng 2014 blockbuster South Korean movie na A Hard Day, na tinatampukan ni Dingdong Dantes at ni 78th Venice Film Festival best actor John Arcilla, ang plano ng Viva Films na isali sa film festival na mag-uumpisa sa December 25, 2021.

Si Mark Anthony Fernandez ang nagbalita sa Cabinet Files na malaki ang posibilidad na ilahok sa MMFF 2021 ang Deception, ang reunion movie nila ng kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto.

Nagpahiwatig naman si Janno Gibbs na maaaring maging official entry sa MMFF 2021 ang Mang Jose, The Movie, ang superhero comedy movie na pinangungunahan nila ni Manilyn Reynes.

Continue reading below ↓

Hindi na isasali sa December 2021 filmfest ang Yorme, The Isko Domagoso Story. Ayon sa Facebook post ng direktor ng pelikula na si Joven Tan, magbubukas sa mga sinehan sa December 1 ang pelikula tungkol sa buhay ni presidential aspirant at Manila City Mayor Isko Moreno.

Sina Xian Lim at McCoy de Leon ang mga bida sa Yorme.

Unti-unti nang ibinabalik sa normal na sitwasyon ang local movie industry sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila sa November 10 na suportado ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).

Noong October 27, inilabas ng CEAP ng listahan ng mga sinehan sa Metro Manila na magbubukas at magpapalabas sa mga pelikula na opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Ito ay ang mga sumusunod: Bonifacio High Street Cinemas ng Central Square, Uptown Mall, at Venice Mall sa Taguig City; Century Mall, Circuit Mall, Glorietta 4, at Powerplant Mall sa Makati City; Cinerama at Lucky Chinatown Mall sa Maynila; Cloverleaf Mall, Eastwood Mall, Fairview Terraces, Gateway Mall, at Fisher Mall sa Quezon City; Festival Mall sa Muntinlupa City; Fishermall sa Malabon City; Greenhills Cinemas at Santolan Town Plaza sa San Juan City; Manila Bay Mall sa Parañaque City; at Newport Mall sa Pasay City.

Continue reading below ↓

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *