Entertainment

Manny Pacquiao wants face-to-face presidential debate

Nais ng presidential aspirant at senador na si Manny Pacquiao na harapan ang gagawing debate sa lahat ng mga tumatakbong presidente para sa 2022 national elections.

Dahil sa COVID-19 pandemic, nauso na ang online classes, meetings, meet-ups, presscons, seminars, at debates.

Ngunit sa panayam sa Pambansang Kamao sa Baguio na naiulat ng GMA News Online ngayong Martes, October 26, sinabi nitong ayaw niya ng online debate dahil handa siya para sa harapang debate.

Wala raw siyang ikinakatakot dahil alam niya ang kanyang pinasukan.

Giit niya, “Personal. Face-to-face, bakit online? Ano, natatakot sila?

“Wag na online-online para magkaalaman… Sinasabi ko sa inyo, hindi ako papasok dito kung di ko alam gagawin ko.”

Hinahanda na raw ni Pacquiao ang kanyang sarili para sa salpukan ng kuro-kuro sa anumang usapin sa mga tumatakbong kandidato sa 2022.

Bukod kay Pacquiao, may lima pang kakandidato sa pinakamataas na posisyon sa bansa sa 2022.

Ito ay sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Senator Ping Lacson, former Senator Ferdinand Marcos Jr., at Senator Bato dela Rosa.

Continue reading below ↓

Diin pa ng mambabatas, “Wala ako tinatago. Sincere naman ako, wala akong kailangan paghandaan na… baka itanong itong bagay na ito na tinatago ko, wala akong ganoon.”

Inilahad din ni Pacquiao ang ilan sa kanyang plataporma de gobyerno sakaling palarin at manalo sa pampanguluhan.

Nais daw niya itong talakayin sa presidential debates.

Sumesentro ito sa anti-corruption drive, economic growth and development, employment, livelihood, healthcare, and housing.

HOT STORIES

We are now on Quento! to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *