Entertainment

Marc Pingris challenge to run wearing a bra

Nagulo ang tahimik na mundo ng basketball star at ang Pinoy Sakuragi na si Marc Pingris.

Inoobliga kasi siya ng netizens na tuparin ang kanyang hamon na tatakbo siyang naka-bra sa village na tinitirhan nila ng misis na si Danica Sotto kapag nanalo ang Pilipinas sa 2021 M3 Mobile Legends World Championship.

Nag-umpisa ang M3 Mobile Legends World Championship noong December 6 sa Singapore.

Noong December 11, buong giting na nagbitaw ng hamon si Marc sa kanyang official Facebook page.

Magiting na hamon ni Marc: “Hello guys, Marc Pingris here, rooting po para sa Pilipinas M3 Tournament.

“Kapag nanalo ang Pilipinas M3, ang gagawin ko po ay tatakbo ako nang naka-bra dito sa village namin.

“Gagawin ko po ‘yan para sa M3 Pilipinas. So, maraming-maraming salamat po, Pilipinas lang ang malakas.”

Continue reading below ↓

Sinubok ng tadhana si Marc dahil ang Blacklist International Philippine team ang itinanghal na champion, at runner-up naman ang ONIC Philippines sa World Championships na natapos ngayong Linggo, December 19.

Mga kantiyaw ang natatanggap ni Mark mula sa netizens na tinandaang mabuti ang kanyang binitawang hamon kaya hinihintay nila ang makasaysayang pagtakbo ng Pinoy Sakuragi nang naka-bra.

Ang Mobile Legends World Championships ang annual international esports tournament para sa Mobile Legends: Bang Bang game.

Year 2019 nang mag-umpisa ang Mobile Legends World Championships at ang paghaharap-harap ng Mobile Legends teams mula sa iba’t ibang panig ng mundo para patunayan kung sino sa kanila ang pinakamagaling.

Nagdilang-anghel si Marc nang sabihin nito na ang Pilipinas lang ang malakas.

Pero ito rin ang naging mitsa para tuparin niya ang pangakong tatakbo siyang nakasuot ng bra na kailangang mangyari dahil nakaabang ang netizens na hindi papayag na madismaya sila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.



Source link

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

close